October 6, 2021
Katatapos ko lang panoorin ang Run BTS, isang Web series sa South Korea na ang cast ay ang pinasikat na Kpop Idol at International artist na BTS. Malamang nagawi na sila sa inyong mga social media feed kasi naman halos araw-araw may usapan tungkol sa kanila.
Sila nga pala ang BTS. Ayan ang picture nila, ni layout ko na lang. Galing ito sa YouTube at nag screenshot lang ako.
Isa nga pala akong silent Army. Army ang tawag sa mga fans NG BTS. Ang pangalan BTS pala ay nangangahulugan na Bangtan Sonyeondam or Bulletproof boyscout. Nag simula sila sa Kpop year 2013. Ang dami na nila narating.
Ang mga kanta na pinasikat sila ay Dynamite, Life Goes On, Butter, Permission to dance at ang pinaka bago ay ang collaboration nila kasama ang bandang Cold Play na My Universe. Nagiging active na naman ako sa support sa kanila kasi sunod sunod ang mga bagong kanta nila. Pero normally, silent army lang ako na nanunuod NG Run BTS, concert, guesting, performance,award nights performances, at In the Soop. Mahilig ako manuod NG mga Behind the scene nila kasi dun ko sila mas nakikilala.
Pero napaka haba na ng introduction ko hahaha. Ang gusto ko lang naman na I-share sa inyo na, Alam ko na yun mga kanta nila noon pa at saulo ko na din, pero may isang kanta pala silang nababagay sa nararamdaman ko minsan.
Eto yun video nun kanta. Pasensya na at Korean kasi sila kaya malamang Di nyo maiintindihan, pero maganda ang melody nito. Magugustuhan nyo Kung papakinggan nyo NG ilang beses. At yun nasa video ay ang BTS pala, para ma kilala mo Din sila.
Ano ba ang story NG kantang Zero O'Clock?
Aksidente NG makita ko ang video at meron itong English subtitle. Habang pinapanuod ko ito, sinasabayan ko kasi nga memorize ko na. Napansin ko yun story sa subtitle.
Di ko akalain na tungkol pala ito sa bahagi NG buhay natin na minsan bigla na lang tayo nalulungkot, at gusto natin umiyak. Pag may nag tanong Kung bakit tayo umiiyak, wala naman tayo masagot. Basta wala lang, nararamdaman lang natin kailangan natin umiyak. Pati yun lungkot na nararamdaman natin, Di natin maipaliwanag.
Ramdam natin na mabigat ang dibdib natin at kailangan natin ilabas lahat para gumaan. Pag ka tapos natin umiyak maginhawa na ulet ang pakiramdam. Pagkatapos NG pag iyak, magiging masaya naman tayo. Ang pangyayari na ito ay mauulit ulet, pero Di natin Alam Kung bakit na naman natin naramdaman. Maaring sa pag sasama sama NG mga negatibong bagay na dumating satin, disappointed tayo, demotivated, at may discouragement. Na iipon sa ating puso at damdamin at may oras na iiyak tayo para mawala ito sa sistema natin.
Yan ang story NG kantang Zero O'Clock. Madalas mangyari sakin ito. Sa kadalasan nga parang nagiging buwan buwan umiiyak ako sa kawalan. Na frustrate ako sa buhay. Iniiyak ko lang, kinabukasan matapang at handa na naman akong lumaban. Alam ko kayo rin may ganyan nararamdaman. Halos lahat NG tao dumadaan dyan. Pinapatapang tayo NG panahon kaya daanan lang natin yan, wag natin tatambayan.
Actually, marami pang magagandang kanta ang BTS. Paborito ko din ang Life Goes On, ang kanta tungkol sa nararanasan natin challenge sa gitna NG pandemya. Ang Permission to Dance ay pagiging hopeful na makakalaya tayo sa pandemya. At ang pinaka paborito ko ay ang kantang Spring Days. Ang kantang Spring Days ay ginawa NG BTS para sa mga nasawing esdyante na nakasakay sa Sewol Ferry noong 2014. Tumaob ang ferry dahil overloaded ang nakasakay at nasawi lahat NG estudyanteng sakay nito. Ang kantang Spring Days ay tungkol sa longiness sa past events and losing someone. Kukuwento ko pa maigi ang Spring Days sa inyo sa future post ko.
Nakakamiss si Rusty. Sana bumalik na siya, Di na ko galit!!!
Images: YouTube Screenshot, BTS Channel, I did the layout.
I'm not a BTS fan but I do love their songs so much eventhough di ko gets haha