read.cash Log in

@JhennyDR

Joined 23 April 2022 · 5112 posts

120 KT

0 KT · 5¢ received · 0 KT given

Posts

@JhennyDR

Kuha ni Ate Missy Sabi niya kasi sa akin may ipapakita daw siya, sabi ko kung anu yun, pipicturan na lang daw niya. Ayun pala ang sinasabi niya, yung moon daw. Nakikita niyo rin ba? Hehe medyo maliit siya eh, ay hindi pala sobrang liit pala hehe sa pagkakakuha ng aking ate Missy. At pati di Ela eh niyaya niya sa may pintuan para ipakita at amazed na amazed naman din ang Aling maliit hehe. Magkakasama sila ngayon kasi di nakapasok ang mga estudyante ko at may kaunting sipon, bawala pa rin daw talagang pumasok kapag ganun delikado baka sila eh may mahawa pero ang nakakatawa eh sa school din yata sila nahahawa dahil may mga nakakalusot na may ubo at sipon hehe.

@JhennyDR

It's Monday! Thank Gof for this New Week! Goodmorning from our little one, masigla at ganado agad magdulat pagkagising kahit na may sipon. Hehe Hindi talaga paaawat sa kanyang hilig si Ela. Simula nung natutunan niya ang circle isulat ng paulit ulit, ayun naman na ang kanyang ginagawa tuwing umaga. Pag kagising at tapos na kumain maya maya ay hahanap na "ma bupeeen" ma pepel" haha Anyways, kamust po mga tulog natin diyan?

@JhennyDR

Sigarilyas! Namiss ko.itong gulay na ito, mahal kasi ito sa bayan. Pero ito ang gusto kong luto dito, ang ginisa na may sardinas. Manamis namis kasi ito po ay bagong pitas. Yes na yes, sariwa po siya at medyo mura lang din itinda dito ng mga kakilala namin kasi sarili nilang ani ito sa bundok. Kumain kanaba? Hindi pa? Tara na, kaon na kita. Masilam ini! Ay tunay!

@JhennyDR

Pampawala ng antok Kung si sis @Mitchi ang pampawala ng antok ay yung anghang ng sili sa kanyang kinakain na fishball hehe sa amin naman itong crinkles na pasalubong din ni kapatid kagabi. Kailangan na daw kasi kainin at galing sa ref kaya lang kagabi di na nakain kasi nabusog na kaagad kaya ngayon na lang. Hindi kasi pwede matulog dahil baka biglang umulan, naku sayang ang laba ng mga dami kung mababasa lang din, ang panahon kasi pabigla bigpa nagbabago eh, ngayon ang dilim dilim nanaman pero maya maya ay sisikat ulit ang araw. Mag ingay na lang din ako dito at madalas eh busy kapag weekdays eh kaya ngayon kahit papaano ay may time. Kamusta po kayong lahat?

@JhennyDR

Late lunchiees! Finally nakatapos na ng labahin kaya kakain naman ngayon ng lunch. Sinigang na isda po muna kami ngayon for lunch. Kamusta po kayong lahat, kamusta po ang inyong sunday? Medyo makulimlim ngayon pero buti na lang at hindi naman umaambon kaya nilabas ko pa rin ang sinampay namin, sa inyo po ba maulan or hindi naman?

@JhennyDR

Goodmorning everyone! Happy Sunday! Have a very blessed Sunday po sa ating lahat! Salamat po Lord for another gising blessing dahil kami ay nagising ngayong araw na ito. Love these lyrics and wanted to share it with you, "From that cross You looked at me,Oh what love, poured out for me What a beautiful love" What a beautiful love from you God" Before doing anything we had our breakfast earlier, pandesal at noodles para mainitan ang tiyan. almusal na din po noise.app fam!

@JhennyDR

Treat ni Kapatid! Dumating si bro kanina at may dala nito. Medyo matagal tagal na din nung huling nakabili kami nito kaya medyo nag crave daw siya. Sakto naman na wala pa si mother earth kaya pala dito muna dumiretso sa bahay. Isinama kasi sa pampanga si erms ng aking panganay na kapatid. Kumain na po ba ang lahat? Nakakatuwa talaga si God sobrang daming unexpected blessings kaya Salamat po Lord, Salamat po ng marami. O paano ba yan, isaw sakin at betamax kayo po kuha na!

@JhennyDR

Nilagang Kamote! Magandang hapon po sa inyo! Ang dami kong nababasa na maulan sa kani kanilang lugar, dito naman sa amin ay makulimlim lang maghapon, itsurang mukhang uulan pero hindi pa naman tumutuloy. Nag sisimula nanaman nga ang mga sipon at ubo ng mga bata sa school ng aking mga chikiting, may nakakapasok pa din talaga kahit nag hihigpit na sila, anak ko kasi ang nag kukwento sa akin, sana naman ay di sila mahawa kasi ang hirap nanaman pag absent ng absent. Anyways, Meryenda mode po muna tayo, tapos sabayan na din natin ng kape para naman matanggal ang antok antok hehe, nasanay na kasi ako na 4am nagigising pero late na nakakatulog hehe. Kaway kaway sa mga momsh, dads at sa mga kapatid ko diyan na kagaya ko kasi marami pang need tapusin na gawain sa gabi hehe. di kasi natin matiis na hindi tapusin eh ano po para bawas gawain kinabukasan. Salute po sa inyong lahat!

@JhennyDR

Kumakain po ba kayo nito? Dilis na pinangat sa kamias po ito, Ang aming tanghalian kanina at talaga namang napalaban sa pag kutkot si byenan ko. Pero ito kasi yung isda na hilig niya talaga kainin yung maliliit. May kakilala kasi ako na ayaw naman ng dilis na ganito hehe pero ako malaki or maliit na isda eh keri naman hehe as long as okay naman ang lasa at makakain ay go tayo diyan! Ang sarap niya kasi sariwa yung kamias kakapitas lang.

@JhennyDR

Hindi talaga papahuli ang mga chikitings ko, gising na din sila kaagad kanina kahit walang pasok hehe. Ito ang pinag kaka abalahan ni aling maliit ko, habang busy ako nag luluto, siya ay busy din magluto kasi hungry na daw ang ate niya haha. Ang galing talaga gumaya ng mga bata ngayon. Luto daw siya ng brocolli at repolyo para daw healthy ang tummy aba anak sana nga ano hanggang paglaki hindi magbago at kahiligan ninyo sa gulay. Magandang morning po ulit, ang cute lang kasi natatawa ako na habang busy ako sa kusina eh ginagaya na pala niya ako hehe ate niya nagsabi sakin na "ma tignan mo po si Ela kaya naisipan ko naman na ishare din sa inyo ang goodvibes.

@JhennyDR

A cold morning everyone! Cold sa akin pero kay Ela at Mj hindi, saglit ko lang kinumutan si Ela pag check ko ngayon may pawis na hehe. Same ni sissy @Neria ang aga ko din nagigising kahit walang pasok. Nakasanayan na ng katawan ko, pero ang chikitings ko eh borlogs pa. hehe Habang nakasalang naman ang niluluto ko tupi mode muna ng mga tuyong damit kahapon. Tara! Kape na!

@JhennyDR

Gulay at Isda Ito talaga ang perfect match na ulam eh, yung may gulay ka at isda. Kaya lang wala yata sa mood mag isda ang mga chikiting kaya ayan at may tira pa. Maging si Ela eh di gaano nag pasubo ng isda ngayon, mas nagustuhan nila mag higop ng sabaw ng gulay. Bukas reremedyohan ko ang isda para naman sa almusal. Diskarteng nanay points haha. Talagang walang dapat masayang,diba noise.app fam? Sa presyo ng bilihin ngayon, nakakalula na sa taas, kaya talagang lahat ng pwedeng magawang paraan wag lang makapag aksaya ay gagawin natin. Huwag din natin kalimutan na magpasalamat sa Diyos para sa lahat lahat ng pag papala niya sa ating lahat. Salamat po Lord God for this healthy bounty blessings for us.

@JhennyDR

Goodevening Noise.app Fam! Popcorn po kayo diyan, Galing si mother earth dito kanina at nagpaluto ng popcorn. Naamoy niya daw pagdaan sa school kasi may tindang popcorn doon hehe. Kaya nagluto na lang kami dahil meron kami dating nabili na popcorn. Kaya para mas marami nagluto na lang kami. Para di na rin gumamit ng mantika ang ginamit ko ay margarine. Nakatuyo rin ako ng ibang dami hehe, uminit ulit kanina eh pero yung pagdilim ulit eh may ambon na. Anong oras pa lang ay madilim na ngayon, kaya time to isip isip na ng hapunan hehe, ikaw ba nakaisip na?

@JhennyDR

On my way to Mom's Done taking my kids to school for afternoon session and now I'm on my way to mom's house. Later we will both go to our house which is not that far from hers. It's a gloomy afternoon, and I'm afraid that there will be another downpour later just like last night. I did the laundry this morning and I hope that it wil be dry before the rain comes. I don't know if there's a low pressure area or storm again. I hope that there's none. Happy Friday Everyone! How's your weather there?

@JhennyDR

Enjoy na Enjoy sa Turon! Sarap yan Ela? Halos di siya nag sasawa sa turon talaga silang magkakapatid at papa nila mahilig sa turon, or basta kahit na anong saging pa yan di nila inuurungan hehe. Habang nag lalaba ako busy na siya nag rerecess, as usual eh talagang mayat maya eh kailangan may naka ready siya na kakainin kasi maya maya nagugutom, nag babawi pa silang lahat simula nung magkasakit. Kaya naman walang sawang pasasalamat ang sinasambit ko sa Panginoong Diyos natin na talagang di kami pinababayaan. Thank you Thank you Lord! Magandang morning po, isip isip time nanaman ng uulamin bago dumating ang chikiting hehe, nakaisip naba kayo?

@JhennyDR

Egg! Pambansang almusal na yata ito dahil kahit saan ay magagamit talaga ang itlog pang almusal. Mahilig din ba ang kids ninyo sa itlog pag almusal? Sa akin naku kahit na ito ang ulam nila madalas di sila nagsasawa hehe. Magandang morning noise.app fam! Have a blessed Friday! Let's stay positive and spread Love!

@JhennyDR

Finding Ela! Galing magtago ni aling maliit,pero nahuli rin! Huli pero di kulong. Kanina habang may ginagawa ako sa kusina, tumunog ang cellphone at si mister pala tinatanong anong gawa nila. Sinend ko sa kanya ang naka upload sa second pic, sabi ng papa nila, nasaan si Ela? Hayun pala at nasa ilalim ng kumot, pag silip ko sabi niya sa akin, mama goodnight haha. ang tawa ko ay haha, nandoon pala siya sleep na daw siya, eh kagigising nga lang niya kanina. Magandang gabi, lutuan time nanaman po hehe. ano pong niluluto diyan?

@JhennyDR

Little Marsh mallows! Habang nag hihintay si Aling maliit sa nilagang kamote eh ito muna ang pinag kaka abalahan hehe. Luto daw siya mallows, kaya ayan mag luluto muna siya nitong maliliit na mallows at siya din ang kakain pagkaluto niya haha. Nag lalaga ako ng kamote para sakto pagdating ng mga estudyante eh meron na silang dadatnan na meryenda. Tapos sasabayan natin ng kape, diba! Kamusta po kayo diyan, kamusta po ang araw ninyo?,

@JhennyDR

Hatid time! Pasok na ulit sila sa school. Kapag malilim ay sinasama ko minsan si Ela sa hapon pagsundo at paghatid sa umaga pero sa tanghali talagang hindi kaya at sobrang init. Ito ngang aking big three eh init na init na pagdating sa school nila hehe. Magandang tanghali po, kumain naba kayo noise.app fam? Sila ay oo pero ako mamaya na muna hehe, late na din kasi ako nakapag almusal kanina ng kanin kaya busog muchie pa. Btw, ano pong ulam natin diyan?

@JhennyDR

Goodmorning! Ang aga namin magka chat ni mister at ito nga kakasend niya lang sa akin na nag aalmusal na siya doon kasi kailangan eh nakagayak sila ng maaga before 6am. Ngayon lang talaga kami nagkalayo ng ganito katagal kaya talagang nakakapanibago. Di ako makatulog, kahit mga anak ko hanap na ng hanap sa kanya. Si Ela na talagang masugid niyang tiga pag hintay sa gabi eh nag tataka din. Ang ginagawa namin nag vivideo call kami pag yung medyo malapit ng antukin si Ela para nakikita niya si papa niya nag gogoodnight at I love you siya para maganda ang tulog. Kasi minsan pag nagigising ng alanganin eh nag hahanap. Ako naman eh nag kakape palang dito hehe., tara kape na!

@JhennyDR

Energetic pa rin si Aling maliit! Magandang gabi po from our aling maliit na talaga namang energetic pa rin. Lumapit sa akin, nakita niyang hawak ko ang cp, sabay sabi, ma picture? Tapos after ng picture picture sasabihin niyan ,ma tingin? hehe kapag ayaw niya yung pic niya sasabihin niya ayaw niya yun kaya dinedelete ko na agad hehe, Basta itong aming little bossing na ito kapag nakalapit sakin or kay papa niya at may cp na hawak ayan agad ang request eh. After niya kasi kumain kanina busy nanaman siya sa kanyang ballpen. At syempre pati magpa picture haha. Magandang gabi po ulit, gising pa din po ba mga chikitings ninyo?

@JhennyDR

Lumpiang gulay! Meryenda pero mukhang hapunan na rin hehe kasi anong oras na rin. Ngayon ay magkakasama kami nila mother earth at bunso kasi day off niya. Dito kami nag iipon ipon para makapag bonding din at hindi ganoon ma bagot si mother earth. Nag meryenda na po ba kayo o hindi pa, pagsaluhan natin itong biyaya ng nasa itaas. Salamat sa Diyos sa lahat ng biyaya. Mahal na ang mga gulay kaya yung mura na lang ang ipinalagay ni mama dito sa lumpia. May sawsawan na din, kaya tara na!

@JhennyDR

Macapuno Pasalubong ni bunsong kapatid itong macapuno at yung isa hehe nasa ref pa hindi ko ma picturan dahil si Aling maliit antok mode na siya kaya habang siya ay nag dedede ako naman si noise hehe. Di na ako nakabalik mula kaninang morning dahil nabusy sa mga labahin. mga damit pati kumot at sapin pero bago yun ay naglinis pa sa ibaba ng mga walisin mga dahon. kaya sobrang kabusyhan ng lola niyo. Bago naman ako mag open ng noise ay kausap din namin si papa niya kasi break time nila kanina. anyways dami ko ng kwento, kain muna tayi nitong macapuno.

@JhennyDR

Tara Kape! Kapartner at Kahati ko talaga si mister pag nag kakape pero ngayon pang 3rd day na siya doon sa manila. Kaya solo muna ako magkape, nakiusap ang tatlo kong estudyante susubukan daw nila ulit pumasok ng sila lang. Tinanong ko muna sa papa nila at pumayag naman, sakto at maglalaba na lang ako ngayon hehe. Si Ela naman nasa secong pic, busy na din school na daw siya haha. magandang umaga po ulit! tara kape!

@JhennyDR

Nakapag hapunan na po ba ang lahat? Sa mga hindi pa diyan, sabayan niyo na po kami. Ulam namin ay hindi basa kundi tuyo haha. Dinagdagan ko na lang ng tuyo at itlog ang ulam namin kasi may tira pang kaunting gulay kanina. Dagdag bawas lang muna tayo ngayon hehe. Mahigpit na ang sinturon dati, mas pinahigpit pa ngayon. At yung noodles na makikita ninyo sa susunod na pic ay sinend naman ni mister ko, meryendahin daw niya muna ito kasi mamaya pa daw siya kakain ng hapunan dahil kakatapos lang nila sa ginagawa nila at medyo nabusy kaya ayun higop daw muna siya ng sabaw. Magandang gabi po at tara na! Sabayan ko kaya to ng kape para mas pak na pak.

@JhennyDR

Mataas din ba ang presyo ng gulay inyo noise.app fam? Grabe parang araw araw ngayon ay nadadagdagan ang presyo ng gulay. ang sitaw na per tali dati ngayon ay kinikilo na din daw sabi ng may tindahan dito sa amin sa kinukuhanan nila na bagsakan ng mga gulay. Dati madalas marami akong magluto ng gulay pero ngayon ay hindi, iilang pirasong okra, halos 10 pirasong sitaw at isang hiwa na kalabasa lamang ito makaulam lang ng gulay hehe.

@JhennyDR

Recess time din daw niya! Kapag talaga maraming kailangan gawin ang nanay ay kailangan busy din ang babies. Si Ela, habang ako ay busy sabi niya kanina sulat din daw siya, habang nag tatrabaho ako, siya din hehe. Tapos ngayon nag luluto na ako ng pananghalian, siya daw recess na haha. Enjoy lang sa iyong turon bebe Ela ko, mamaya call natin ang papa para naman maibsan ang pagkagiliw. Ang mga mommies and dads diyan busy na din ba magluto for their chikitings na uuwi galing school?

@JhennyDR

Kid's snack for school later! Hatid time na at ito ang ibinalot kong baon nila, nagustuhan kasi nila iyong ensaymada na gawa din dito ng katabi namin. Kanina naman ang inalmusal nila ay kanin, itlog at noodles. nagluto ako ng isang noodles para lang din may sabaw sila. Nagahol kami sa oras kanina dahil 5am na kami nagising, at nagising din si Ela hehe nagka S siya kanina pero napatulog ko din kaya mabilisan na munang almusal ang niluto ko, madalang lang din naman dahil madalas ay nag luluto na ako sa gabi para iinit na lang ng umaga. Ang agang kwentong nanay nanaman itey hehe. Goodmorning po sa inyong lahat thanm You lord for this day, Tuesday! let's choose to be positive this Chooseday!

@JhennyDR

Hapunan Time po Muna Kakatapos lang mag video call ng papa namin at nandoon na daw siya sa boarding house nila. Tapos na din siya kumain, grabe ngayon ko lang naranasan na hindi siya uuwi for a week kaya talagang nakakapanibago. Panay din ang bilin ko na kumain doon at yun di mahilig kumain kapag walang kasabay. Anyways kakain na din po kami nag dagdag na lang ako ng saluyot doon sa gulay kanina na may papaya plus itong pritong tinapa at saging para sa hapunan. kahit ganito yung balay ng saging matamis pa rin siya, sarili kasing ani nung nag alok kaya masarap at hinog sa puno. Kain na din po kayo.

@JhennyDR

Nilagang Kamote! Goodmorning po ulit! Kamusta po kayo? Kamusta po ang tulog natin diyan? Naka idlip ako ng mga mag 5am, pero bumagon din agad kasi kailangan makaluto ng almusal ng aking mg estudyante. Nag kanin sila at itlog, tapos nag laga naman ako ng kamote para sa amin. Si aling maliit ngayon lang nagising at nung makita niya yung kamote hehe tuwang tuwa. kain na daw siya. Happy Monday po sa ating lahat,Thank you Lord sa another week na ito na ipinagkaloob ninyo sa amin.