Mag tatlong linggo na ako dito sa lugar na ito nang mapansin ko ang lalaking isnabero. Napukaw nya ang aking pansin dahil sa kanyang pag ka istrikto.
Akala ko nga nung mga unang araw ko sa lugar na to “Ah, okay pala dito. Madali lang ako maka cope up kasi mababait ang mga tao", akala ko lang pala kasi lahat pala naka dependi kung mapapansin ka nung strict guy or hindi.
Sinubukan ko maging friendly sa lahat kasi yun ang sabi nang iba, sinubukan ko maging maayos pero waley pa rin. Siguro nga di ako kapansin pansin.
Gusto ko lang nmn mapansin mo, kahit ngumiti ka man lang sana sakin ayos na ako don, masasabi ko nang “welcome na ako sa lugar na ito” pero parang ang hirap mag-iisang buwan na ata ako eh.
Pero okay lang, feel ko nmn di ko pa masyado tinodo ang effort ko para magpapansin. Siguro magsuklay muna ako nang maayos, maligo araw araw para mabango ako pag napadaan ka sa gawi ko. Mag polbo na rin siguro ako nang lights at mag liptint para mag mukhang tao sa harap mo.
Siguro naman bago ako mag isang buwan dito sa lugar nyo mapapansin mo na ang isang probinsyanang tulad ko? Or kailangan ko muna makipagsabayan sa mga city girl na tropa mo?
Parang ang hirap naman kase, demure po ako pero gusto gusto ko rin na lingunin mo ako pwedi ba? Pwedi bang maging ako lang sa harap mo, na di ko na kailangan kopyahin ang style nang mga city girl mong tropa?
Or kailangan ko talaga makipagsabayan para lang mapansin mo ang worth ko? Or worth it nga ba ako para mapansin mo? Hirap naman nito pati sarili kung worth na ki.kwestyon ko dahil lang sa di ako pansinin.
Gusto ko lang nman makitang nakatingin at nakangiti ka rin sakin balang araw, masasabi ko sa sarili ko sa wakas “nahuli ko na rin ang timpla nya” pero ano nga ba ang timpla mo?
Sabi kasi nila napaka random mo lang na tao, random at stikto pa di alam sa una kung ano ba talaga trip mo, siguro nga makikisabay na lang ako nang onti sa mga city girl mong tropa pero onti lang ha, kasi ang probinsyanang tulad ko ay talagang nangangapa pa kung paano mapansin nang city boy na tulad mo.
Wag kang mag-alala magpapaganda ako para naman di ako mukhang gusgusin sa harap mo!
Isusuot ko na rin siguro ang bulaklaking bistida na binili nang mama ko para sakin nung birthday ko, sana lang magustuhan mo. Pero teka gusto mo kaya yung naka bistida or mas gusto mo yung maikli ang palda? Ay naku po, ang gulo kasi di ko alam anong type mo. Pero yaan na isusuot ko pa rin pag di mo magustuhan, edi mag online shopping na lang ako nang mga maikling palda kung sakali lol. Sana mapatawa kita kahit minsan, kahit onti.
Please Notice Me Senpai kahit konti lang ako na magpalaki, ayeeee! ❤️
End Note:
I was inspired to write this upon reading the write ups of @snapping.turtle about random rewarder haha! I was related to him and made my own version, forgive me for copying the same structure of his post. Na inspired lang po talaga ako mag sulat nito nung nabasa ko article nya hehe!
Ito po sulat nya “Notice Me, Senpai”.
Thank you for reading...
Mapapansin at mapapansin ka din niya. Basta enjoyin mo na lang ang journey mo. Wag masyado magpakastress kung binisita or hindi. Ang mahalaga ay naeenjoy mo ang ginagawa mo. 😉