Si Pepe at Maria Noon vs. Si Pepe at Maria Ngayon

33 44
Avatar for Khing14
3 years ago

Kung katulad kita na lumaki din sa hirap pero ngayon ay may maayus nang pamumuhay, hindi maiiwasan na maikumpara ang buhay mo noong ikaw ay musmos pa sa buhay meron ang mga anak mo ngayon. Lalo na sa mga sandali na napupuna mo ang iyong anak na tila hindi pinapahalagahan ang mga bagay na natatamasa nila sa ngayon.

Si Pepe at Maria sa Hapag Kainan Noon.

Masaya na kapag may nakahaing kanin sa hapag. Dahil kalimitan ay kamote o di kaya naman ay saging ang kanilang kakainin.

Si Pepe at Maria sa Hapag Kainan Ngayon.

"Mama ayoko po ng ulam, hindi ko po kasi yan paborito". O kaya naman, "Mama ayoko po ng lasa eh hindi po masarap". Meron din naman minsan "Mama gusto ko po yung yellow egg (scrambled egg ang ibig nila sabihin nito), ayoko po nitong sunny side up".

Sinong nanay ang hindi magagalit sa twing maririnig yan? Yung ipinagluto mo na at lahat, ipinaghain pa, pero pagkatapos ay sasabihin sayo ayaw ng lasa? Kaya madalas silang mapagsabihan "Imbis na magpasalamat kayo dahil kakain nalang kayo, ang ibang bata namumulat pa muna ng basura bago pa makakain ng ganyan sa kinakain ninyo".

Mga Laro ni Pepe at Maria Noon

Noong panahon ko, palibhasa sa probinsya ako lumaki, lahat na ata ng larong kalye ay nalaro ko.

  • Pitik. Hindi ito pitikan ng kamay ha. Pitikan ito ng Lastiko o Goma. Palagi akong talo sa larong to pero gustong gusto ko pa din sumali. Lagi akong umuuwi na ubos ang lastiko na nasa aking kamay.

    image source: https://i.ytimg.com/vi/4eHPOVl9ULU/maxresdefault.jpg
  • Syato. Sigurado ako alam na alam ito ng mga batang 90's. Meron tatlong part itong laro na to. Ito ay laro gamit ang isang mahabang patpat at isang maliit na patpat.

    Pag naglaro ka nito, siguraduhin mong dapat handa kang masaktan. Sapagkat ikaw ay susubok na sumalo sa maliit na patpat na titirahin ng manlalaro.

    Meron itong tatlong round.

    Sa mga hindi na maalala kung paano itong nilalaro, hayaan ninyong ipaalala ko sa inyo. Hindi ko nga lang sigurado kung ganito din ang version ng paglalaro ninyo nito noon.

    Unang round:

    Image source: https://lh3.googleusercontent.com/CzM5jvr36mAhxH-vccfruej8iy95iZ1YHjsioSrNyMAg2nd0pYP-GXJkmN_B-p9UuJFW=w300

    Sa ibabaw ng isang maliit na hukay, ipapatong ng tagatira ang maliit na patpat sabay ititilapon nya ito ng malayo gamit ang isa pang mas mahabang patpat (mga isang metro ang haba). Habang ang mga taya o ang ibang manlalaro ay mag aabang upang masalo ang maliit na patpat. Kung sino ang makasalo ay sya ang sunod na titira.

    Kapag naman hindi nasalo, kung saan bumagsak ang patpat, susubukan naman patamaan ng taya ang mahabang patpat na nakapwesto ng pabalagbag sa may maliit na butas kung saan tinira ang maliit na patpat. Kapag tinamaan nya ang patpat, sya na ang titira. Kapag naman hindi, mag aadvance ang tagatira sa next round.

Ikalawang round.

Image source: https://images.summitmedia-digital.com/smartpar/images/syato.jpg

Sa round na ito, hawak ng manlalaro ang dalawang patpat sa magkabilang kamay. Ihahagis nya ang maliit na patpat sa ere sabay titirahin ulit. Habang ang mga bantay ay mag aabang sa pagtira ng manlalaro upang saluhin ito. Katulad ng rules sa unang round, kapag nasalo ang maliit na patpat, out na ang manlalaro at kung sinong nakasalo ang sya namang susunod na titira.

Kapag hindi nasalo ang maliit na patpat, saka ito ihahagis pabalik ng bantay sa manlalaro mula sa pinagbaksakan na parang bola habang ang manlalaro ay aabangan ito at titirahing muli. Tamaan man o sa hindi, kung saan babagsak ang maliit na patpat, susukatin ito ng manlalaro gamit ang mas mahabang patpat mula sa pinagbagsakan hanggang sa maliit na butas na nagsisilbing base.

Ikatlong round.

Sa round na ito, ilalagay ng manlalaro ang maliit na patpat nang pa 30 to 45degrees sa lupa. Pagkatapos ay pupukpukin ang dulo nito upang umangat at pag angat, tityempuhan nya itong paluin muli papalayo sa base. Susubukan din ng manlalaro na dalawang beses patamaan ang maliit na patpat. Pag nangyari ito, ang gagamitin na panukat ng layo ng pagbabaksakan ng maliit na patpat mula sa base ay ang maliit na patpat.

Pareho pa din ang rules. Kapag nasalo ang maliit na patpat pagkatapos paluin papalayo sa base, walang score sa round na iyon ang tumira at kung sinong nakasalo, sya ang muling titira.

Kapag naman hindi ito nasalo, katulad ng sa ikalawang round, bibilangin ng manlalaro ang layo ng pinagbagsakan ng maliit na patpat mula sa base gamit ang malaking patpat.

  • Tagu Taguan (Hide and Seek).

Image source

Sa larong ito, kinakailangang magtago ng mga manlalaro habang nagbibilang ang taya sa base na nakatalikod at nakatakip ang mga mata. Pagkatapos ng pagbibilang ay mag uumpisa nang maghanap ang taya sa mga nakatagong manlalaro. Kinakailangang makabalik ang mga manlalaro sa base ng hindi namamalayan ng taya. Kung sino ang unang ma "Pong!" O makita ng manlalaro at hindi agad makakabalik o SAVE sa base, ay syang susunod na taya. Kapag walang nahuli ang taya ay sya pa rin ang magiging taya sa susunod na round.

Siguradong hanggang ngayon, kabisadong kabisado mo pa ang linyahan dito na para na ngang kanta kung bigkasin ng taya.

  • .......

    Tagu-taguan maliwanag ang bwan.

    Wala sa likod, wala sa harap.

    Pagkabilang ko ng sampu nakatago na kayo.

    Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim, Pito, Walo, Siyam, Sampu.

    Game?

Medyo bibitinin ko po muna kayo. Abangan ang susunod pang mga parte ng Artikulong ito.

Samahan po ninyo akong alamin ang kaibahan ng mga bata noon kumpara sa mga ginagawa o nakagawian ng mga bata ngayon.

Salamat po sa inyong pagtangkilik.

6
$ 0.78
$ 0.64 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @LykeLyca
$ 0.03 from @Zcharina22
+ 2
Sponsors of Khing14
empty
empty
empty
Avatar for Khing14
3 years ago

Comments

Gusto kung laro noon patintero at tago-taguan. Kulilat ako sa syato talaga 😂

$ 0.01
3 years ago

naku sis, matapang ako sa syato..hahaha,,.matapang akong sumalo nung pinapalo na maliit na patpat. Lahat ng laro na nakalista ko maliban sa luksong baka eh mga paborito kong laruin noong bata pa ako. Hindi ko pa nga naisama ang baril-barilan.Paklang lang ng dahon ng saging ang ginagawa naming baril barilan noon kasi diba madali yun butasin dahil malambot. tapos ang kalaro ko eh puro lalaki ..hahaha...

$ 0.00
3 years ago

Bet ko ung bitin part 🤣😅.., Ibang-iba na talaga ngayon. Hindi man kami mayamam, napalaki naman kami ng maayos (char, hindi pala ako lumaki este tumangkad 🤣)..,

Dahil sa nakakalimutan na ang mga dating laro, isinasama na namin ung larong syato (shatong) kapag meron kaming palaro or bata olympics..,

$ 0.01
3 years ago

Nawawala na nga po ang mga tradisyunal na mga laro noon. Unti unti nang nakakalimutan.. Patintero, syato, sipa, at iba pa.. Balang araw palagay ko, babaliktanawin ko sila gamit itong blog ko dito sa read cash.. Hehe

$ 0.01
3 years ago

Ou din po.., kaya po noong wala pang pandemic, talagang isinasama namin mga traditional games sa mga palaro namin..,

$ 0.00
3 years ago

sana i-push sa mga schools noh pag bumalik na yung face to face. Sana ituro sa mga school ang mga tradisyunal na laro at iparanas din sa kanila. Para marealize ng mga bata na mas exciting yung mga larong may physical activity na involve kesa sa mobile or online games.

$ 0.00
3 years ago

Tinuturo po ata kaya lang hindi pinapalaro 😅

$ 0.00
3 years ago

ayun lang..iba pa din yung na experience nilang laruin para hanggang pagtanda nila eh maalala nila.tulad natin diba

$ 0.00
3 years ago

True.., iba parin kung na-experience nila..,

$ 0.00
3 years ago

Malaki na ang pinagbago ng mga kabataan ngayon no sis..pero namiss ko yung mga laro huhu mas lalo di lalaro ang mga yan dahil sa sunod sunod na lockdown hehe

$ 0.01
3 years ago

Kaya nga sis eh.. Hindi basta basta makalabas ang mga bata ngayon

$ 0.00
3 years ago

Naku relate ko lahat. Lalo na sa laro 😁😁

$ 0.01
3 years ago

hehehe..hindi pa po tapos yan ,,may kasunod pa

$ 0.00
3 years ago

Aabangan ko 😊

$ 0.00
3 years ago

Nakakamiss yung mga alrong yan. Hustlr ako sa syato at pitik at ang dami ko pang lastiko noon,hahhahah. Sinasabi lage sa akin ng lola ko na ilalaga daw nya un lastiko at ipapakain sa akin dahil wala na ako inatupag kundi lastik,heheheh

$ 0.01
3 years ago

ahahaha....same tayo sis. Pinapalaga din sakin ng nanay ko dati yan..ahahaha...Kasi diba ang sagwa nga naman tingnan pag kakain eh napakaraming lastiko nakalagay sa kamay mula wrist hanggang papunta na sa may siko..tapos syempre palibhasa sa lupa naglalaro, napakarumi palagi kapag uuwi.

$ 0.00
3 years ago

korek sis, tapos kalaro ko pa noon eh puro lalaki,hehehh

$ 0.00
3 years ago

truth..pero mga pinsan ko din naman ang malimit kong kalaro..hahahaha...

$ 0.00
3 years ago

Relate much ako sa pagkain. Noon masaya na kami kahit saging at kamote lang nasa lamesa pero ngayon naku mareklamo na ang mga bata kaya palagi ko mapagsabihan yung mga anak ko na huwag magsayang ng pagkain dahil mas maswerte sila kaysa sa ibang bata na walang makain sa oras ng kainan.

$ 0.01
3 years ago

same here sis..tapos ang tatamlay pa sa hapag kainan pag hindi nila gusto yung ulam.

$ 0.00
3 years ago

True sis, yung bunso ko palaging manok at itlog ang gusto kaya minsan napagalitan ko dahil pahirapan pang pakainin ng gulay

$ 0.00
3 years ago

Ay naku sis.. Hindi ka nag iisa.. Sa tatlong anak ko, si bunso lang ang kumakain ng gulay.. Yung daughter ko naman, okra lang ang gulay na alam kainin.

$ 0.00
3 years ago

Yung panganay ko sis wala akong naging problema dahil malakas naman kumain pero yung tatlo kahit ang sarap ng ulam, parang wala pa ding kabuhaybuhay kumain pero pag naglalaro ang kukulit.

$ 0.00
3 years ago

relate sis..lagi ko nga sa kanilang sinasabi, sa pagkain napakabagal pero sa laro napakabibilis..hehehe...bakit nga kaya ganun noh? ang sasarap na ng inihahain sa kanila eh inaayawan pa.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sis, ewan ba parang mas gusto pa nila maglaro kaysa kumain. Parang baliktad sa tin noon, handa nating iwan ang mga laruan basta kainan na ang pag uusapan

$ 0.00
3 years ago

korek..sabik kasi tayo sa pagkain noon palibhasa nga eh miminsan lang magkaron ng masarap na pagkain sa hapag..saka noon kasi wala din talagang mirye miryenda..hahaha

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sis, minsan lang talaga tayo makatikim ng masasarap na pagkain. Masaya na tayo pag may okasyon o kundi fiesta kasi unli kain na yun

$ 0.00
3 years ago

Tumpak ka jan sis.. Sa handaan nga lang ako nakakakain noon ng pansit at spageti eh.

$ 0.00
3 years ago

Para sa atin, Mayaman na yung may ganyang handa. Noon pag birthday namin simpleng tinolang manok lang solve na.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sis noh? Napakasimple ng buhay noon.. Ang layo sa buhay ngayon

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sis and layo sa buhay natin noon, ngayon kung may okasyon pabonggahan na ng handa.

$ 0.00
3 years ago

Korek.. Pabonggahan din ng suot.. Ahahaha.. Noon eh nakapangbahay lang takbo na sa birthdayan kahit hindi imbitado basta kapitbahay

$ 0.00
3 years ago

Tama ka dyan sis, walang pakialam kung ano ang suot basta makakain lang

$ 0.00
3 years ago