Groupings

Avatar for Herzy
Written by
2 years ago
Topics: Groupings, School

Isa sa namimiss ko sa Face to Face classes ay ang Groupings. Yung ang aga aga tulog ka pa tapos yung mga kagrupo mo tatawagin ka na pero ang sarap din mabulabog ng mga kaklase namin na may practice na tulog pa rin, katulad ko pero minsan naman maaga akong nagigising.Yung naubos yung oras namin kaka sundo sundo sa mga kagroup namin. Nakakamiss yung ganon.

Miss ko na mga ka group ko dati na pag matagal pa bago ang presentation, nagkikita kami pero wala kaming ginawa, ang tanging ginawa lang namin ay mag kwentuhan at maglaro..... tapos syempre pag last day na bago ang presentation saka lang kami mag practice. Kaya ako hanga ako sa lider namin eh, kung kailan last day na saka lang nag isip kung ano gagawin namin. Ang nakakatuwa lang nagagwa pa rin namin ng maayos yung presentation namin kahit 1 day lang namin prinaktis.

Pag Groupings talaga ayoko maging lider, ayoko sumakit ang lalalmunan ko kakasaway ng mga members na makukulit. Pag talaga groupings ako ang isa sa nagbibigay ng idea sa gagawin, oh diba may pakinabang ako sa group namin baka sabihin ninyo isa ako sa pabigat sa group pero parang ganon na nga. Pabigat talaga ako minsan kasi nga tulad ng sabi ko introvert ako so ayokong humaharap sa stage, ilang pagtatalo pa ang magaganap mapapayag lang akong pumunta sa harap. Pag sa math ang groupings ako ang living catculator nila hehe....may one time nga na nakalimutan namin mag dala ng catculator tapos nag groupings kami. Ang nakakatawa lang ay second kami natapos naunahan pa namin yung may catculator, may catculator nga sila naguluhan naman sila equation wala rin hahahaha..... So may deal ako sa kanila talaga na magbibigay ako ng idea or plan na gagawin basta hindi ako haharap sa unahan.

Naalala ko pa nga eh loko boys namin, kasi practice kami tapos ang ingay namin edi napagalitan kami tapos itong boys noong tapos na kami magpractice nag sisigaw sabay takbo loko talaga yung mga yun tapos yung ale na nanaway sa amin binuhusan kami ng tubig pero syempre hindi kami nabasa kasi nakisabay na kami sa takbuhan ng mga boys hehe..

Pero isa sa mahirap pag groupings maliban sa nauubos ang oras kakasundo sa mga kagroup at pag saway ng mga ka group ay yung wala kaming mapag papapractisan. Kaya no choice kami nag practice kami sa public place, tapos syempre minsan nahihiya kami pag may dumadaan.

May isa pa akong ikukuwento noong grade 5 ako, so yun sabi ko nga wala kaming mapag paparaktisan ang ginawa namin doon sa bangka ng tatay ng isa naming kagroup namin yun na sa dike pa nun, doon kami nag praktis. Yung tumawid kami doon sa may balsa papunta doon sa bangka nakatawid na ako nito, yung balsa umandar siya pa kanan eh nasa kaliwa siya, umandar siya papasok sa baba ng bngka papuntang ibang side, so muntikan ng mahulo yung kaklase ko nun, tapos yung isa kong kaklse tiwanan lang ang gag*. Buti na lang talaga nakahawak na siya sa bangka bago umusod pa kanan yung balsa. Noong time na toh napagalitan kami ng teacher namin, kasi naman daw delekado nga.

Pero ang pinaka dabestt na groupings eh yung boung section ang groupings tapos kalaban ang ibang section. Naalala ko noon nakikipag inisan pa talaga kami doon sa ibang section eh, hahaha tapos nakikipag unahan din kami ng pwesto ng pagpaparaktisan. May isa lang kasing lugar sa amin na pwedeng pag praktisan maliban sa school doon sa shipyard. At masaya nun yung last na groupings namin na ang kalaban ay ang section at kay tagal tagal namin pinaraktis ay hindi namin na perform kasi dumating nga itong pandemya.

Sarap balikan yung ganong paangyayari na kahit kinakabahan kami sa gagawin naming presentation nakukuha pa namin maging tamad hehe, tumawa, at mag laro. Namiss ko din yung crush dati na madlas ko maging kagroup hahahaha...... charot.

Kayo ba guys anong kwentong groupings ninyo? Anong ang role mo sa group? pasaway ba, tiga isip ng idea, the leader, the mayaman, o yung tiga saway.

Thank You For Reading and Don't Forget That

I Love You !!!

—Herzy—

Sponsors of Herzy
empty
empty
empty

2
$ 0.16
$ 0.16 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Herzy
empty
empty
empty
Avatar for Herzy
Written by
2 years ago
Topics: Groupings, School
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Hahaha face to face be like😊

$ 0.00
2 years ago