Sino po sa inyo ang gumagamit ng DITO sim?Actually loyal ako sa globe kasi yon lang ang medyo malakas dito sa lugar namin pagdating sa signal...Kaya lang dahil nga sa bago ang DITO sim ay nag try din kami ng mahal ko para bumili..Actually libre niya ako...hahaha...55pesos yong isa so dalawa yong binili namin para tig-isa kami.....Pagdating ko sa bahay namin ng mahal ko ay excited kami pareho.....Ang nakakatawa kasi hindi man lang namin inalam kong paano ba gamitin yong sim na ito...Akala namin tulad lang ng globe or smart na kapag ilinagay mo na sa phone eh automatic activate na ito.........
Actually maganda talaga itong DITO sim kasi bukod sa sim card eh may libre pang sim ejector pin.....At hindi lang yan may free 3gb for data na din siya plus 100mins unli call all net plus unli text all net na din at 15days ito bago ma expired......So naisip namin ng mahal ko mas tipid nga naman yong DITO sim......At sabi nga ng iba malakas daw talaga yong signal.....
So ang nangyari dahil sa excited ang mahal ko eh siya ang unang nag try sa kanyang phone...tapos nakakatawa kasi bakit daw hindi gumagana.....So nag youtube ako para alamin kong paano gamitin yong dito sim......Kaya naman pala kasi hindi pala lahat ng mobile eh pwede sa DITO sim....and yong phone ng mahal ko ay hindi kasama don...Nalungkot tuloy ang mahal ko kasi excited pa naman kami pareho.......So ayon nga sa youtube kasama yong phone ko sa mga nabanggit ang probz nga lang kasi ang hina ng signal......Kaya ang labas para lang naman kaming na scam ng mahal ko.hahahahah.....
Actually malakas naman talaga ang signal ng DITO sim siguro depende sa location niyo.....kasi may isa din akong friend na talagang malakas talaga ang signal niya...At super tipid pa....Kasi daw yong load na 199 meron na itong 25gb for data plus call and txt tapos 30days bago ma expired....Sayang nga lang at mahina ang signal ng DITO sa amin kaya sa globe nalang ulit kami.hehehe...
Sa mga gusto mag try ng DITO mas maganda kung mag search muna kayo sa youtube kung paano gamitin para hindi masayang ang sim niyo....
Kailangan din po niyo mag download ng DITO app para ma activate ang inyong sim..
Thank you so much sa aking mga sponsors....
Sa wakas nakapag sulat na din...sana ay nagustuhan niyo ang ginawa kong article ngayon...godbless po...
hello ate, and DITO dito sa loob ng bahay namin ay mahina ang signal tapos ang alam ko din namimili ata ng cp yan eh