Ang aking mga gamot kapag ako ay nagkakasakit

19 73
Avatar for Labofmylife
3 years ago
Topics: Herbal medicine

Ang sakit ay part na yan ng buhay natin..Kahit anong iwas natin ay kusang dumarating..Minsan kusang dumarating ng di inaasahan...

Mga herbal na dahon pero mabisa base on my experience

Alam ko hindi lahat ng nagkakasakit ay umiinom nitong herbal...Kasi depende yan kung ano ang nakasanayan ng ating katawan kung sa doctor o sa herbal lang...Ang mga herbal na ito ay panlunas sa mga karaniwang sakit tulad ng ubo,sipon,sakit ng tiyan,abnormal menstration,at nahihirapan umihi...Sana ay makatulong ito sa inyong ibabahagi ko...

Isinsyang buhay

Iwan ko kung tama ang spelling ko hehe basta yan po ang tawag dito sa amin...Paano ba nakakatulong ang dahon na ito sa atin??Anong klaseng sakit ang natutulungan nito??

Pagreregla

Sino ba sa inyo dito ang nakakaranas ng abnormal menstration?Yong ilang buwan bago datnan ng dalaw pero hindi naman buntis at ang iba naman ay dalaga...

Lumaki na talaga ako walang kaartihan pagdating sa gamot na herbal..Ang laging iniisip ko gumaling agad...

Unang dalaw ko noong 11yrs old ako...Ang sabi nila dapat daw may lihi para normal daw yong menstration pero sumunod naman ako sa mga sabi-sabi ng matatanda...Pero iwan ko sa una lang naging normal ang menstration ko..Pagdating ko ng 15yrs old paiba-iba na ang mood ng regla ko..Minsan 1month na hindi ako dinadatnan,minsan naman 3months..Natakot talaga ako kasi baka kako may sakit na ako sa ovary....May nakapagsabi sa akin na magaling daw itong isinsyang buhay na inumin para maging normal ang menstration....Every morning yong wala pang laman ang aking tiyan ay ito ang ginagawa kong kape..Kumukuha ako ng 5 pidasong dahon ng isincia at nilalagay ko sa tasa pero dapat hugasan muna para malinis..Lagyan ng mainit na tubig hanggang sa kalahati yong tasa at takpan ito..After 5mins ay pwede na itong inumin..Huwag na kayong magarap na masarap ito dahil super pait po talaga..Mas mapait pa ata sa ampalaya..hahaha.Pero gamot nga po ito kaya iniisip ko nalang na nakalimutan kong lagyan ng asukal....hahaha.Araw-araw ko siyang ginagawa hanggang sa nasanay na yong panlasa ko at sa wakas naging normal na yong menstration ko....

Artamisa

Siguro marami din po sa inyo ang nakakaalam nito...Ito ang pinaka mabisang gamot sa lamig ng katawan...Kapag feeling mo ay may kabag ka at parang hindi natutunawan...Pwede kang maglaga ng isang tasa nito at inumin mo...Pero kadalasan ang ginagawa sa akin ng mama ko ay hinihilot sa aking ulo at katawan lalo na kapag ang sakit ng katawan ko..Bawal nga lang mag pahangin...

kulungkugon

Kapag ang sakit ng tiyan ko ay nagpapakulo ako nito at ginagawa kong tubig para inumin...At nawawala nga ang sakit ng tiyan ko..Para naman daw sa mga buntis kapag malapit ng manganap...Kapag sumasakit daw yong tiyan,para daw malaman kung ito ay nag lalabor na daw or sakit lang ng tiyan ay kailangan uminom ng herbal na ito..Kapag hindi daw tumigil ang sakit kapag nakainom nito ibig sabihin ay manganganak na...

Dahon ng ampalaya

Isa ito sa mga nakakatulong para sa my mga anemic at sakit sa diabetis....May sakit kasi ano ng Insomnia kaya syempre lagi akong kulang sa tulog kaya kulang na kulang sa dugo....Kapag nahihilo na ako ay ito lang ang iniinom ko tuwing umaga...At kapag nakakainom ako nito ay gumaganda ang aking pakiramdam pero yong itsura ng mukha ko habang iniinom ko ito ay hindi ko maipinta dahil sa sobra ding pait.hahaha...At para sa may mga diabetis po dyan maganda mo na inumin ang ampalaya juice...Pakuluan niyo lang po ito ng kahit 5mins..Pwede na po yan...

Lagundi

Ang dahon ng lagundi ang pinaka kailangan natin ngayon....Madami sa atin ang nakakaranas ng sipon at ubo...At nakakatakot dahil kahit normal lang ito sa atin noon feeling natin kapag pumunta tayo ng hospital positive agad sa covid.hehehe..Yong mga takot po dyan pumunta ng hospital...Ito po ang gamot dyan..Ang dahon lagundi...Pakuluan niya lang po ito at kahit 3times a day kayong uminom ay ok lang...Wala naman po yang side effect..Mas madami mas mabuti at mas mabilis gumaling...

Dahon ng bayabas

Yong natural na dahon ng bayabas ang karaniwang ginagamit natin sa sugat....Kapag tayo ay nasugatan ito ang ginagawa nating panglinis para agad na gumaling....At ilang beses ko na din yan nasubukan ..Lagi kasi akong nasusugatan kahit sa puso..charot.hahahah

Dahon ng malunggay

Hindi lang ito gulay..gamot din ito sa sugat para iwas infection....Kailangan mo itong durugin at kunin yong katas at ilagay sa sugat...Lalo na kung maraming dugong lumalabas...Kapag nilagyan mo nito sigurado po na titigil ang pagdurugo...

Sponsors of Labofmylife
empty
empty
empty

By the way before my articles ends gusto ko lang po magpasalamat sa aking very supportive at mababait na sponsors...Kung gusto niyo din po silang bisitahin click niyo lamang po ang kanilang accounts..

Ang mga nabanggit ko sa itaas ay isa lamang sa aking mga gamot kapag ako ay may sakit or nasusugatan....But hindi ko po sinabi na gawin niyo din po ito kapag nagkasakit po kayo...Pwede naman na oo pwede naman na hindi.....May kanya-kanya po kasi tayong paniniwala at nakasanayan..Pero mas mainam pa din po na kung may masamang nararamdaman ay kumunsulta agad sa doctor...

Thank you so much sa aking mga mababait na readers new and old and to my sponsors...

Lahat po ng larawan ako kanina ko lamang kinuhanan ng picture sa aming bakuran...

Date published

October 13,2021

Wednesday

2:40pm

Philippines

@Labofmylife

13
$ 0.16
$ 0.10 from @tired_momma
$ 0.05 from @Adrielle1214
$ 0.01 from @Jay997
Sponsors of Labofmylife
empty
empty
empty
Avatar for Labofmylife
3 years ago
Topics: Herbal medicine

Comments

Lalo na sa probinsiya sis, mas gusto ng herbal. Malaking tulong din kasi ang mga ganitong halaman lalo na sa kapos sa bulsa.

$ 0.00
3 years ago

Laking tulong talaga satin yung mga halaman, madami rin itong paggamitan tulad nalang niyan sa paggamot hindi na kailangan pumunta sa doctor if kaya naman ng mga halaman na gamot.

$ 0.00
3 years ago

Yes po mabisa na wala ka pang gaanong gastos..

$ 0.00
3 years ago

Ganyan din ako sis, mas hiyang ako sah mga herbal medicine, kai sah pharmaceutical medicine, mas gusto ko Ang herbal lang kasi walang mga side effects.

$ 0.00
3 years ago

Yes tama po...bawas gastos pa tayo.heheh

$ 0.00
3 years ago

Hi bago po ako dito, nagustuhan ko ang article mo oo, nakatulong siya sakij mahilig din oo kasi ako sa herbal lalo na mag may dismenorya ako. Mabisa kasi siya at less gastos kaya mas okay ako sa herbs

$ 0.00
3 years ago

Welcome here sis...Bago din ako dito..I hope na magustuhan mo din po ang platform na ito tulad ko...

$ 0.00
3 years ago

mabisa talaga ang mga herbal, minsan mas nakakapagaling pa yan kesa sa mga gamot na nirereseta ng doctor. tanong lang po. nagsubmit ako ng article sa filipinoreader matagal po talaga yun i.approve?

$ 0.00
3 years ago

Oo sis mabisa po talaga siya..Lalo na kung ito ang nakasanayan na ng katawan mo.....Nong unang post ko po dito sa filipino readers..Siguro mga 1hr po ata bago po ako na approve..

$ 0.00
3 years ago

ganun po ba. bat kaya ung akin hindi pa din approve

$ 0.00
3 years ago

Proven po sa akin ung malungay,artamisa at dahon ng bayabas po.. tlaganh nkakatulong siya.. lalo na nong itong pagkasakit ko yung artamesa mabisa sa sakit din ng tiyan dinikdik nila at nilagay sa dahon ng saging tas nilagay sa lutuan nong mainit na hinaon at nilagay sa tyan ko mabisa siya po.

$ 0.00
3 years ago

Haha sa probinsya as Batangas pag si Mama ko puro herbal at tapal tapal kahit mapait laklak namin. Mabisa na wala pang gastos. 😁

$ 0.00
3 years ago

Tama po kayo dyan sis...tsaka wala pang side effect.hahah

$ 0.00
3 years ago

Salamat sa pagshare sis

$ 0.00
3 years ago

Welcome sis I hope na makatulong po..

$ 0.00
3 years ago

Effective sa akin yang mga herbal medicine na ayan kaysa mga gamot na nabibili sa botika , ayan wala pang mga side effect

$ 0.00
3 years ago

Pareho pala tayo sis..Ako din mas effective talaga sa akin yong herbal kisa yong sa doctor galing..

$ 0.00
3 years ago

Ang daming herbal sis hindi ko iyan kilala dito sa amin.

$ 0.00
3 years ago

Ma isa ang lahat NG hala ang gamot at nasa paligid lang sila dahil bigay talaga yan NG Diyos, binigyan nya NG talino ang tao para ma discover ito.

$ 0.00
3 years ago