Sabi nila mahirap daw magmahal ng taong makitid ang utak. Sabi nila iba nalang daw mahalin ko. Sa tingin ko, mas mahirap yung mga payo nila na iba nalang ang mahalin ko. Hindi ko pinili kung sino ang mamahalin ko. Hindi ko din naman gugustuhin mahirapan sa pagmamahal ng isang taong makitid ang utak kung tawagin nila. PEro alam ko mas kilala ko siya kesa sa ibang tao at alam kong karapat dapat din siya at misunderstood lang siya ng ibang tao. Malalim siyang mag isip kaya akala nila makitid ang utak niya. Pero kung titignan mong maigi ang mga paniniwala niya, hindi kakitidan ng utak ito kundi kalaliman lang ng isip.
Hindi naman talaga akami close noong una. Nabulag din ako sa mga sabi sabi ng ibang tao noon kaya hindi ko siya pinapansin. Pero noong nagkaroon ng time na makilala ko siya, nalaman ko na hindi siya masamang tao. Hindi makitid ang utak niya. May sense naman mga sinasabi niya. isa nga siya sa mga matatalino na nakilala ko.
Masyadong malaki ang sinasakop ng salitang pagmamahal. Hindi ito kasing simple ng iniisip ng iba. Madalas din ito ma-misinterpret ng nakararami. Madaming pagsubok ang kailangan mo suungin para sa pagmamahal. Maraming emosyon ang kailangan mong i-handle... Madaming bagay ang kailangan mong isaalang-alang...
Pero kahit gaano kahirap, gaano ka-emosyonal, gaano katagal na pagmaintain, ang pagmamahal ay hindi basta basta mabubuwag lang ng mga salita at ng mga simpleng bagay lamang. Ang pagmamahal ay laging mananaig. Ang pagmamahal ay ang siyang magiging ilaw sa madidilim na gabi. Ang pagmamahal ang siyang magbibigay ng kulay sa buhay mo. Ang pagmamahal ang siyang magiging lakas mo para harapin ang mundo at ang pagmamahal ang magpapatibok ng iyong puso.
Salamat sa pagbabasa. Huwag po kalimutan mag like,comment, subscribe at upvote kung nagustuhan niyo ang article ko.
Baka din po gusto niyo icheck ang community kung saan may chance po kayo na magkaron ng sponsorship. Pinamumunuhan ito ni @Ashma na isa ding napaka generous na member dito sa Readcash. Eto po yung link ng community:
Meron din po akong pa-contest kung saan po magbibigay ako ng sponsorship sa 3 lucky winners at tips sa 10 supporters... Basahin niyo po yung detalye dito sa link na ito:
https://read.cash/@Jdine/i-got-102-subscribers-yay-so-im-giving-away-sponsorships-bb3025b8
Sa mga kapwa ko Pilipino na sumusuporta sa akin dito sa Readcash, maraming maraming salamat po. Thank you to my foreign supporters as well who still thinks I'm doing a good job. Mahal ko kayong lahat!
Your welcome po