read.cash Log in
@Jane edited

I Found A New Love On The Same Ground **October 10, 2022** ***"I don't love you anymore. Let's break up."*** Ganon na ba ngayon ang **Pagi-Ibig**? Sa una lang matamis, pero sa paglipas ng panahon, ito'y unti-unti maglalaho kasama ang mga binuong pangako. Sa ilalim ng **Buwan**, ako'y naglalakbay. Patungo sa kabihasnang hindi alam anong magiging lagay. Sa bawat patak ng aking luha, mukha niya ang aking nakikita. Hindi lungkot and pananabik ang aking nadarama, kundi galit at poot sa nakaraan na ayaw ko nang madama.

I feel totally **Drained** when I step on the **Same Ground**, where he broke my heart that I thought I couldn't stay around. I hope I could turn my heart into a stone, so I couldn't feel the pain anymore. It seems that **Fire** is burning inside me that I can't suppress. I hope I am an **Armour Bearer**, so I could protect my heart not to surrender. *"****Bakit*** *ba lage akong nasasaktan? Kailan ko ba mararamdaman ang tunay na kaligayahan!"* Kasabay sa pagsigaw ko sa buwan ay ang pag-ungol ng aso. Mga balahibo ko'y nagsitayuan, mga mata'y tumanaw sa kalayuan. Ilang saglit pa isang anino ang unti-unting nabubuo. Hindi isang tao kundi malaking aso. Mga paa ko'y inihakbang paatras, kasabay sa pagbuo ng pakiramdang hindi ko pa danas. *"Kung* ***Minamamalas*** *nga naman. Ba't ba panira to sa pagsesenti ko." Bulong ko sa sarili ko.* *"Huwag kang lalapit." Pakiusap ko sa aso.* Mukha nito'y galit, na para bang nauntog sa pagkakatulog. Pangil nito'y lumabas, ako'y kumuha ng ihahampas. Sa kanya ito'y inihagis, na nagpalala sa kanyang pagkainis. Ako'y tumakbo na sinundan nito. Mga paa ko'y **Tumatakbo**, kasabay sa malakas na tibok ng aking puso. I **Run** and run. But it just even runs faster. Sa dulo ng bangin, ako'y napahinto. It was a dead end. I was out of **Breathe**, and I feel like I'll be dead soon too. Ngunit isang malakas na sipol ang pinakawalan mula sa kung saan. Ang aso ay huminto, at sa kadiliman ito ay nagtungo. Kasunod nito ang paglabas ng isang pigura, na tila ba sa aking mga **Mata** ay hindi mapurma. Isang lalaking may mukhang **Simpatiko** ang bumungad, na tila ba'y may kung anong hangad. *"Ikaw ba may-ari ng aso? Pwede ba sa susunod talian mo yan?"* Tugon ko dito. *"Pwede ba sa susunod huwag kang istorbo sa aking pamamahinga?"* Pagalit na sagot nito. *"Malay ko bang may tao sa liblib na lugar na to?"* *"At anong ginagawa ng isang babae sa liblib na lugar na to at may pasigaw-sigaw pa sa ilalim ng buwan. Ikaw ba'y isang lobo?"* *"****Kung Sakali*** *ako ay lobo, ano ka? Aso? Ba't ka ba kasi dito namamahinga. Hindi mo to teritoryo."* Kasunod nito ang pag-ungol ng aso sa kanyang likuran, na para bang mga sinabi ko ay naintindihan. *"Dito ako iniwan ng aking mahal, kaya ito'y aking binabalik-balikan." Marahang sabi nito.* *"Pareho pa la tayo eh. Dito rin ako iniwan ng dati kong mahal."* *"Sumakabilang buhay?"* Tanong nito. *"Sana nga ganun na lang nangyari. Kaso hindi. Sumakabilang bahay na nagpawala sa aking* ***Makulay Na Buhay*****.***"* Sagot ko. *"It's pointless holding him back. Let him go and find a way of* ***Deliverance*** *of him. Do it for yourself* ***In A Big Way****. He's gone. So think of yourself, not him. Your life shouldn't end that way."* **Mula Noon,** mga kataga niya sa aking isipan ay tumatak. Na parang ulan na walang hinto sa pagpatak. Sa mga hindi inaasahang pagkakataon, magkasabay kaming umahon, sa pagkakalunod sa nakaraan na gusto naming bitawan. Isang araw, sa dulo ng bangin ako ay umupo, kasunod nito pagkawala ng tunog na sa aking isipan ay humapo. I was singing **Kitchie Nadal Medley** when the rain suddenly fell profusely. *"Is this a joke?"* I asked myself. *"Hindi. Sadyang boses mo hindi nagustuhan ng kalangitan kaya lumuha ng ulan."* Isang biro ang nagmula sa aking likuran. Si Mark at kanyang aso sa mga paningin ko ay humarang. Sa tabi ko siya ay umupo, kasabay sa pagbukas ng payong kaya ako'y napayoko. *"Ikaw nga kumanta, kung ulan ay huhupa."* Pabiro kong tugon dito. Maya-maya malamig na boses ang pinakawalan na parang bang may **Majika** sa kalawakan**.** *🎶"****Pangarap Ko*** *maging isang tulay* *Hindi ito papipigil ano mang sabihin nila* *Matarik man ang natatanaw* *Pag-ibig mo pa rin* *Ang siyang sumisigaw" 🎶* Sa pagtatapus niya ng kanta, sa kanya nakatuon aking mga mata. Ang mga ito ay naglakbay ng **Malaya** sa kanyang mukha. Pisngi at mga mata niya ay maamo, ilong ay matangos, at mga labi ay mapupula. Mga mata nami'y pinagtagpo kasabay ng ulan na dahan-dahang huminto. Sa ilang sandali kami'y nagkatinginan, ako na rin ang kusang sumuko. Pisngi ko'y namula, ako'y napahiya. Mga labi nito'y bumuka, kasabay ng malakas na tawa. ***"Huwag Na Huwag Mo Sasabihin****...may crush ka sa akin noh?"* *"Wala ah. Kapal nito!"* Isang malakas na tawa lang kanyang pinakawalan, at sa dulo ng bangin kami ay nagtawanan. Sumunod ay isang kantahan, inisan, at sa aso nakipagsayawan. Sa pagtatapus ng araw kami ay sa isa't-isa nagpaalam.

*"****Sa Uulitin.****"* Pagpapaalam ko. *"Kung sa uulitin,* **Tadhana** *tayo ay pagtatagpuin* **,** *maaari bang lumalim pagtingin mo sa akin?"* Katanungan niyang nagpatahimik ng gabi. Tila ba'y nakatukom aking mga labi. *"Isang linggo mula ngayon, ako'y maglalayag. Bago pa man mawala ng dalawang taon sa karagatan, ako'y may ihahayag. Pakiusap ko sa iyo, sana iyong mapagbigyan. Maaari ba kitang ligawan?"* Sa buwan ako ay tumingin, mga tanong nya hindi alam kung dapat bang sagutin. Kasagutan puso ko'y tila ba alam, ngunit kasiguraduhan hindi ko malaman. *"Mga sagot ko sa pagbabalik mo aking ibibigay. Iyon ay kung kaya mong maghintay."* *"I know* ***You're Worthy****, so I will." Pangiting tugon nito.* Mga araw at taon ay lumipas, mga ala-ala sa kanya hindi kumukupas. Mawala man aming kumunikasyon, mukha niya nakapinta sa aking imahinasyon. Aming tagpuan aking binabalik-balikan, nagbabakasakaling siya ay madatnan. Araw, linggo, buwan, taon, aking ininda. Umaasang siya muli aking makita. *"Tama bang siya aking pinakawalan? Paano kung hindi na niya ako balikan?"* Araw unti-unting lumilitaw. Pagsasamo sana siya rin ay matanaw.

*"Sinong nagsabing hindi ako babalik? Baka naman ngayon mabigyan mo na ako ng isang halik?"* Kaligayan ko nag uumapaw, ng akin siya muling natanaw. Ngiti sa mga labi hindi mawala, mga tingin niya'y nagbapalik ng masasayang ala-ala. *"Mula noon, hanggang ngayon, palabiro kapa rin." Sagot ko dito.* Mukha ko sa palad niya'y ikinulong. Kamay ko'y sa dibdib niya'y ipinatong. *"Mula noon, hanggang ngayon, ikaw ang laman nito. Pag-aalala ko sa iyo hindi huminto. Pagsusumamo ko sana iyong pakinggan.* ***Iniibig Kita,*** *ako ba'y pagbibigyan?" Tanong nito.* Isang yakap aking itinugon. Kasabay sa mga katagang pinakawalan na dati kong ibinaon. *"Puso ko'y lumumbay sa mga araw na wala ka. Ngayong andito kana, ito'y lumulukso sa tuwa.* ***TL Ako Sayo."*** Sagot ko. ***"Simula Ngayon,*** *ako sa tabi mo hindi lilisan, pag-ibig ko sa iyo hindi mapipigilan. Mga araw at gabi pupunuin ng* ***Ligaya*****.** *Sa mga bisig mo lang, ako sumasaya. Kalungkutan mo aking buburahin. Panigurado ko sa'yo, magpakailanman, ikaw lang ang aking mamahalin."* Sa sumunod na buwan, sa dulo ng bangin kami ay ikinasal. Panghabambuhay na relasyon, aming idinasal.

*Image from Unsplash by* *Giorgio Trovato* https://unsplash.com/photos/2A1C26tigKY Sa muling pag apak ko sa lugar na ako'y iniwan, wala ng pait sa nakaraan ang nadama, kundi kaligayahan. Dahil... ***"I found a new love, on the same ground."*** **THE END** There you go. Inspired by the beautiful moon last night and Kitchie Nadal's Medley. She is one of my fav Filipino singers. So I opted to make connecting song titles again. For English readers here, just click translate if you want to understand the story. But better not 😂.

You can check my stories using the same writing style, connecting song titles here: **The Chantey Moon Melted And He Began To Crescendo** **Lee Seu Hyun** https://read.cash/@Jane/the-chantey-moon-melted-and-he-began-to-crescendo-92ac1824 **You're Like A Monster That I Can't Take Off My Mind** **Henry Lau** https://read.cash/@Jane/youre-like-a-monster-that-i-cant-take-off-my-mind-880dd5d4 **A Perfect Symphony For The Galway Girl** **Ed Sheeran** https://read.cash/@Jane/a-perfect-symphony-for-the-galway-girl-b2cd1209 **You Changed My Life In A Moment** **Sarah Geronimo** https://read.cash/@Jane/you-changed-my-life-in-a-moment-993891e3 **Take Her To The Moon** **Moira Dela Torre** https://read.cash/@Jane/take-her-to-the-moon-f36d0196

*****(Check out the new noise.app here and let's be connected.*** ***noise.app/Jane1289******)***** https://noise.app/Jane1289 **Follow me on:** **•****read.cash** **•****noise.cash** **•****HIVE** **•****Ecency**   **•****PeakD** **•****Torum** **•****Twitter** https://read.cash/@Jane https://noise.cash/u/Jane1289 https://hive.blog/@jane1289 https://ecency.com/signup?referral=jane1289 https://peakd.com/register?ref=jane1289 https://www.torum.com/u/jane1289 https://mobile.twitter.com/1289Jane

42¢

26 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.