Hello, sa mga magbabasa palang ng closure may tatlong naunang parts po ito, maaaring basahin niyo muna. Thank you!
https://read.cash/@Greyzzz/closure-d715cd8c
https://read.cash/@Greyzzz/closure-part-ii-e757a689
https://read.cash/@Greyzzz/closure-part-iii-8bbcd6ff
Fast forward...
Lagpas isang buwan na kaming official ni Vince at mas lalo pa kaming naging open sa isa't-isa.
May klase pa si Vince ngayon at ako naman ay nakauwi na, half day lang ang class namin ngayon kasi may meeting daw ang mga teachers. May gala sana kaming magkaklase pero 'di na ako sumama dahil alam kong hindi naman ako papayagan ni Vince.
3 days bago kami mag 1 month ni Vince ay nag-away kami ng sobra. Ang dahilan 'di ako nakapag-paalam sa kanya na may group activity kami ng mga classmates ko kasi nagra-rush na kami noong araw na yun. Sobrang nagalit siya sakin, pero inintindi ko nalang kasi nga mali ko naman talaga siguro. Pero ang dahilan kung ba't di ako nakapag-paalam sa kanya kasi nga tungkol naman sa school yun, akala ko maiintindihan niya. Wala akong time makapag-open ng cellphone ko noon sa sobrang busy. May balak naman akong sabihin sakanya pagkauwi ko. Pero dahil hawak niya ang account ko, bago ko pa ikwento sa kanya alam niya na.
Nanonood lang ako ng movie sa laptop ko ng biglang tumawag si Vince.
"Saan ka ngayon babe?" Bungad na tanong ni Vince sakin pagkasagot ko ng tawag niya.
"Nasa bahay, nanonood ng movie. Bakit?" Sagot ko.
"Ah buti naman, nabasa ko kasi na halfday kayo ngayon. Sinisigurado ko lang na umuwi ka kaagad." Paliwanag niya.
"Ah okay, 'wag ka mag-alala nasa bahay lang ako." Sabay nag send ako ng picture sa messenger para maniwala siya.
"Very good ka talaga babe, I love youuu."
"Syempre hahaha. I love you too babe."
"Bye babe, chat ako mamaya after class. Behave ka diyan ha." Sabi ni Vince bago ibaba ang phone.
Oo, ganyan lagi eksena namin ni Vince. Minsan naiinis na ako pero dahil nga mahal ko siya ayaw kong nag-aaway kami. Every week na rin palang umuuwi si Vince, minsan sa bahay na siya dumidiretso. May pahintulot naman yun ng mama niya.
Fast forward...
7pm na at ngayon ay araw huwebes. May fiesta rin pala sa barangay ng gay bestfriend kong si Kiel. Nagpaalam na ako kay mama at pumayag naman siya, kaya balak ko nalang din sabihan si Vince na doon ako magpapalipas ng gabi. Tatawagan ko na sana si Vince ng bigla siyang nagsend ng picture na nasa Van siya.
"Uuwi ka ngayon?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo babe, wala rin naman kaming pasok bukas nagsiuwian na rin yung mga kasama ko sa boarding house kaya uuwi nalang din ako." Paliwanag niya.
"Ah ba't di mo ako sinabihan babe?"
"Hehe para sana isurprise ka." Nakangiti niyang sagot.
"Ay babe aalis ako ngayon ha, kaya ako tumawag para sabihan ka. Pumayag naman si mama." Paalam ko sa kaniya, pero biglang sumimangot siya.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong niya.
"Kina Kiel, fiesta sa kanila eh." Sagot ko
"Ah oo nga pala, huwag kana tumuloy babe baka mapano ka pa dun."
"Hindi yan babe, dali na ha. Sige na babye."
Nag chat si Vince pagkababa ko ng phone.
"Huwag kana umalis malapit na rin naman ako punta nalang ako diyan sa inyo papuntahin mo nalang din si Kiel."
Natuwa naman ako kahit papaano.
Fast forward...
8:30 na ng gabi at nakarating na rin si Vince sa bahay nila. Magbibihis lang daw siya bago pumunta dito sa bahay. Si Kiel naman ayaw pumunta dito sa bahay kasi gogora raw siya haha.
"Babe, bukas nalang tayo magkita nagyaya kasi si Rain 'di ako makatanggi eh. Bawi ako bukas." Chat ni Vince saakin. Ito ang isa sa ayaw ko pag siya may gustong gawin bawal akong kumontra pero iniintindi ko parin yun. Si Rain, kababata ni Vince.
"Okay babe take your time." Sagot ko nalang kahit 'di ko alam kung saan ang punta nila o kung anong gagawin nila.
Mga bandang 10:30pm, nag-send sakin ng picture si Kiel, isang groupie kasama si Rain at Vince. Ewan ko pero biglang sumama ang loob ko. Doon din pala ang punta nila, pero di siya nagsabi. Nag-like nalang ako sa chat ni Kiel.
Pero dahil nga magbestfriend kami na-gets niya yun. Sa kanya rin kasi ako nagkukwento tungkol kay Vince.
Pinatay ko nalang phone ko sa sobrang sama ng loob. Hindi masama loob ko dahil hindi ako pinayagan, ang kinasasama ng loob ko ay wala man lang pasabi sakin si Vince na kasama niya rin naman pala si Kiel dun. Pero bago yun chinat ko si Nikki isa pa naming bestfriend ni Kiel na pumunta dito sa bahay. Pumayag naman agad siya.
Mga ilang minuto lang at nakarating agad si Nikki sa bahay, nagkayayaan na uminom. Medyo nawala na yung pagkainis ko sa nangyari kaya naisipan kong ichat si Kiel na sumunod nalang sa bahay at nasabi ko sa kanya na kasama ko si Nikki.
Hindi pa man namin nakakalahati ang iniinom namin ni Nikki ay nakarinig kami ng tunog ng motor na pumarada sa tapat ng bahay namin.
"Sissy!" Sigaw ni Kiel.
Ah si Kiel pala.
"Sis may kasama ako, hulaan mo kung sino. Haha" dagdag pa niya.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nakita ko na ang boyfriend kong si Vince at kasama rin si Rain.
Nakasimangot ang mukha ni Vince na nakatingin sakin. Bumalik ang inis ko nang makita ko siya.
"Uy hi Rain." Bati ko kay Rain. Hindi ko pinapansin si Vince.
Nakahalata yata si Nikki at Kiel kaya nagsimula silang magkwento ng kung ano-ano nakikisabay ako sa kanila pati na rin si Rain. Si Vince nakaupo lang, nakikinig samin.
"Ay tapos na ba party?" Tanong ko.
"Hehe hindi pa. Bigla kasing nagyaya si Vince pumunta dito noong may pinakita si Kiel sa cellphone niya." Sagot ni rain sa tanong ko.
"Ahhh." Maikli kong sagot.
Paubos na ang iniinom naming alak nang biglang nag suggest si Nikki na bibili pa ulit. Pumayag naman ako kaya sinamahan ni Kiel si Nikki at inalok sila ni Rain na umangkas nalang sa motor niya para mabilis.
Nang makaalis ang tatlo. Hindi ko pa rin pinapansin si Vince.
"Ano da, 'di mo ba ko papansinin? Hindi ka ba magpapaliwanag?" Pagputol ni Vince sa katahimikan.
"Ahh da. Okay." Yan nalang naisagot ko.
"Ba't di ka nagpaalam na mag-iinom kayo ha?"
Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko siya pabalik.
"Anong feeling?"
"Ng ano?" Galit niyang tanong.
Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ni Vince
"Anong pakiramdam na hindi ako nagpaalam?"
"Syempre di nakakatuwa. Diba usapan natin kahit anong gagawin natin ay sasabihin natin sa isa't-isa." -Vince
"Wow coming from you." Inis na sagot ko.
"Nagpaalam naman ako ah!" Sagot niya
Oo nagpaalam ka nga, pero di mo man lang naisip na i-update ako kung saan at kung sino kasama mo kung anong gagawin mo. Samantalang ako halos lahat alam mo.
Yan ang mga gusto kong sabihin kay Vince peeo di ko masabi dahil alam kong sa huli ako pa rin talo.
"Ah okay" yan nalang ang nasabi ko at saktong dumating na rin ang tatlo.
Inabot kami ng alas tres kaya si Nikki ay sa bahay nalang natulog, si Kiel at Rain naman ay nagkakayayaan na bumalik para mag bayle. Pero dahil mukhang di na kaya ni Kiel ay naisip nalang ni Rain na ihatid ito sa kanila. Ayaw sana sumama ni Vince sa paghatid pero sinabi kong need ni Rain ng alalay kay Kiel kaya wala siyang nagawa.
Pumasok na ako sa kwarto ko. After 30 minutes narinig kong nakabalik na sila Vince pero 'di na ako lumabas. Naghintay sila ng ilang minuto pero sumuko rin kasi hindi talaga ako lumabas.
Alas siyete na ng umaga at nagising ako sa kalabit ni Nikki, nagpaalam na uuwi na raw siya para ituloy ang tulog niya sa bahay nila.
Tinamad na rin akong pumasok dahil late na rin naman ako. Kaya natulog nalang ako ulit.
Tanghali na nang magising ako, hinanap ko kaagad ang cellphone ko para sana i-check kung ano ang saktong oras. Tadtad pala ako ng tawag at text galing kay Vince.
Antok na antok pa ako ng mabasa ko ang huli niyang text. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagbasa ko ng text niya.
"Kung ayaw mong sumagot sa mga tawag at text ko. MAG-BREAK NALANG TAYO!!!"
Abangan ang part 5 hehe. -Greyzzz