Camping part IV

1 41
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Camping part 1, 2 and 3, visit the link below.

https://read.cash/@Greyzzz/camping-16ae8497

https://read.cash/@Greyzzz/camping-part-ii-a7de037f

https://read.cash/@Greyzzz/camping-part-iii-651a16d0


Mahimbing akong nakatulog kagabi kahit na nalulungkot ako sa nangyari kay Maui. Payapa at tahimik rin ang umaga. Ako pa lang yata ang gising sa kanila. Hinayaan ko nalang muna sila sa kanilang mga tent at ako naman ay nagtimpla nalang ng kape at umupo sa labas ng tent ko habang nag-iisip ng kung ano-ano.

Maya maya lang ay gising na si Jake at dumiretso kaagad sa cr. Naboboring ako ngayong araw, gusto ko ulit mag gala pero wala naman si Manong Toto para gabayan ako sa mga pupuntahan. Ayokong umalis mag-isa dahil baka maligaw ako. Pakiramdam ko ay masasayang ang lang ang araw ngayon at uuwi na rin kami bukas.

Pagbalik ni Jake ay niyaya ko siya na samahan ako maglibot sa lugar. Agad namang pumayag si Jake sa gusto ko dahil siya rin daw ay nabobored at ayaw niyang magsayang ng oras.

Bago umalis ay naligo muna kami sa ilog. Maya-maya lang ay dumating si Beigh na halatang bagong gising palang.

Nag-enjoy kami sa tubig tamang-tama lang ang tubig hindi mainit hindi rin gaanong malamig.

Habang nagtatampisaw kaming tatlo ay 'di namin maiwasang maglaro sa tubig. Nagku-kwentuhan rin kami ng kung ano-ano gaya ng mga nangyari sa aming lima noong high school pa lang kami.

"Tulog pa ba sila Apple at Alex?" Tanong ko kay Beigh.

"Oo yata, 'di ko na sinilip mga tent nila dahil akala ko nandito rin sila kasama niyo." Agad namang sagot ni Beigh.

"Siguradong tulog pa ang mga yun. Kasi kung wala sila sa mga tent nila, wala naman silang ibang pupuntahan kundi dito sa ilog." Litanya ni Jake. Sabagay may point si Jake.

"Hindi pa ba kayo tapos? Tara na sabay sabay na tayong bumalik at yayain rin natin sila mag-ikot kahit wala si Manong Toto. Sama ka rin Beigh ha." Sabi ko sa dalawang ulupong.

Umahon na rin sila at habang naglalakad kami pabalik ng tent ay nagpupunas pa kami ng mga basa naming buhok. Nag-uusap din kami kung ano ang kakainin namin bago umalis.

Pagkarating namin sa tent agad akong nagbihis para makapagluto na. Mabilis lang akong natapos sa pagluluto kaya agad kong tinawag ang mga kaibigan ko para sabay-sabay na kaming kumain. Agad namang lumabas sina Jake at Beigh.

Naisip kong silipin nalang si Apple dahil baka hanggang ngayin ay masama pa rin ang pakiramdam niya.

"Apple?" Ilang beses kong tawag sakanya. Naisipan kong buksan nalang ang tent niya.

Halos masuka ako sa nakita ko, hindi ako makapagsalita.

"Uy Sheena, di pa rin ba gising si Apple?" Tanong ni Jake. Hindi na ako nakasagot sa tanong niya.

Agad namang lumapit ang dalawa nang mapansin nilang 'di ako okay. Kapwa silang nagulat sa nakita, na halos masuka na rin sa itsura ni Apple.

May hiwa ang pisngi niya, halos luwa na rin ang mata. At may sugat siya sa leeg na parang ginilitan. Andami niya rin sugat sa mga braso niya. Halos 'di na namin makilala ang mukha ni Apple.

"NASAAN SI ALEX?!!!" sigaw ni Jake na nanlilisik na ang mata. Agad niyang binuksan ang tent ni Alex nang walang paalam. Balak pa sana naming pigilan si Jake pero nakita naming nanginginig sa takot si Alex. Nang walang ano ano ay kinaladkad ni Jake si Alex palabas ng tent niya.

"P*taaa ka Jake ano bang nasa isip mo?" Galit na tanong ni Beigh nang makita ang ginawa ni Jake kay Alex.

"Hindi pa ba kayo nagtataka ha? Kagabi pinalipas ko ang nangyari kay Maui! Ayoko mambintang pero malakas ang ebidensya na si Alex ang may kagagawan ng lahat!" Sagot ni Jake na galit na galit.

Pinagmamasdan ko lang sila dahil di pa nagsisink in sakin ang mga nangyayari.

"Hindi ako ang may gawa" Umiiyak na sagot ni Alex.

"Kung hindi ikaw paano mo ipapaliwanag saakin ang dahilan ng panginginig mo at yang mga dugo sa kamay mo! Ikaw lang din ang naiwang mag-isa kasama ni Apple dito. At alam nating lahat na malaki ang galit mo kay Apple!" Galit na galit na talaga si Jake.

"Ano ba pre? Mag-isip ka nga!" Mahinahon na sagot ni Beigh kay Jake.

"Wag kang makialam dito! Sumagot ka Alex!" -Jake

"Kaninang paggising ko wala kayong lahat kaya naisip kong tingnan ang tent ni Apple para na rin mag-sorry sa kanya sa nangyari kagabi. Itong mga dugo sa kamay ko oo dugo 'to ni Apple dahil sinubukan kong gisingin siya, umaasa akong mabuhay siya!"

"SINUNGALING!!!" Sigaw ni Jake.

"Kung 'di mo siya pinatay bakit 'di mo man lang naisipang tawagin kami at sabihin ang tungkol kay Apple? Bakit pinili mong magtago sa tent mo!" Mahina pero kada salita ay halatang may diin na pagkakasabi ni Jake.

"Tama na pre, 'di naman yata tamang pagbintangan mo kaibigan natin." Sagot ni Beigh.

"Siguro kasabwat ka ng kriminal na 'to kung kaya't ganoon mo na lang ipagtanggol si Alex." -Jake

"Aba'y gago ka pala eh!" Susuntukin na sana ni Beigh si Jake pero agad naman itong nakailag.

Nagpalitan ng suntok ang dalawa. Inawat ko na sila kahit gulong-gulo pa rin ako sa nangyayari.

"TAMA NA!!!" Sigaw ko pagkatapos kong awatin ang dalawa.

"Wala naman mangyayari kung magsisihan nalang tayo dito. Sa ngayon ay tumawag muna tayo ng police." Kalmado kong tugon.

Agad namang sumang-ayon si Jake.

Abangan ang susunod na bahagi. :*

9
$ 0.00
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Comments

Parang mejo nakakainis si jake 😂 sorry

$ 0.00
3 years ago