read.cash Log in

@JhennyDR

Joined 23 April 2022 · 5112 posts

120 KT

0 KT · 5¢ received · 0 KT given

Posts

@JhennyDR

Early Biyahe Goodmorning po sa mga gising pa diyan, goodmorning everyone. Ako di makatulog kasi nag aalala ako kung makaka abot ba si mister ko sa usapan nilang oras. kanina pa siya nag ready 11:30pm. Umalis dito sa bahay ng 12:30 pero anong oras na di pa nakakasakay. haaay. Ito ang hirap kapag walang service, talagang napaka hirap ilang oras ka mag aantay ng masasakyan. Ngayon kasi ang biyahe niya pa manila para sa 1 week training nila. Sana ay umabot siya. Hindi pa ulit nag update ngayon sa akin, baka sakali at sana nga ay nakasakay na siya. dalawang sakay pa bago siya makarating sa meeting place nila ng makakasama niya papuntang manila. Ang aga ng rant ko, pasensya na po kayo. #Anghirapmagalala

@JhennyDR

Nanay is back! Kaninang hapon dumating na si nanay, may mga dalang gulay at itong manok na niluto niya ngayon. Siya daw muna magluto para sa mga chikitings at sa amin na din. Adobo na manok po itong niluto ni nanay na dinagdagan niya ng itlog na nilaga at nag dagdag din siya ng sabaw kasi mahilig minsan ang mga bata sa sabaw ng adobo, minsan pag ako ang nag luluto ng ganito, binubukuran ko ng sabaw mga bata para mailuto ko pa rin na medyo tuyo ang adobo kasi mas masarap minsan yung tuyo lang ang pag kakaluto. Kasalukuyan pa akong busy ngayon sa pag sasahod ng tubig hehe, dapag kasi bukas pa pero nagkaroon na kaya ayun. igib igib din si inday pag may time. Si mister naman din mag sasahod ng iba may tinatapos lang siyang iready kasi mamayang madaling araw na ang biyahe niya. magandang gabi, kamusta po ang araw ninyo?

@JhennyDR

Lunch Time na! Ngayon lang ulit ako nakapag luto nitong adobong atay ng manok. hinaluan ko ng itlog din ito na nilaga para sa chikitings. Naalala ko sabi ng aking late father ay dito daw ako pinaglihi, dahil nong pinag bubuntis daw ako ni mother earth ko mahilig daw si mama dito. Mas marami siya nakakain at di nag susuka kapag ganito ang ulam hehe. Nung ako ay nag lilihi din grabe ang tindi ng selan ko. Lahat na lang ng kainin ko eh nilalabas ko din. Mga dati kong nakakain ay hindi ko makain. tapos may mga kinakain ako na natatawa si papa at mama noon kasi parang di match pero pinag papartner ko haha. may ganun din ba kayong experiences mga momsh? anyways, ang dami kong kwento haha, kain na po muna tayo.

@JhennyDR

A Blessed Sunday noise.app family! Kamusta po kayong lahat? Maayos ba tulog natin diyan? Kagabi malamig kaya ang aming little bossings ay masarap ang tulog .hanggang gabi ang ulan dito sa amin, akala ko nga ay di nanaman aaraw ngayon pero thank you Lord at ito po napaka aliwalas ng panahon. Nakapagbilad nanaman ako ng mga sinampay ko kahapon para makatuyo na. I hope na maging productive ang araw nating lahat!

@JhennyDR

magandang magandang morning! Madali talagang masanay at mag adjust ang body clock ng aking mga chikitings hehe. Kapag may pasok 4:30 to 5am sila nagigising. Ngayon kahit weekend hehe ganun pa rin ang gising nila hindi na nababago.Ang tres marias ko naku mahilig mag picture sa phone pero ang aming kuya di masyado mahilig, may pag ka mahiyain kasi siya. Bangon bangon na po tayo, at prepare na ng almusal para mamaya. Hindi ko pa alam kung anu bang schedule ng pag alis nila mister bukas pero sana wag masyado maaga. kaya ngayon preparation na niya para sa training, at nag last day na siya sa work niya kahapon. Tara na, kape tayo! pwede ring gatas or tsaa pero ang iba naman ay warm water lang sa umaga. ano po mas prefer ninyo noise.app fam? Happy Sunday!

@JhennyDR

ginisang ampalaya na may itlog! (sauteed bitter gourd with beaten egg) Cold evening noise.app family! kamusta po ang maghapon ninyo? sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Gabi nanaman at hapunan time na kaya ito po ang aking entry for today's vidyow, este for today's hapunan pala 😅. Hindi ako nakatuyo gaano kanina kasi biglang umulan kaya ayun, nataranta ang inday sa pag kuha ng mga sinampay haha biglang bugso talaga, sa inyo din po ba umulan ngayong araw?

@JhennyDR

Ube Kamote Mother earth is here! kaya pala tahol ng tahol yung mga aso sa labas may kasama pala si mama na nag titinda ng kamote at ang nakakatuwa ay sa murang halaga dahil sarili nilang ani. kaya syempre laga mode tayo muna para may ma meryenda hihi. tapos sabayan natin ng kape ito mamaya. Salamat Lord for another blessing po. magandang hapon, mga magaganda kong ate at magagandang lalKe kong kuya at sa mga kapatid ko ditey!

@JhennyDR

Late lunch po muna tayo! Tinapos ko ang aking labahin kasi kailangan malabhan na ang mga kakailanganin ni mister sa pag pa manila niya bukas. Hay salamat Lord sa kalakasan, nakatapos nanaman ng gawain. Kaya ngayon harapin ko naman ang aking tiyan haha. Kain po muna tayo! Kumain naba kayo?

@JhennyDR

Saging po kayo diyan! Mapagpalang umaga po sa ating lahat noise.app fam. Mag almusal po muna tayo bago gumawa ng mga gawain natin ngayong sabado. Naka tiyempo ng murang saba kaya heto at nakalaga na ako sa labas para tipid sa gasul. Happy Saturday!

@JhennyDR

Magandang gabi po! Maulan na gabi noise.app family! Thank you Lord sa mga blessings. Kanina ito ang kinain ng mga bata na hapunan. Pero si Ela patatas lang ang kinain niya, ayaw daw niya ng hotdog. Mas mabuti naman din yun patatas hehe. Ngayon ko lang sila ulit napaulam ng hotdog. Madalang, kasi hindi nga siya healthy na araw araw kainin at isa pa ay nagmahal na din. Ang hinahanap talaga ni Ela ay papaya ¯\_(ツ)_/¯ kaya lang wala naman kaming papaya kanina. Subukan kong maghanap bukas hehe. Kami naman nila mama ay yung tirang bangus kanina tapos gumawa ako ng sawsawan na sibuyas at kamatis. Grabe nanaman pala ang presyo ng kamatis 120php per kilo daw sabi ng may ari ng tindahan dito sa amin kaya naku ang dalawang piraso ay magkano na. Anyways ngayon po ay ito kakabisita ko lang ulit at kakatapos ko lang ng gawaing kusina, next naman mamaya ay ang mga tupiin. Kayo po,kamusta po ang araw ninyo?

@JhennyDR

Large Pandesal Kakagawa lang nito kaya mainit init pa, bumili si mama dito sa aming kapitbahay. Sumakto kasi na kagagawa lang nila at oras naman din ng paglabas ni mother earth. Maulan nanaman ang aming hapon noise.app fam, sa inyo din po ba? Ito na siguro ang kapalit ng sobrang init nung dalawang araw, ngayon naman bumawi. Tara po at magkape na!

@JhennyDR

Late lunchiees! Sabay sabay kami ngayon nagtanghalian nila mother earth at ng kapatid ko. Day off kasi ng bunso kong kapatid ngayon kaya dito kami lahat nag ipon ipon. Pritong bangus po ang iniluto namin tapos may nilagang gulay din. Okra at talbos kaya lang di ko pala na kuhanan ng picture. Tuwang tuwa ang mga chikitings kasi namiss nila ang tito nila. Ang ganda sana maglaba ngayon ang init kaya lang baka bukas pa ako makalaba at ang supply ng tubig ay bukas pa. Hehe Mainit din ba sa inyo noise.app fam?

@JhennyDR

Tuyo/dried fish plus noodles! Maaliwalas na umaga po sa inyong lahat, thank you God sa another day na binigay ninyo sa amin. Kasalukuyan na kaming nasa school ngayon, hinatid ko ang aking mga estudyante. Kanina itong aming almusal ay tuyo at itlog, sabay sabay kaming kumain na buong pamilya. Ang sarap sa pakiramdam na sabay sabay kumakain pati si aling maliit hehe. Maaga silang nagising lahat dahil kagabi maaga silang nakatulog. Hindi na rin ako agad nakabalik dito, sorry pooo! Kasi may inasikaso ako kahapon. At iyon ay good news, Praise God! Hapoy Friday sa inyong lahat!

@JhennyDR

Pati picture pala nasa notification din😍 Ngayon ko lang ito napansin hehe hindi ko alam kung matagal na bang ganito or ngayon palang. Marami kasi akong naka on ang bell para ma subaybayan ko ang mfa posts nila and nung mga nakaraan eh di ko naman nakikita ang picture na kasama, mga text lang. Ngayon hehe nakita ko ito post ni sissy @XOperUs Nakakatuwa naman ma vview na din ang picture kahit nasa notification palang hehe.

@JhennyDR

Champorado Niluto ko ang kanin na tira kagabi, hinaluan ko ng cocoa. Dahil para maiba naman ang almusal ng mga bata. Kapag mag luluto ako ng champorado sa umaga nag dadagdag ako ng sinaing sa gabi para yun ang lulutuin ko kinabukasan. Mas mabilis na lang din ang proseso para di gaano matagal lutuin. Magandang umaga po, papakainin ko muna ang aling maliit namin. Kain na rin po kayo! God bless you All!

@JhennyDR

Tara kape! Magandang gabi po! Habang nag gagayak ng pang hapunan ay nag kakape, ganun din po ba kayo minsan. Dami kasing tumatakbo sa isip ko ngayon, hindi na malaman kung anu ang mauuna hehe. Mag una unahan na lang sila anu po haha. Ang sarap kasi magkape kahit medyo mainit init pa rin. Salamat sa Diyos kasi natuyo ang karamihan sa sinampay ku, ang mga makakapal na lang ang hindi pa pero pasasaan at matutuyo din. Bukas ibibilad ko sila ulit. Nakaluto naba ang mga ate, kuya at mga kapatid ko diyan?

@JhennyDR

Anung tinatago mo diyan? (^‿^) Kakagising lang po nitong aking aling maliit at busy na siya mag sulat. Mag sulat, hindi sa papel kundi sa kamay haha. Kaya tinatago niya yung ballpen at yung kabila niyang kamay hehe. Sabi ko nga ay wait lang siya, laro siya dito sa loob nilagyan ko siya ng laruan tapos mag wawalis ang mama, aba sabi niya, "maaaaaaa wawa Ela" yung itsura niyang parang kawawa namumungay ang mata hehe. Tanggal ang stress ng mama sayo anak ko. Salamt sa Diyos at biniyayaan ako ng mga anak na kagaya ninyo malalambing at mapag mahal.

@JhennyDR

Umaraw na din! After ng ilang araw na walang tigil na ulan, finally ay umaraw na din. Kagabi naglaba ako para makapag labas ngayon ng sinampay. Yung iba hindi na nagkasya hehe kaya nasa loob pa rin ang mga maninipis lang. Sana po ay maaraw na din sa inyong mga lugar. Ang hirap magpatuyo kapag maulan. Ang mga damit ng mga bata ang inuuna ko parati at ang mga uniform din ni mister kasi hindi pwedeng hindi matutuyo at wala silang gagamitin. Sana nga ay hanggang mamaya naman ang pag araw para makatuyo tuyo kahit papaano. Magandang umaga po sa inyo, kamusta po sa inyong lugar?

@JhennyDR

Hot Pandesal Naaalala ko yung palaging sinasabi ng papa ko dati nung nakabili kami ng matigas na tinapay. "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" hehe think positive pa rin ang papa ko nun. Hanggang sa nung maggawa na rin siya ng tinapay talaga namang malalambot at masasarap. Ito naman pong aking picture ay gawa ng aming kapitbahay. Masarap sila gumawa ng tinapay, malasa at talagang di ka magsasawa na bumili. Pero ito ay kapalit nung ingredients na kinuha nila kila mama hehe hati daw kami ni mama kaya happy naman ang chikitings lalo na si Ela. Ang batang mahilig sa tinapay. Goodmorning po!

@JhennyDR

5:00am versus 6:30am Sa unang picture ay ang maliwanag na itsura ng view na ito mula sa shrine doon sa sementeryo, ang lakas ng alon ng dagat at talaga namang rinig na rinig namin. Ang second picture naman ay yung 5am. Madilim pa talaga ang paligid at ilaw lamang ang tanging makikita pero naririnig pa rin ang lakas ng alon. Ang lamig pa niyan kanina mga kaingay. Ang sarap mag muni muni habang dumadalaw sa puntod na ganito ang view. Ngayon lang ako nakatambay ulit dito kasi nabusy sa pag lalaba. Nagkaroon kami ng supply ng tubig kaya sinamantala kong makapag laba na. Nag babakasakali na aaraw na bukas kahit papaano. Sana po hehe. Thank you Lord for this day, salamat po sa pag iingat mo sa amin.

@JhennyDR

Before and after! Sa wakas nakatapos ako kanina dito sa bandang harap at gilid ng bahay. Grabe akala ko Hindi ako makakatapos sa dami ng dahon na nalaglag bale almost 2 days ang mga dahon na yun dahil nakawalis pa ako nung nakaraan hehe pero grabe na kaagad ang tambak na dahon. Magandang gabi po sa inyo, akoy magluluto pa lang ng aming hapunan. Nandito si mama at darating ang isa kong kapatid kaya kailangan makapagluto na para makakain na yung kapatid ko pagdating galing work. Ang saya ng mga bata kasi nandito si lola nila ngayon. Kayo po nakaluto naba o kagaya ko magluluto palang hehe? Sabay na tayo ka noise!

+2 more

@JhennyDR

Sopas po kayo diyan! Kain po muna tayo noise.app family! Pagkagaling namin sa sementeryo nagpabili si mama ng pang sopas kaya ito niluto ko ngayon. Talaga namang nakakamiss mag sopas lalo na kapag ganito ang panahon. Kaunti lang din ang nailagay kong gulay kasi ang mahal na pala ng gulay ngayon. Dati nakakabili ng ginayat na gulay na 10php or 15php pero ngayon ay 30 pesos na isang balot. Ang dami kasing apektado na magsasaka at ang hirap ngayon at maulan kaya din siguro nagtaas ng husto ang mga gulay. Teka muna, kumain na po ba kayo? Aba'y kung hindi pa, tara na!

@JhennyDR

Goodmorning! Banana/Saging kayo diyan! Maaga akong nagising ulit ngayon kasi sasama ako ulit sa pagpunta sa aking papa. Sasamahan naman namin ang dalawa ko pang kapatid na di pa nakabisita kahapon. Ito nga palang saging na saba ang kinain ko kanina bago umalis, mabuti na lang at ang gising ni Ela kanina ay 2am, napatulog ko na siya ulit bago ako umalis. Ngayon ay malapit na ulit kami kung saan nandoon si papa. Goodmorning po sa inyo..

@JhennyDR

Nag dinner na po ba kayo? Or kagaya ko na nagluluto palang din? (•ᴗ•) Mas maaga dapat ako makakaluto kaya lang ang aming aling maliit ay inantok. Pinatulog ko muna siya bago ako nagluto. Mauuna na din kumain ang mga chikitings kasi mamaya pa ako sasabayan ko si mister ko mamaya pagdating niya. Napagod si aling maliit ko kakasayaw kaninanat kaka kanta kasi dumating si lola niya dito hehe, si mother earth nagdala pa nga siya ng tinapay. Ang pambato ko sa kendengan siyempre nagoakitang gilas kaagad at kanta daw siya. Hehe Magandang gabi po sa inyo! Noise.app fam!

@JhennyDR

Tortang Sardinas! Itlog at sardinas lang solb na! Naglagay ako ng bawang na pino dito para mas malasa po siya. Dati pati sibuyas nag lalagay ako kaya lang ay mas mahal pa siya sa bawang ngayon kaya kung anung mayron yun na lang hehe. Late lunch po tayo noise.app peeps. Kumakain po ba kayo nito? Narinig ko kanina sa jeep na nakapasok na daw ang isa pang bagyo nanaman. sunod sunod nanaman talaga sila kapag nasimulan oo. Sana po ay safe po kayong lahat. Kain po tayo!

@JhennyDR

Babalik kami ulit Papa! Thank you po Lord, at hindi ganun kalakas ang ulan ng pag biyahe namin. May mga beses din na tumila talaga ang ulan dito sa lugar kung saan naka himlay ang aming late father. Kasama ko si mother earth at mga kapatid ko sa pagbisita. 4am kami umalis para pagdating ay mag liliwanag palang. Sayang lang at di pa nakapag pintura dahil sa panahon. Mag ingat po tayong lahat at meron nanaman palang isang bagyo.

@JhennyDR

Maagang biyahe! Bibisita kami sa sementeryo. Bibisitahin namin si papa kasi medyo mahina naman na ang ulan at hangin. Kahapon pa nag pplano si mother earth ko pero hindi natuloy dahil malakas pa din ang ulan at hangin. Pero ngayon tuloy na tuloy na!

@JhennyDR

Nilagang saging po kayo diyan! Meryenda na po tayo sabayan natin ng kape or tsaa para sa malamig na panahon. Salamat po Lord sa another blessing na ito. Kain tayo mga momsh, dads, ates and kuyas, and mga kapatid! Nakatiyempo daw si mother earth ng murang saging na saba. Namiss namin ng mga bata itong nilagang saba kasi matagal tagal na nung huling nagmeryenda kami nito.

@JhennyDR

Late lunchiees! Gulay for today's vidyow, este for today's ulam po pala <( ̄︶ ̄)> Mix na gulay po ulit itong aming ulam tapos may tira pa akong tuyo kanina hehe, kaya alam na! Nabusy kasi ako magwalis sa labas pagkaluto ng ulam,nagbawas ako ulit ng mga dahon kaya ngayon lang nakakain. Huminto kasi ng bahagya ang ulan pero sobrang hangin naman. Kayo po ba kumain na? Tara kain po tayo kung hindi pa kayo nag la lunch!

@JhennyDR

Thank you Lord! Unti unti ng humihina ng husto ang ulan at lumiliwanag na din ang langit. Mabuti na lang din at walang mga sanga sanga ng puno ang nahulog ngayon masyado. Kahapon nagwalis ako diyan mismo sa nasa kabilang picture. Nakapayong ako kasi sobrang dami na ng dahon kahapon sa may harapan namin. Medyo umaambon lang naman nun kahapon, pero ito na siya ulit. Lumipas lang po ang magdamag, sana naman ay tumigil na ng tuluyan ang pag ulan at iwanan na tayo ng bagyo. Laking pasalamat ko sa Diyos at di naman ganun kalakas ang hangin kagabi dahil kung hindi baka ms madami ang sanga diyan kaysa sa dahon. Ngayong umaga naman nag sisimulang humangin ng malakas pero humihina na ng husto ang ulan. Ibayong pag iingat pa rin sa ating lahat!