Hello mga kapamilya read.cash itong aking e babahagi sa inyo ngayon ay isang pangyàyari sa aking kaibigan mga ilang taon na Ang lumipas.
Year.1995 ng nakilala ko ang aking 2 kaibigan na babae si liezel at si Maida iisa kami ng lalawigan parepareho kamiñg taga San Pablo City,at kami ay nag aplay sa isang companya sa cabuyao laguna.doon kami nag kakilakila.
Sabay sabay kami na nagpasa ng aming mga application form at sabay sabay din kami na natanggap, kailangan namin na magpa medical para ma kumpleto na Ang aming mga requirements.pero medyo malabo yong Kay Maida kaya siya ay Pina ulit mag pa medical ulit, hanggang naging okey na din siya simula na kaming nag trabaho.maganda si Maida pero tahimik at mabait na kaibigan.
Hanggang lumipas ang mga araw.kada anim na buhay sa aming company kailangan na may medical exam ayon ay eye test at x-ray. Nag karoon ulit ng problem sa kanyang x-ray.kinailangan niya na mag pahinga ng 2 buwan ayon ang patakaran ng company.si Maida at liezel ay mag kapit bahày lamang siya palagi ang nag hahatid ng balita sa amin.
Hanggang nalaman namin na humuhina daw ang katawan ni Maida at kami na mga katrabaho ay dumalaw,Ang sabi ng Ina ay palagi napapag isa at nakikita na may kausap pero wala silang nakikita na siyang ipinag tataka ng mga magulang,ipinagamot nila may nag aalaga daw na ingkanto noong una pa lamang aayaw pala daw ng ingkato na aalis siya Doon sa lugar kaya pàla PAg nag aplay siya ay palaging malabo ang x-ray yon pàla inalagaan siya kahit na may mga manliligaw ay nagawa daw ang ingkanto ng paraan para lumayo.
At pilit nga siyang isinasama sa kanilang kaharian.pero ayaw niyang sumama Ang sabi ni Maida mas mabuti pa na mamatay daw siya kaysa sumama.kung saan saan ng pagamutan siya dinala ng kanyang mga magulang , hanggang sa siya namayat na ng namayat at aayaw ng kumain nakikipag laban siya sa gusting mangyari ng engkanto.
Hanggang siya ay namatay pero sumasapi siya sa kanyang kapatid nag iiba Ang Boses ng kapatid niya Ang kanyang Boses Ang nag sasalita.ang sabi niya huwag siyang ipa balsamo at siya ay babalik hindi man siya nailalagay sa ataol ay maiinit at pinag papawisan pa ang kanyang katawan. Palagi lng siyang nasapi sa kapatid na siya ay babalik ayaw niyang sumama doon sa ingkanto.
Pero di na matiis ng mga magulang kaya nag pasya sila na ipa balsamo . Nakaka awa ang sinapit ng aking kaibigan na ayon.halos di kami makapaniwala na nangyari yon sa kanyà.meron nga pàla talagang nilalang na di natin nakikita.
At noong minsan na nag death anniversary siya ay may bago na naka duty na HR office sa aming company at itinawag niya sa aming department at tumawag daw si Maida Ang sabi ay siya daw ay sick leave.ang sabi ng aming group leader ay sino daw sinabi ulit ng hr na naka duty palibhasa siya ay bago di niya yon kilala sabi noong aming group leader ay matagal na yong patay isang taon na nag paalala siya Kasi kung di sana siya pinag leave di siguro nangyari yon sa kanyà.
Totoo po itong nangyari sa aking kaibigan . Hanggang Dito na lamang po ang aking kwento sana ay inyong nagustuhan,maraming salamat sa pag basa.
Thanks sa aking mga mababait na na sponsor upvoters at readers hanggang sa muli po salamàt
October 26 2021
6:26 pm kuwait
Love
Jay997
Meron din ganyan sa amin sis,,,kaya aware na ako sa mga gandang kwento,,makatutunan tlga yan,