15th of October 2021
Hello! Hello!
I'll start first with a disclaimer.
Disclaimer: This article again is written by my supportive partner. As usual it's written in Tagalog. Therefore, if my article is in Tagalog that's automatically written by him for he is comfortable with it. So, hopefully you'd still enjoy reading his piece.
Also, this article is my 2nd entry for today since I still have to catch up with 4 articles that I left behind for there were 4 days already that I haven't published any. So, excluding this article I now have 3 articles to catch up. Expect for another days that I will be publishing 2 articles. This is in parallel to my goal to be able to publish 31 articles in total this month. I'll just try to test myself if I can do it or I can achieve it.
Here we go, my partner's thoughts.
MUSICA ! ! !
Mula pagka bata ay napapansin ko na mahilig sa musica ang aking mga magulang, gustong-gusto nila ang mga makalumang kanta na kinagisnan nila simula noong bata pa sila. Sa sobrang hilig nila, yung tipo'ng kanta na ang gigising sayo sa umaga at tuwing linggo ay mga "bisayang kanta" ang maririnig mo sa radyo tuwing umaga.
Mahilig lang sila sa kanta ngunit hindi sila marunong kumanta at kami din na mga anak nila. Hindi ko pa hilig ang kanta noong mga panahong iyon dahil puro laro lang naiisip ko gaya ng karamihang bata, nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit ganon nalang sila ka saya tuwing mayroong kanta.
Isang araw may nakilala akong isang babae na kaklase ko noong nasa grade 3 palang ako at masaya ako na nakilala ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siya at nahuhuli ko nalang ang sarili ko na naka ngiti pag na iisip ko ang babaeng iyon. Hanggang nag grade 6 kami ganon parin ang nararamdam ko para sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman para sa kanya. Sinubukan kong isulat ang nararamdaman ko sa halip na sabihin ko sa kanya ang nararamdam ko ay gumawa ako nang isang tula para sa kanya. Napansin ko ang mga pamagat ng mga lumang kanta (old love songs) at sinubukang basahin ang mga liriko nito. Doon ko napag alaman kung bakit mahihilig sa kanta ang aking mga magulang. At ang babaeng aking nakilala ay naging instrumento para mahulog ang loob ko sa mga sinaunang kanta.
Pagdating ng hayskul, wala na ako'ng kung anong nararamdan sa kanya at nagsimula akong mag sulat muli nang ibang tula dahil gusto ko na ang mga ito, sinusubukan ko itong bigyan ng tuno ngunit hindi ko magawa sapagkat wala ako'ng alam sa gitara. Hanggang sulat nalang iyon at hindi magagawa o mabubuo na isang kanta.
Pinagpatuloy ko ang pakikinig sa mga paborito ko'ng kanta at dumating ang araw na makakapag aral na sa college. Binabasi ko ang mga kanta na pinapatugtug ko sa kung ano ang nararamdaman ng puso ko. Isang araw habang pinapakinggan ko ang kantang "Hard habit to break" ng Chicago, ay may narinig ako na kung anong ingay mula sa labas ng aking silid at tumayo ako upang tingnan ito, ang tatlong babae at isang binabae. Ang isang babae doon ay boardmate ko "Ate Flor" tawag namin sa kanya, pumasok muli ako sa silid at muling nakinig ng kanta. Noong gabi din na iyon ay nakikinig ako nang kantang "tell me your name" nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid at "pwedi mangayo ug tubig?" Sabi niya. "Kuha lang maam" sabi ko naman, medyo may natapon na tubig sa sahig kaso hindi ko nalang ito pinansin. " okey ra na maam" sabi ko. May narinig ako'ng pangalan at ang tinig na iyon ay doon nanggagaling sa kalapit na silid. "JANICE"..., hinanap ko ang pangalang iyon sa listahan ng mga kaibigan ni "ate flor" sa fb. "Ah siya diay to'ng nangayo ug tubig" sabi ko sa sarili at nag send ako ng friend request sa kanya. Smile ka??? Ikaw na nagbasa???
(Woaahhhh, awit muna. May pa interrupt muna ako saglit. POV ko muna to. Hahaha kasi habang binasa ko article niya ay kinikig ako hahaha, Charoottt.. Ako po kasi yung nanghingi sa kanya ng tubig noon at wala akong ka malay-malay na siya pala yun kasi hindi ko pa kilala ang mga ka board mate ko nun na lalaki. O sige, continue na tayo sa kanyang estorya kasi nag friend request na daw siya sa akin. Haha)
Malamang magse-send ako nang friend request sa kanya kasi kaibigan siya nang kakilala ko. Nagpatuloy ang mga nangyayari sa gabing iyon at mag "aalas dos" na ng madaling araw. May dumating na mensahe sa aking messenger, "tug na uy! Adik coc" (Matulog ka na, oy!) galing kay Janice. "Unya na" (Mamaya na) reply ko sa kanya.
Ilang buwan makalipas ang unang chat na natanggap ko sa kanya, trip ko lang may makakausap at nakita ko na online siya at naging normal nga ito. Mabilis ang mga pangyayari at naging kami kahit hindi pa niya ako gaanong kilala at ganon din naman ako sa kanya. Basta gusto ko lang may kausap ako pagkatapos ng klase ko."The best of time" ka talaga "Babe" tulad ng kantang "I can't smile without you" at para ako'ng nasa "Top of the World" na "I dont want to miss a thing" pag kasama ko siya. Sana ang "Too much heaven" ay manatili pa at hindi na mawala pa. Hayyyy..."Love of my life" sana ay hindi ka magbago at sanay hindi ito "In my dreams" kasi pag nawala ka ay mahirap na. Totoo yaong "You're the inspiration" at nais ko na malaman mo na I "Keep on loving you" hindi yung kay Renz verano REO Speedwagon fans yata ito.
Ang musica ay nagpapasaya minsan sa buhay ng tao dahil sa matatamis na liriko nito. Minsan kung malungkot tayo napapaluha tayo ng mga kanta at pag masaya tayo ay napapasaya tayo nang husto sa mga kanta. Kayo ba mahilig din ba kayo sa musika? Naihahalintulad niyo ba rin ang mga liriko nito sa tunay na buhay at tunay na nararamdaman niyo?
Wakas.
That was it. He's entry for today.
Anyways, I just want to share some thoughts before he made this because I never expected that this article of him is about his feeling towards me which he connected it to a song title specifically old songs since his an old soul. (Putulin niyo nga buhok ko, LOL)
I told him this morning that if he had ideas of what article to write. Then he should write and send to me for I'll be the one to polished it first before publishing. Then he said, Yes. Then, this afternoon he send it to me and told me to read it first. To found out that it melts my heart. I am just very thankful for him because he always did his best to help me and I really appreciate that. Like the title of the song, I'll "Keep on loving You, Him" as well.
That's all. So much for the dramas.
Aja!
"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz
SAKSAKIN NIYO NA LANG AKO!!!
Haha, joke lang po kasi marami pa akong pangarap sa buhay hehe. I also like music too. In my case, they are the reason I'm happy with my status, and they also inspired me to keep in going. It seems like we are in the same shoes where I also love music, but I'm not that good on singing haha. They're the reason why my standards on finding love is approximately high. Married na po ba kayo ate? Kung hindi pa ate, congrats po in advance.
Expect mo na ang love niya sa iyo ay parang tubig, umaapaw at hindi nauubos hehe.