Ika-26 ng Setyembre
Araw ng linggo, habang ako ay nasa CR- wala lang, naisip ko lang yung mga taong sumasakay sa mga pampasaherong sasakyan at napagtanto ko nalang na meron palang ibat-ibang klase ang mga ito.
Sino rito ang hindi nakaranas maging isang pasahero o sumakay sa mga pampasaherong sasakyan? Kasi ako, yan ang buhay ko nung nagsimula akong mag-aral ng hayskul hanggang sa kolehiyo at kahit hanggang ngayon na tapos na akong mag-aral. Sa kadahilanang wala pa akong sariling sasakyan kaya't may lakad ako palagi akong nag co-commute o sumasakay lamang sa mga pampasaherong sasakyan.
At tuloy itong artikulo na gagawin ko ay aking mga obserbasyon sa kung anong mga klaseng pasahero ang nakakasalamuha ko sa tuwing akong isa rin sa mga pasahero.
Klasipikasyon nang mga pasahero base sa aking na o-obserbahan tuwing ako ay bumabyahe:
Ang "Over Thinker"
Sila ang mga pasaherong sobra kung mag isip. Naka tingin sa malayo at balisa, siguro may problemang pinag daraanan pero kadalasan nag iisip lang pala na may naka tingin sa kanila at nai-inlove sa kung anong posisyon meron sila. Pero sa totoo lang wala talaga akala lang nila meron.
Ang "Food Lover"
Sila ang tipo nang pasahero na pala-kain sapagka't sila yung may maraming nabibiling pagkain kaya't habang bumabyahe sila ay kain rin sila ng kain yan tuloy yung iba sa kanila rin ay pala-suka. Yan ang kahahinatnan sa kain ng kain habang nagbabyahe, tuloy suka rin ng suka.
Ang "Talkative"
Sila ang nag bibigay "SAYA" sa biyahe, at higit sa lahat sa mga food lover pag sumuka na ang mga ito. (Palitan nang "INIS" ang salitang saya haha). Paano kasi kapag nasusuka na ayaw muna ng ingay.
Mga pasaherong maingay kung saan akala nila walang ibang pasahero. Kadalasan sila yung mga pasaherong magkakakilala o mga pasaherong matagal nagkita at sadyang nagkita lang sa byahe. At boommm, ayun usap dito at usap doon na.
Ang "Tide"
Mga pasaherong pala salita sa iyo o bigla nalang kumakausap sa iyo kahit hindi kayo magka kilala. Layk wat da hek! Gulat ka no?
Parang "Music Lover"
Mga pasaherong naka headset parang mahilig sa kanta. Naloko na! Porn pala.... Haha
Ito yung mga pasaherong naka headset tuwing byahe kahit yung sasakyan ay maingay na dahil may pa-music din ang sasakyan. Pero ang mga pasaherong ito ay sadyang hindi makuntento sa music na meron ang sasakyan o ayaw nila sa music kaya't sila ay nakikinig din ng music gamit ang headset.
Ang tanong, music nga ba? Haha
Ang "Sleeping Beauty"
Wala lang...... tulog lang, okey lang sana matulog sa biyahe basta ba't siguraduhing hindi naka sanday sa balikat nang katabi mo. Minsan naka nga-nga sila at kadalasan lagpas na sa destinasyon nila. Ayun, tulog pa more.
Parang hanggang dito nalang ang artikulong ito. Kayo ba, ano pa bang mga klase ng pasahero ang nakikita niyo o nakakasabay niyo sa tuwing kayo ay sumasakay sa mga pampasaherong sasakyan? (Tara, paki share nalang sa comment seksiyon at pag-usapan natin yan. Haha)
Disclaimer: Ang artikulong ito ay gawa ng aking partner at pawang ideya at opinion niya lang at katuwaan lang din sapagkat wala akong maisip na maisulat kaya't dalawang araw akong hindi rin nakagawa ng artikulo. Mabuti na lang at may ideya siya at ang araw na ito ay hindi nasayang. Haha
Ang ambag ko lang dito ay kunting edit lang at lahat ng ideya ay sa kanya. Sana ay tangkilikin niyo pa rin ang artikulong ito.
"HAVE A BLESSED SUNDAY TO ALL"
"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :)ย - @Janz
Lead image taken from Unsplash
Natawa ako sa tide. Putik! HAHAHHA. Nagulat ako dun ha. HAHAHAH. Pero sa lahat ng namention mo, parang sa sa TIDE lang ako hindi belong. HAHAHA. The rest ako yun! Except sa porn ha. HAHAHA.