Date: October 19, 2021
I cannot think of a good topic for today dahil masyado akong dismayado sa Sun Cellular postpaid service simula pa kahapon. Kaya naisip kong ishare nalang sa inyo ang aking pagkadismaya.
Sun Cellular Postpaid Subscriber for more than 10 years
I am sun cellular's postpaid subscriber since 2008. So imagine, more than 10 years na akong loyal sa kanila. I've even upgraded my postpaid plan everytime magpaparenew ako because of the device na associated to the plan. From plan 399, after more than 10 years, naka plan 999 na ako ngayon.
Dati kaming smart subscriber ng asawa ko. Pero since nagustuhan ko yung mga free devices ni sun cellular saka mas mura ang load nya compared sa globe and smart around that year (2008).
Sa makatuwid, dalawang postpaid plan ang kinuha ko sa sun cellular. Isa sa akin at isa para sa asawa ko para masulit namin ang unli call and unli text sa isa't isa (charot!).
Part na ng loyalty program ni Sun cellular na 6 months before maexpire ang contract, pwede na mag avail si customer ng free device.
Postpaid Plan Renewal : Loyalty Program
Sa case namin ng asawa ko, maeexpire yung postpaid plan ni hubby sa March next year. Which means, last month pa dapat kami eligible makapag avail ng free device as part of their loyalty program. So last August, tinawagan ko yung hotline ni sun cellular. Nag inquire ako if kelan kami magiging elligible for the free device and sinabi sa akin ng agent na nag assist na by September daw pwede na.
Matyaga naman akong naghintay ng 1 month at last month (September 2021), tumawag ulit ako sa hotline nila para iconfirm kung pwede na ako mag avail ng new device. Si agent ang sabi hindi pa daw dahil October pa daw dapat. So sinabi ko sa kanya na tumawag ako sa hotline nila last August at ang sabi sa akin ay by September pwede na. Ininsist ni agent na by October daw talaga.
Kaya naman, wala na akong nagawa. Naghintay ulit ako ng isang bwan at kahapon nga, tinawagan ko na ulit ang kanilang hotline. Sinabi nung agent na nag assist sa akin na September pa daw ako elligible. So sinabi ko sa kanya na ang advise sa akin nung agent na nakausap ko last September, October pa daw ako pwedeng magparenew. Mabait naman si agent, nag apologize pa nga sya sa akin. Nagrequest ako sa kanya na ipasa ako sa Tele Sales department nila para makapag order ako ng device. Subalit inabot na ako ng isang oras sa phone, wala pa ding sumasagot. Puro operator lang na nagsasabing occupied pa daw lahat ng agents nila.
Dahil nainip na ako, nagdrop nalang ako sa call at inaya ko ang asawa ko na pumunta ng Smart Center sa SM Dasmarinas dahil nagmerge na si Sun and Smart, lahat ng transactions for Sun is kay Smart Center na tinatransact. Isa pa, kung mapapansin ninyo, wala na ding mga Sun Cellular centers ngayon.
Excited pa ako na pumunta kasi usually kapag nagpaparenew ako ng postpaid plan, one day process lang. Pagkauwi ko, dala ko na yung device. Sinamahan naman ako ng asawa ko.
Pagdating ko sa smart center, sinalubong ako ni kuya guard at tinanong ang pakay ko. Sinabi ko naman agad na magpaparenew ng postpaid plan. At dito, nadismaya ako sa sagot nya.
"Ma'am wala na po kaming ineentertain na postpaid renewal sa ngayon. Pwede po magswitch ka nalang sa pre-paid, ireretain pa din namin yung number mo, tapos apply ka nalang ng bagong postpaid plan na Smart".
"Isa pa po ma'am wala din pong available unit na binibigay"
So tinanong ko ulit si kuya guard kung kailan magnonormalize ang service ng Sun Cellular. Ang sagot nya, kapag daw na-fully merged na si Sun Cellular at Smart. At yun ay baka next year pa.
Sobrang dismayado ako.
Tinawagan ko agad ang asawa ko para ibalita ang nangyari. Habang pabalik ako sa parking, napadaan ako sa department store (actually doon talaga ang daan ko). Naisipan ko nalang na to comfort myself, bibili nalang ako ng sling bag. Syempre nagpaalam na muna ako sa asawa ko kung papayag sya. Siguro, naawa na din, kaya pinayagan ako..Binigyan ako ng 1k na budget para sa bag.
Pampering myself with Secosana Sling Bags : Budol is Real
Fan talaga ako ng secosana bags ever since na nagkawork ako. Matibay kasi ang bags nila and gusto ko din yung texture at magaganda din naman ang mga designs.
Mahilig din talaga kasi ako sa bags compared sa damit. Mas pipiliin ko pa na bumili ng bags kesa sa damit.
Isa din sa dahilan kaya ko naisipan bumili ng bags ay back to office na kami by November 8, 2021. At dahil backpacks lang ang meron ako dito sa bahay dahil prior pandemic, madami talaga akong dala kapag papasok sa office. May dala akong breast pump, cooler para sa storage ng breast milk while in transit at saka 2 ice packs. Dahil malaki na si bunso (3 1/2 yrs old), hindi ko na kailangan magpump ng breastmilk kapag nasa office ako. Isa pa, mahina na din talaga ang supply ko at baka wala na din akong mapump na gatas.
At heto na nga, nakabili ako ng bags, not one but two!. 490 PHP each sa pero ang original price (KUNO) ay 999 PHP.
Both are sling bags (yun po talaga ang hilig ko). Favorite color ko din yan pareho pag sa bag :).
Mas gusto ko ang sling bags kasi mas malaya akong makakilos kapag nasa bus (specially kapag puno ang bus at nakatayo buong byahe), mas secured kapag sling bag ang gamit dahil pwede ko sya ilagay sa may harapan ko.
Praning po ako pag nasa byahe dahil nadukutan na ako once.
Anyways, salamat po sa pakikinig sa dilemma ko today. Sabi sa akin ni husband, ipacut nalang daw namin ang aming sun cellular postpaid plan after mag end ang contract tapos switch nalang kami sa Smart para less hassle na ang renewal.
Ganun talaga sis. Kahit ilang taon ka pang loyal time will come na may not so good new na dadating. Anyways, i like sling bags too.