Ang bilis ng araw at halalan na next year. Akoy nalulungkot kasi gusto ko c tatay digong pa din ang Presidente ng Pilipinas. Sana wag na kayo magpasilaw sa pera ng mga pulitiko. Kahit mahilig magmura c tatay digong pero malaki ang pagmamahal nya sa mga pilipino. Kahit may edad na siya pero kinakaya niya. Di gaya ng nakaraang mga presidente, nka media pa ang mga sakit nila tsk tsk tsk.
Matagal ko ng kilala c tatay digong dahil taga davao siya as mayor pa noon at 6 hours lang ang biyahe dito papuntang davao. Pero di ko talaga siya nakita in person pero nag eexpect ako na mkikita ko din siya everytime na mkapunta ako ng davao. Bisdak po pala ako sa hindi pa nkakaalam. Dakong bisaya jud ko as in sa mindanao amoa.
Ganyan din ba sa inyo?
Nakasanayan na namin ang ganitong pamamaraan ng mga pulitiko pero vote straight kaming lahat. Ika nga ni tatay "tanggapin natin kasi pera ng bayan yan pero don tayo boboto sa karapat dapat na uupo sa gobyerno". Sa dami namin na botante di kami palalagpasin ng mga pulitiko. House to house pa yan sila lalo na pag malapit na election nku madaling araw pa ang ingay na sa labas kasi nagbigayan na naman.
Sapat na ba yan?
Kung tutuusin barya barya lang yan sa mga pulitiko kaya akala nila lahat mauuto. Di lahat ng nkatanggap ng suhol bumabaliktad talaga pero may iba din napipilitan na lng iboto sila pero wag kami hahaha... Di kami mahilig humingi ng tulong sa gobyerno kasi nakikita namin kung paano nila pinaasa mga tao. Pababalikin pa ng after 3 months? Pano na lng kung malala na ang sakit? Lalo na pag wala kang PHILHEALTH. Ang sakit sa dibdib pag ikaw nkakakita ng ganun.
Kung naging mayaman lang siguro ako baka may own shelter na ako lol. Pusong mamon talaga ako. Ang bilis ko maawa kaya nabubudol ako non pero bahala na si lord sa kanila.
Im proud to be DDS(diehard duterte supporters)
Bakit?
Dahil si tatay digong lang ang maraming binago sa pilipinas pero kinukutya pa din siya ng ibang pilipino. Buti pa ibang lahi pinupuri pa siya at iniidolo pa ng mga pulitiko don. Laking pasalamat ko sa tiktok kasi ang dami kung natutunan don about our President na never nag exist sa balita. Media talaga ay bayaran. Sabagay pag pera na talaga ay talagang nasisilaw ang iba.
Natawa ako sa basura ng Canada dahil binalik talaga ni tatay digong yun hahaha. Dati kasi nakakalusot yan pero sa administrasyon ni duterte eh wala na. Pati ang tax di nkalusot hahaha. Daming nasagasaan na mayayaman talaga. So ang budget na yun ay napunta sa Marawi. Di niyo nakita? Ang ganda na at expected ko na talaga na lahat ng muslim ay boboto sa line up ng mga duterte.
Authors message:
Piliin ang taong kaya tayong ipaglaban sa hirap at ginhawa. Taong kayang panindigan ang lahat ng pangako nya. Dapat may pagmamahal din at malasakit sa taong bayan di yung sarili nya lang ang iniisip lagi.
Maraming salamat po sa oras na binigay niyo sa pagbabasa ng artikolo ko about halalan. Salamat sa mga upvoters, commenters, my sponsors and also to @TheRandomRewarder na lagi pa din siyang bumibisita sa akin.
Oct. 25,2021 Monday
7:23pm
Philippines
The fighter mom,
Jeansapphire
Duterte supporter din po ako siya lang yong president na minsan pangit ang lumalabas sa bibig pero my mbuting puso..