Click to remember

20 27
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Masayang mag ipon ng mga magandang alaala.yes tama po minsan sa ating mga magandang alaala kung Tayo man ay nalungkot na re restore yong magandang pang yayari na lumipas . at ayon ay nakapag bibigay sa atin ng kasiyahan kahit sandali lamang.

Mga special memories

Bilang isang ofw di mo maiiwasan na di ka ma homesick kahit gaano ka pa katatag. Napakiramdam mo na mày kulang alam ko na Ang gagawin ko o kung saan ako pupunta .

Mag bukas ako ng aking gallery manonood ako ng aking mga photo na naka save at iisa isahin ko at aalalahanin ang mga magaganda pang yayari noong mga panahon na ayon na kayo ay magkakasama.

Kaya para sa akin mahalaga Ang mga munting larawan sapagkat diyan nakaka PAg widro ako ng kaligayahan. Sabi nga nila mag deposit ka ng kaligayan sa iyong puso o sa mga magagandang alaala at PAg dating ng kalungkutan may ma wiwidro ka na kasiyahan.

Some photo from my gallery when I go vacation.

Kada dalawang taon umuuwi ako para makasama Ang aking mga mahal sa buhay. at sa mga panahon na ayon aayaw ko na may nasasayang na oras sapagkat 2 buwan lng naman Ang aking ilalagi na kasama sila ,kung maaari walang tampo or awayan ,pero minsan di din naman maiaalis na walng tampuhan o awayan na nagaganap,pero kailangan mo din yong sugpuin agad.

Masasabi ko naman na kada bakasyon ko sulit at masaya .. ikumpara sa bakasyon na sa ibang bansa na kasama ang aking mga amo , wala ng sasaya sa bakasyon na kasama ang pamilya. Madami din aKong ibang Lugar na napuntahan at magaganda kasama sa bakasyon ng aking mga amo pero walang hihigit pa sa kasama ang pamilya ,minsan hinihiling ko sa amo ko na sa araw ng bakasyon ninyo doon din ako mag babakasyon .

Kuha noong nag bakasyong kame sa Egypt 2019 Nail River nakasakay kame sa cruise ship. Magaganda mga lugar na nasa kasaysayan ng Mundo na nababasa ko lamang dati sa libro na nakita ko ng personal . Gaya ng pyramid at red sea mga lugar na tumatak sa kasaysayan.

Happy moments

Meron aKong bakasyon na isa din sa nag bigay sa akin ng sobrang galak,taong 2017 umuwi ako para mag bakasyon nataon sa aking kaarawan .meron kamiñg kaunting handa para pasalamat .

Noong nag pray over na si Pastor wala aKong alam na may pa surprise pala ang aking Asawa na akin ikinasiya pati Ang mga bisita ay natuwa.ang mga brother in Christ ko ay pumasok na may dala dalang isang letchon .ang sabi ko saan galing yan di naman kame nag order or nag paluto.

Saka lumapit ang asawa ko at humalik sa akin(kilig ako heheh)at nag sabi na surprise nya daw sa akin.ay ang saya naman medyo napaluha naman ako sa saya ,yong minsan na maranasan mo yong ganyon nakaligayahan kahit maliit na bagay nakapag dudulot ng kasiyahan.

Naka uwi din ako noong nag debu ang aking aking at naging masaya din ang mga araw na iyon para sa amin .ang maiparamdam mo lng sa iyong pamilya na masaya ka kahit sandali ay ayon isang magandang alaala.

Kaya pakiramdam ko maraming nasayang na kaligayan at oras ng di ako naka uwi para mag bakasyon dahil sa pandemic na ito.kaya Sabi ko sa sarili ko na susulitin ko ang mga panahon na wala ako .kahapon kausap ko ang aking anak na bunso Ang tanong nya ma kailan ka uuwi grade 3 na ako di ka pa nauwi .sabi ko sa susunod na taon may awa ang diyos.at agad agad siya ng punta ng calendar at tiningnan isa isa .

Tapos sabi niya October na ma November December. Tapos na daw sabi ko naman sa kanyà walang pang calendar ng 2022 ,ang musmos na isip ng bata nanabik na sa Ina. Minsan makakabasa ako ng chat galing sa kanyà.na talaga naman na nakakapag pasaya sa akin.

Magkausap kame kahapon at ang saya habang kame ay nag kwekwentuhan sa ganyang lng na paraan malaking kaligayahan na hatid sa akin lahat ng pagod ay napapawi.

Message

Huwag natin sayangin ang oras o araw na kasama natin àng ating mga mahal sa buhay mag ipon palagi ng kasiyahan at magagandang nga alaala.

Salamat po sa inyong PAg basa ng aking munting kwento at salamat din sa aking mga reader, sponsor at @TheRandomRewarder AKA Rusty

God bless us

#6

Love

Jay997

10
$ 0.72
$ 0.58 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Ling01
$ 0.02 from @Khing14
+ 6
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Comments

Mabuti po at marami kayong picture na kasama ang iyong pamilya,para pwede niyo po matignan at mabalikan ang alaala na kasama mo sila,tiis tiis lang po magkakasama din po kayo ulit.

$ 0.01
2 years ago

Oo Kasi nga ang gusto ko kung saan kame pupunta ay may photo ,para kung nalululungkot eh pd ma panaood .. Sana nga ay gusto ko na ding umuwi

$ 0.00
2 years ago

Masaya po tlg lalo na kpag kasama ang pamilya. kung hnd mo man po ksama sila always make way to be with them and talk to them.

$ 0.01
2 years ago

Oo nga po ganon po talaga yong ginagawa ko video call araw araw

$ 0.00
2 years ago

Masarap talaga pag kasama ang buong pamilya. Then kukuha ng litrato for remembrance, para balang araw maalala.

$ 0.01
2 years ago

Ay da best talaga yong may naiipon na remembrance Ang pamilya

$ 0.00
2 years ago

Ang pinamasaya sa lahat ay yung makasama ang pamilya kaya po kapag po may pagakakataon po ako sinusulit ko po talaga oras sa pamily ko po..

$ 0.01
2 years ago

Tama yan dapat talaga sulitin natin

$ 0.00
2 years ago

Dapat talagang sulitin ang bawat oras na kasama natin ang ating pamilya

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis kase minsan lng yon

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis.. Dapat iwqsan ang samaan ng loob

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap talaga may anak na naiiwan sissy kaya ayokong manganak 😁 Ang ganda naman sa egypt sissy, sayang wala akong mga remembrance sa mga pinag bakasyonan ko wala ako naisave ahayy

$ 0.01
2 years ago

Maganda talaga sis ,at mahirap pero masarap ang may anak ,kaya dapat kahit saan ka now oumunta may click shoot

$ 0.00
2 years ago

Tama ka jan sissy

$ 0.00
2 years ago

Muntik akong mapaluha sis feel na feel ko ganyan din lage tanong ng anak ko ma kailan ka uuwi miss kana namin , sabi kona lang anak matagal pa,kung sana may pera tayo kaso wala e kailangan pang maghiwalay .

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis eh pero wala naman magagawa,ngayon nga lng sabi ng anak ko ma ,PAg uwi mo lutuan mo ako ng scramble egg ha ..ay ka sweet nitong bunso ko. Sabi ko ko naman di lng ayan ang lulutuin ko sayo. Laban lng tayo sis

$ 0.00
2 years ago

Nakaka touch naman nito Sis, gusto ko din dalhin parents to sa Egypt, Nile River at yung mga lugar na nabanggit sa bible, soon by GOD's Will, I will.

$ 0.01
2 years ago

Maganda siya sis oo dalahin mo sila doon para ma enjoy din nilà sabi ko nga swerte na din ako kahit paano

$ 0.00
2 years ago

We treasure all the happy memories Ang sarap balik balikan bess.

$ 0.01
2 years ago

Oo nga bes masarap talaga kaya ayan ay aking iniipon na parang kayamanan

$ 0.00
2 years ago