Magandang araw mga kaibigan aking isasalaysay ang aking munting kwento sa inyo.
Taong 2002 nag disesyon aKong mangibang bansa Dito sa kuwait ako pumunta. may trabaho naman ako noon sa Pilipinas sa isang pabrika .pero palaging walang pasok at bumagsak noong mga panahon na ayon ang economy ng electronics.kaya wala aKong choice kundi ang umalis ng bansa.
Maliit pa noon ang aking panganay na anak 3 taong gulang pa lamang siya iniwanan ko siya sa aking asawa.napakahirap ng sitwasyon ayaw ko mang gawain pero tiniis ko yong sakit at umasa na ako ay tutulungan ng Panginoon .
November 22 2002 nang ako ay umalis ng Pilipinas. Magkahalong kaba at saya ang aking naramdaman at sabay dasal na ako ay gabayan at palaging samahan.nang dumating ako sa bansang kuwait unang tapak ko pa Lang nanibago na ako una sa klima ng umalis ako ng Pilipinas mainit PAg dating ko Dito sobrang lamig. Ang kanilang pagkain na parang aking isusuka kada Subo ko . Pati Ang kanilang salita na parang mga ibon sa iyong tainga. Pasalamat naman ako at mabait ang aking naging amo.
Pero iba ang home sick na aking nararamdaman na pakiramdam ko na maluluka ako na nadidinig ko yong Boses ng mag ama ko tapos bigla ka na lamang iiyak masakit sa dibdib ,ang ginagawa ko nag susulat ako.lahat ng aking nararamdaman isinusulat ko.
Dati naka luck pa ang pintuan PAg aalis ang aking mga amo kame lamang ng aking alaga Ang natira sa bahày .minsan noong hindi inilock ng amo ko ang pinto siguro nakalimutan. Sinabi ko talaga sa sarili ko na tatakas ako pero saan ako pupunta . Naranasan ko yan mga anim na buwan na para talaga aKong maluluka sa homesick pasalamat ko sa Diyos na nalampasan ko ang mga panahon na ayon. Kaya kung hindi matibay ang iyong loob at Hindi buo.huwag kang mag abroad.
Hanggang natapos ko ang aking contrata sa loob ng 2 taon.peto wala aKong naipon kase marami kaming utang na mga binayaran.hanggang sa nag disesyon ulit aKong bumalik ng 2015 panibagong contrata ulit.maraming mga pangyàyari andyang magkasakit ang anak ko. Andyan din yong nag aaway kame palagi ng aking mga amo dahil sa mga bata .
Mabilis na lumipas ang mga araw Ang anak ko pumapasok na sa school ang lahat ng pera na naipapadala ko ay halos di din maipon ng aking Asawa .sa natapos na lamang Ang aking 2 taon wala pa din kamiñg gaano naipon.
Hanggang umuwi na lng muna ako sa Pilipinas ng taong 2007 ,nag Tayo ng tindahan pinag tulungan naming mag asawa .okey Naman Ang kita kasya sa aming maliit na pamilya.habang ang asawa ko naman nangingisda .
Taong 2010 nang nag open ako ng Facebook nakita ako ng dati kung employer Dito sa kuwait at sinabihan nya ako na bumalik sa kanila ang sabi ko PAg iisipan ko .
At taong 2013 ipinanganak ko ang aking bunsong anak labing tatlong taon Ang pagitan ng aking panganay at aking bunso di ko din akalain na madusundan pa ang anak ko.
Di ko naman din akalain na babalik ako Dito sa kuwait kase ang aking amo palagi aKong chinachat na bumalik daw ako.iniwan ko ang aking bunso 6 na buwan pa lng sa aking Asawa.
Bumalik nga ako Dito sa aking dating amo taong 2013 . Sabi ko nga babalikan ko na lng sila kase malaki na yong aking mga alaga dati .pero di ko akalain na magbubuntis ulit ang amo ko at kambal pa .talagang umiyak ako kase sabi ko iniwan ko ang aking anak na maliit tapos mag aalaga naman pàla ako ng bata na maliit at kambal pa.
Awa ng Diyos kahit paano nasubaybayan ko ang PAg laki ng aking mga anak sa video call dyan ko lng sila nakausap di ko man sila mahawakan at mayakap pero palagi ko naman silang nakikita.
Hindi ganon kadali sa akin ang PAg aalaga sa kambal kaya kumuha Ang aking amo ng part time na maglilinis kahit paano ay gumaan ang aking trabaho.at sa tulong ng Diyos nakayanan ko ang lahat madami mang pagsubok pero hindi ako sumuko.hanggang sa kada 2 taon ay nauwi ako para mag bakasyon kasama ang aking mga mahal sa buhay.
Awa ng Diyos sa ngayon kahit paano ay may naipundar na kamiñg mag asawa at ang aming panganay ay graduating na ng college,at ang bunso ko naman ay nasa grade 3 na . pasalamat ako sa Diyos na di niya kame pinabayaan.
At sana sa sususnod na taon maging okey na Ang lahat ..kung ipag kaloob ng Panginoon na makauwi ako at makasama na ulit ang aking mga mahal na pamilya.
Sana po ay inyong nagustuhan ang aking munting kwento.
Marami pong salamat sa Inyo .ito po ang unang article na ginawa ko.
Saludo po ako sayo mommy napakatatag at masikap mong tao. Sa hirap kasi ng buhay ngayon karamihan sa atin naiisipang mag ibang bansa para lang makaraos sa buhay. Mabuhay lahat ng nanay