My First Pregnancy = "Unplanned"

41 64
Avatar for Khing14
2 years ago

Wala akong maisip na topic today kaya kumagat nalang din ako sa pa challenge. Sana maalala ko pa ang mga details sa unang pagbubuntis ko.

My first pregnancy is actually unplanned. Post my graduation, pinalad ako na makapasok sa Accenture as Associate Software Engineet. Wala pa akong idea sa pinasok kong work actually. Sumali lang ako sa caravan sa school at doon nga, isa ako sa mga nakapasa. Hindi ko alam na IT pala ang pinasok ko na trabaho that time.

Dahil sa masyadong malayo ang Manila sa tinitirahan namin that time, kinailangan kong kumuha ng apartment. Nakahanap naman ako, kasama ko ang mga kaklase ko din na nakuha din sa Accenture.

Sa kabilang banda, nagtatrabaho naman sa Laguna si ex BF ko na ngayon ay mister ko na. At syempre, dahil mas maluwag ang schedule ko, twing weekends, sa apartment nya sa Laguna ako umuuwi.. That time, more than 5 years na kaming mag BF GF kaya sobrang komportable na kami sa isa't isa.

Sa makatuwid, palay ho ang lumapit sa manok!.

Alternating ang set-up ko noon. Halimbawa, kung ngayong weekend sa BF ko sa Laguna ako umuwi,sa susunod na weekend, sa bahay naman namin sa Cavite.

After a year na ganun ang set-up namin, never namin inasahan na mabubuntis ako.

One time, panggabi ako nun, all of a sudden biglang may napansin sa akin yung Team Lead ko..Parang may something daw saken..parang blooming daw ako..so since wala pa akong clue that time na buntis pala ako, patay malisya lang. Sumama pako sa team building namin that time, somewhere in Batangas.

And then dumating na nga yung time na dapat period ko na, that was May 2009..Nag hintay ako ng over 1 week pa bago ko sinabi sa ex BF ko na delayed ang period ko. So pag uwi ko sa Laguna, bumili sya ng dalawang magkaibang brand ng pregnancy kit. Sa makatuwid, nag pregnancy test ako. At parehong positive ang result.

Nung mismong sumunod na weekend, umuwi kami sa bahay, sinamahan nya ako dahil ang plano namin ay sasabihin na namin ang totoong kundisyon ko. Agad nyang kinausap ang tatay ko. At syempre, wala na silang nagawa.

And so since then, every weekends, sa Laguna na ako umuuwi (sa ex-BF ko na). Sobrang hirap ng first pregnancy ko.

In my first trimester, nagka UTI ako, kaya kinailangan ko mag antibiotics. Nagbleeding din ako nun kaya niresetahan din ako ng pampakapit. Siguro dahil tagtag din ako sa layo ng nilalakad ko papasok sa office , may overpass pa na tinatawiran.

Kahit na tagtag ako sa lakad, on my 5th month, namanas na agad ako. Namamaga ang ilong, mukha, kamay at paa ko. Though maliit lang yung tiyan ko that time, pero sobrang manas ako. As in yung paa ko ay kitang kita ang paglobo.

Nagpakasal din kami sa huwes nung ika 5th month ng pregnancy ko. Naalala ko nung bumili kami ng ring, grabehan!. Since manas ang mga daliri ko nung time na bumili kami ng ring, ayun nung makapanganak ako at nawala na yung pamamanas, sobrang luwag nya. Hindi ko maisuot, hanggang nawala nalang din dahil hindi ko nga sinusuot.

Aside from pamamanas, sobra yung sensitivity ng ilong at sikmura ko. Ultimong sa polbo eh naiirita ang ilong ko. At kapag talaga hindi ko gusto yung amoy, sumusuka talaga ako. Madalas din ako nasusuka, take note, suka po hindi yung tiping naduduwal lang. Ang dami kong embarrasing moments lalo na kapag nasa byahe ako sa BUS. All of the time, sumusuka talaga ako. May times pa na halfway palang ako papunta sa destinasyon ko, bababa na ako sa BUS and then maghahanap ng CR somewhere para makasuka. Regardless kung malayo or malapit ang destinasyon, nasusuka talaga ako sa byahe nun. Achievement na sa akin yung makarating ako sa destinasyon ko nang hindi sumusuka. Kahit sa office, maya't maya din ako nasa CR para sumuka.

Pero sobrang thankful naman po ako kay Lord kasi nairaos ko naman ang first pregnancy ko nang healthy ang baby ko. Wala namang naging problema hanggang sa manganak ako. Nailabas ko din via normal delivery ang anak ko.

Share ko lang ang picture nya :)..1 year-old sya that time, nagaaral palang maglakad.

And ito na sya ngayon, 11 years-old na po - Grade VI.


Anyways, ito po ang entry ko sa pa-challenge ni @Momentswithmatti . Pasensya na po kasi tinagalog ko na at nagrerefill pa ng english ang braincells ko.

Ikaw, anong first pregnancy story mo? Halina po at i-share mo din sa amin!.

17
$ 4.75
$ 4.30 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Momentswithmatti
$ 0.05 from @GarrethGrey07
+ 11
Sponsors of Khing14
empty
empty
empty
Avatar for Khing14
2 years ago

Comments

ansarap talaga balikan noh ang pangyayari sa ating buhay.. anlaki na ni baby boy... ang hirap pala ng dinaanan mo sis sa pagbubuntis.. ako kasi pandemic so nasa bahay lang..di naman ako nakaranas ng suka.. ung parang maduduwal lang ung sakin... pero totoo to na kapag buntis, in the first months blooming ang babae...

$ 0.00
2 years ago

Ay wow..buti kapa sis...kabit din yung ibang kilala ko, wala ding nararamdaman kapag nagbubuntis..

$ 0.00
2 years ago

Ay grabeh namn ung pamamanas mo sis pati mukha? Nung namanas ako hanggang binti Lang hndi umabot sa tuhod at nawala din Siya agad..madami din akong challenges sa pagbubuntis ko.

$ 0.00
2 years ago

Yes sis..grabe ang manas ko noong unang pregnancy ko talaga.

$ 0.00
2 years ago

Ang aga mo naman namanas sis. Ako eh hindi ako namanas nun buntis ako. Siguro dahil panay laboy ko noon. Tuwing umaga at hapon eh lalakarin ko un sa amin papunta sa bahay ng mga tita ko, from block 60 to block 47 as in ang layo, hahaha..

$ 0.00
2 years ago

Malayo din nilalakad ko papasok dati sa work sis...pero di ko sure kung bakit namanas ako nun sa una..baka dahil hindi ako matakaw magtubig that time..

$ 0.00
2 years ago

Ay baka, ako kasi noon eh grabe painumin ng tubig lalo na kapag malamig. Kaya ang laki ng tyan ko noon eh..

$ 0.00
2 years ago

Mas okay nga daw yung ganun sis..

$ 0.00
2 years ago

Same din sa akin sis, unplanned din yung first pregnancy ko....Big boy na pala ang panganay mo sis , noh?

Yan talaga ang mahirap sis, yung magsusuka. Naranasan ko yan nung sa panganay ko, yung mga paborito kong pagkain, di ko na makain kasi nababahuan ako

$ 0.00
2 years ago

Ou sis..maya maya may binata na kami..hehehe..

Naku ang hina talaga ng sikmura ko sa amoy dati sis..kahit sa polbo nga eh nababahuan din ako..hahaha..saklap

$ 0.00
2 years ago

Ang bilis talaga ng panahon sis, soon may mga binata na tayo....kung sa polbo yung sa iyo sis sa akin naman yung deodorant na Rexona.

$ 0.00
2 years ago

Aahaha...talagang specific na rexona sis?

$ 0.00
2 years ago

Haha, oo sis kasi rexona lang ang ginamit ng mga kasama ko sa bahay

$ 0.00
2 years ago

Ahaha.kaya pala..sabagay may matapang kasi na rexona din sis..

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap talaga magbuntis huh kaya saludo ako sa lahat ng nanay! One day mararanasan ko rin to pero sana hindi ako mahirapan hehe.

$ 0.00
2 years ago

Mabuti nga ngayon sis accessible na ang internet..pwede ka magresearch ng mga tungkol sa pregnancy..nung time ko hindi pa eh..edge lang ang gprs nun..hehehe

$ 0.00
2 years ago

Aigoo! Big boy na siya sis.. Palay pala yun...:D Ako, na gustong sumali sa prompt pero walang ma.share kasi wala pang baby..Haha.. Hanggang basa at comment nalang muna..

$ 0.00
2 years ago

ahahaha...atleast sis magkakaidea ka kung pano magbuntis :)..iba iba kasi yan depende siguro sa tao. May iba na parang wala lang..walang napifeel na hilo, hindi nagsusuka, etc.

$ 0.00
2 years ago

Pano kaya kung gusto mo'ng lalaki yung maglihi sis.. May rumors akong narinig na may instances daw na lalaki yung naglilihi.. Hehe

$ 0.00
2 years ago

ahh pamahiin nila yun..kapag daw hinakbangan yung lalaki, malilipat yung paglilihi sa kanila..pero not sure if true hahahaha.

$ 0.00
2 years ago

Ahh.. ganun ba yun sis...Pero pag totoo man, pa'no kaya i-ha-handle nang lalaki yun? Hehe

$ 0.00
2 years ago

Ahaha...kaya nga nating mga babae eh..dapat kayanin din nila..hindi yung puro pasarap lang sila..hahahah

$ 0.00
2 years ago

Hehe ang palay nga naman :D Ako din sis unplanned yung first pregnancy ko, actually pati yung pangalawa :) Gusto ko sana magshare kaya lang pang MMK wag na lang lol.

$ 0.00
2 years ago

ahahaha...pang MMK talaga.... pwede naman kami magpunas ng panyo habang nagbabasa sis :)...push mo na din

$ 0.00
2 years ago

Ahahaha pagiisipan kong gawin siyang light sis tulad ng empi lights..

$ 0.00
2 years ago

Ayon pala kaya naka buo heheheh.

Parang gusto ko sumali dito ah

$ 0.00
2 years ago

naku ipush mo na yan sis...hehehe...memory challenge nga ata ito eh..ahahaha..buti may naalala pako kahit konte..

$ 0.00
2 years ago

Hulaan ko sis, February ka nanganak no? Ganyan din ako noong una nagka uti, parang halos lahat ng kakilala kong nagbuntis nagka uti

$ 0.00
2 years ago

January sis :).. prone ata ang buntis sa UTI..

$ 0.00
2 years ago

Ah April pala ung last mens mo, halos magkasunod pala ang panganay natin, yung akin naman noon May ung last menstruation ko same year kaya going 12 na si kuya sa February

$ 0.00
2 years ago

Relate much sis kasi ganyan din ako sa pagbubuntis ko pero thanks God hindi ako nag ka UTI pero yung food smell ko talaga madalas na masusuka ako panay fruits lang gusto kong kainin.

$ 0.00
2 years ago

naku ako sis, weird ng mga gustong kainin..hahaha..nag gata ako dati ng purong laman ng gabi, mag isa lang akong kumain nun.

$ 0.00
2 years ago

Iba din ang trip ni baby sa tiyan mo sis heheh

$ 0.00
2 years ago

truth..heehehe

$ 0.00
2 years ago

Mabuti at walang komplikasyon sa pagbubuntis mo sis na nagka UTI ka kasi ang kaibigan ko na nagkaganyan yung baby niya naimpeksiyon din.

$ 0.00
2 years ago

awwttss..nakakalungkot naman po yun. Okay naman yung saken. Hindi naman po nahawa si baby.

$ 0.00
2 years ago

Mabuti nalang sis.

$ 0.00
2 years ago

Ang sensitive pala ng pagbubuntis mo Sis no, parang nagka allergy ka. Pero atleast safe kayo both ng baby at malaki na sya ngayon:)

$ 0.00
2 years ago

ou sis..hanggang kay bunso ganun ako magbuntis. 5 minutes palang sa loob ng sasakyan, sigurado suka na yan..kaya magy baon baon akong plastic kapag pumapasok sa office.

$ 0.00
2 years ago

May Binata kana mommy hehe. Ako di sensitive magbuntis. Tagtag na tagtag ako from pembo to Ayala hahahaha.

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

tagtag nga din ako sis eh, pero not sure bakit namanas ako ng husto.

$ 0.00
2 years ago