Just Cry, My Love
Isang gabi nanaman ang nag daan,
Isang gabi na aking mga mata ay basa nanaman.
Ang aking mga unan,
Basang basa sa mga luhang pumatak sa aking mata.
Ang bigat ng pakiramdam ko
Di ko alam kung kakayanin ko pa ba
Na sa bawat pag hinga ko puso'y lalong sumisikip.
Mga alaala unti-unti bumabalik
Ang mga nangyari sa nakalipas na oras unti unting kong nakikita sa aking isipan.
Pangyayaring ayoko nang balikan pero
Kainis,
Bakit kailngan ko nanaman isipin itong muli?
Parang kanina lang ay wala lang sa akin ng lahat
Parang kanina lang ay ni pagluha man ay Hindi ko nagawa pero bakit ngayon?
Bakit ngayon lang nagprocess sakin ang lahat?
Na ang kaninang matapang na ako ay nawawala na
Wala na kong maramdamn
Di ko na maintindihan ang aking sarili
Gulong gulo na ako
Di ko na maintindihan ang aking nararamdaman
Nasasaktan ba ko?
Naawa sa sarili ko?
Galit?
O lahat yan ay nararamdan ko?
Di ko alam
Hahalo halo na ang aking emosyon
Pero Isa lang ang alam ko
Isa ang ang solusyon sa nararamdan ko ngayon
Ang umiyak
Ang iiyak lahat ng bigat na nararamdaman.
Sa ganoong paraan mailalabas ko ang sakit, hinagpis, at galit na gustong kumawala sa akin puso.
Ayokong ipunin
Ayokong makasakit at mandamay ng tao sa aking nararamdaman
Ayokong mawala sa aking sarili
Talaga nga naman Kay bisa ng pag-iyak para maibsan ang lahat ng nangyari
Iyak na sa pag tapos nito
Isang bagong ako nanaman ang magiging resulta
Iyak na magpapagaan ng loob
Na sa pagtapos nito,
Kakayanin ko na ulit ang humarap sa mundo
Kaya Ikaw! Wag Kang matakot na umiyak, wag mong pigilanang sarili mong umiyak kung di mo na kaya
Mas lalo ka lang hihirap.
Ilabas mo, wag mong ipunin
Hayaan mong maramdam ng sarili mo ang hinagpis ng puso
Umiyak ka lang
Iiyak mo lang ang lahat ng mga di mapaliwanag na nadaradama at sakit na di na makimkim pa
Hindi masamang umiyak,
Hindi ito isang kahinaan
Isang itong kalakasan upang harapanin ang realidad ng buhay.