read.cash Log in

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Joined 8 September 2022 · 794 posts

A mom, a content creator and an introverted person with a soft heart 💖

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Gabi gabi nalang talaga nagbubunganga itong kapitbahay namin. Actually yung bahay nila ay nasa kabila, I mean isang bahay pa ang pagitan bago bahay namin. Pero maniwala kayo't sa hindi, dinig na dinig ko yung mga sinasabi nya. Nung isang gabi siguro naiirita siya sa binata nyang anak dahil habang abala siya sa pag sasalansan ng mga sinampay nila ay siguro may kausap sa telepono itong anak nya at siguro din(kasi hindi ko naman nakikita) yung kausap ng anak nyang binata ay jowa nya at tinatanong siya kung kumain na ba siya at ang sagot nitong si binata ay hindi pa dahil wala siyang gana. Kaya ang sabi nitong si kapitbahay ay "maypawalang gana gana ka pang nalalaman jan, puro kayo cellphone, bakit hindi nalang kayo magsipag asawa ng malaman nyo anong hirap ng buhay, hindi din naman kayo mapakinabangan dito sa bahay". Tapos ngayong gabi naman ay parang nagtatapon na ng gamit, at naririnig ko naman yung kinagagalit nya ay ang assignment na hindi pa nagagawa. . Hindi ko naman sinasadyang mapakinggan mga sinasabi nya, kaso ang lakas lang talaga. At sa naririnig ko ay hindi ko siya masisi. Kasi ganyan naman yung mga anak ko, matatanda na tapos di manlang kumikilos sa bahay pati assignment kailangan pang ipaalala na gawin, aba'y sasabog din talaga ako sa galit. Lalo na kung pagod din ako sa trabaho. Kaya hindi ko talaga masasabi na yung pagiging bungangera ng ina ay walang dahilan, dahil hindi yan magbubunganga dahil sa gusto nya lang. May dahilan talaga yan. Kaya sa mga anak jan, maging sensitive naman kayo. Gawin nyo yung mga kailangan ninyong gawin na hindi na kayo kailangan bungangaan pa. Yun Lang, at pasensya na. Hahahaha

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Independency doesn't mean you don't need help. It doesn't mean you must do everything alone. It doesn't mean you must not struggle. It doesn't mean you have to be strong and you have to be brave all the time despite of being alone. Remember you're a human with weaknesses and flaws. Independency means you have to be wise, and smart. Independency means freedom. #GoodEvening

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Mabuti nalang at allergy lang, kaya niresitahan lang kami ng antihistamine at sabon para hindi ma trigger yung butlig. Hindi na ako mag aalala ng sobra. Nakakapraning kasi mag isip ng mag isip, kaya di ko na pinatagal pa at dinala ko na talaga siya sa pedia kanina. Allergy lang daw yun dahil wala namang lagnat.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello noisemates, so ayun, napagdesisyonan kong dalhin nalang siya sa pedia kasi parang lumalala butlig nya. Hindi na din siya makatulog ng maayos dahil panay kamot nalang ginagawa nya. Gastos na naman, pero ayaw ko namang nakikita siya ganyan. Namumula na din pisngi nya kakakamot. Mabuti nalang ay meron akong mawiwithdraw sa Binance yun na muna gamitin ko sa lakad namin ngayon.. Anyway mag asekaso muna ako mga kaingay, maya ko balikan. Alis din muna kami.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello noisemates, kakahiga ko lang dahil kakatapos ko lang din maglaba. Sana bukas ay umaraw ng matuyo yung mga nilabhan ko at hindi mangamoy kulob. Nakadowny naman pero kapag masyado ng matagal na nakahanger ay nangangamoy din. Gusto ko nga sanang ilabas para mahanginan kaso nag aalangan ako dahil may mga tambay sa labas. Hindi ako komportable magbukas ng pinto kapag may mga tambay. Hindi naman sa pagiging judgemental, mahirap kasing magpakampante sa lugar na wala kang kakilala. Kaya hindi talaga ako basta basta nagbubukas ng pinto lalo na kapag gabi. Sa CR ko nalang muna hinanger bukas ng umaga ko nalang ilalabas. Ay siya ako'y matutulog na mga kaingay, pero mamimigay muna ako. Hehehe

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Today the rain didn't stop from pouring, wet season had literally started. I did my laundry but haven't finished it yet, I'll be going to finish it later before I go to bed. Anyway I have seen this grasshopper resting. I think it can't leave since it's keep on raining outside so after I took a photo I just leave it there. So how's your day anyway guy's?

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hindi pa ako tapos sa paglalaba, napatigil lang ako dahil biglang umiyak ang anak ko. Jusko napakalikot naman kasi binuksan ko yung TV para malibang siya, aba'y hindi pala nanunuod, umakyat pala sa may box at ayun nahulog. Mabuti nalang at mababa lang yung box, at hindi nabukolan. Hindi ko kasi siya hinayaan na estorbohin ako sa paglalaba kasi malamig baka magkasipon kakalaro sa tubig at yung mga butlig nya baka mapasama kaya pinapanuod ko nalang ng TV. Pero hindi naman pala nanunuod kaya ito, sinamahan ko na munang manuod. Mamayang gabi ko nalang tataposin yun, maaga naman to natutulog. 7:30 tulog na to. Anyway nakapagmeryenda na ba kayo ka noise? Ako kape lang, malamig kasi masarap magkape.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Magandang umaga noisemates, kumusta ang umaga nyo? Sakin ay hindi okay. Sobrang sakit ng ngipin ko kahapon at ngayon paggising ko namamaga na kalahati ng pisngi ko. Nagmukha na akong alien, hahahahha. Plus yung anak ko hindi nakatulog ng maayos kagabi dahil nangangati sya sa rashes nya. Kaya sobrang puyat. Hindi pa din ako nakakapag almusal dahil hindi pa ako nakakalabas para bumili ng ulam dahil umuulan, hindi ko naman pwedeng bitbitin to baka mamaya magkasakit pa, dagdag na naman sa problema. Ang hirap pala ng nag iisa ka sa bahay, pagkaganitong sitwasyon wala kang maasahan.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Oo nga pala, gabi na. Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako naliligo ngayong araw. Jusmiyo marimar. Mabuti nalang at hindi pa ako nangangamoy panis, kaya keri pa. Bukas nalang ako maliligo. Malamig kasi kaya nakalimutan ko, este tinamad akong maligo. Hahahaha..half bath nalang muna ako. Bala kayo jan. Hahahahha

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello noisemates kumusta po ang buong araw nyo ng lunes? Sa akin ay ganun pa din, walang pagbabago kasi nasa bahay lang kami buong maghapon at maulan pa. Anyway, kaninang umaga ay napansin kong may ganito sa noo ng anak ko at meron din sa pisngi nya. Hindi ko alam kung ano yan, hindi ko naman masasabi na bungang araw dahil hindi naman siya mapula. Pinakita ko yan sa byenan ko at ang sabi ay baka daw butlig sa hangin. Hayyy sana ay hindi na lumala, sana mawala agad. Kaninang umaga lang yan, kahapon ay wala talaga yan. Kaya nag alala agad ako.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Malakas ang ulan sa labas kaya naman nagmovie marathon na muna kami ng anak ko. The car's pinapanuod namin, pero anak ko lang naman nag eenjoy ang gusto ko kasi sanang panoorin kdrama kaso mabobored naman to Kaya cartoons nalang. Hehehe Gawa nyo kaingay?

@Garrethgrey07OnNoiseApp

And it's currently raining outside. Yesterday the weather is hot, and now it's the opposite. With this kind of weather I really felt lazy. Hahahaha. Anyway how's your Monday guy's?

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Ano na naman kaya nangyari sa market at biglang bumulusok na naman siya. haaaaaayyyy kung alam ko lang eh di sana hindi na muna ko ng buy kahapon, kaso mukha naman siyang stable kahapon pero ewan may balat ata ako sa pwet na kapag nabili ako nagcacrash yung market, hahahahaha bweset na yan. Hahahahaha Anyway anong ulam natin jan mga kanoise?

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello mga kaingay, gising na ba kayo? Nagising ako ng 3:30 dahil nagising anak ko, tapos naalala kong hindi ko pa pala napapublish yung article ko kagabi kaya naman tinapos ko muna kaya hanggang ngayon ay ito dilat pa ang aking mata, hahahaha. Nagbasa na din ako ng article at nakapag basa ako ng tatlo. Mamaya na naman dahil parang hinihila na naman mata ko. Umuulan pala dito noisemates kaya nakakaantok ulit, hahahaha Tutulog ulit ako, maya nalang noisemates.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Magandang gabi po sa lahat, grabeh gabi na naman, kakain na naman tayo tapos since nagbablog ako, magsusulat muna bago matutulog. Tapos gigising ulit bukas, magnonoise, magbabasa ng articles, magluluto, kakain, magpapaligo ng anak, magpapatulog, kakain ulit, magbabantay sa anak. Ganun lageh ang daily routine ng bahay ko. Umiikot sa pagiging nanay, at pagiging raketera sa online. Minsan nakakabagot, minsan nakakasawa. Pero dahil sa mahirap lang tayo, hindi tayo pwedeng magreklamo dahil kapag tumigil tayo, mas lalo tayong maghihirap. Kaya push lang ng push, baka sa dulo may himala. So ayun wala na akong sasabihin, actually itatanong ko lang naman kung ano ulam nyo, pero ewan at napadami ako ng sabi. Hahahaha. Sorna.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Nakakabagot ang araw na to, hahahah parang nakakaantok yung sobrang init pero hindi ka naman makatulog kasi ang init. Tapos yung utak ko napakaproductive ang daming iniisip. Hahahahah. Itong anak ko nga, isang oras lang na natulog dahil sa init. Tapos ayan nuod muna siya sa paborito nyang palabas. Maya maya siguro pag sinipag ako labas kami.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Limang articles yung nabasa ko na, so bali mamaya naman ulit dahil ang sakit sa mata na. Hehehehe ang bilis ng oras, magtatanghalian na naman. Anu ulam natin jan mga kanoise? Ako hindi ko alam kung kakain ba ako o magmeryenda nalang mamaya, medyo busog pa din naman ako. Mga 9 a.m na din kasi ako nag almusal dahil alas otso na ako bumangon kanina. Sobrang init ng panahon ngayon, grabeh ang sakit sa balat.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Isa din ito sa mga hindi ko nagawa kagabi dahil nakatulog talaga ako, hahahaha. Kahapon buong maghapon ay piling user lang ang binibigyan ko. Sa tingin ko ay limang user lang nabigyan ko kahapon, kasi gusto ko ay lumaki siya. At ayun nga buong maghapon ay umabot siya ng ganyan kalaki, kaya sabi ko kagabi e distribute ko siya bago ako matulog. Ibalik ko yung mga binigay sakin, total kakaunti lang naman sila dahil siguro napansin nilang hindi ako nagbibigay kaya hindi din nila ako binibigyan hahahaha okay lang naman yun sakin walang problema yun. Kaya kaninang madaling araw, nung nagising ako ng mga 2:30 ay nagbigay na ako. Kaya mag ipon ulit ako ngayong maghapon. Anyway Happy Blessed Sunday mga kaingay. Ingat ang lahat.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

So ayun na nga mga kaingay, dapat sana before ako matulog ay magpapublish ako ng article ko kaso pagkatapos kong magsulat ay nakatulog agad ako. Suppose mag eedit pa ako ng display photo ko pero wala na, hindi ko na nagawa dahil nakatulog talaga ako agad. Hahahaha napagod ang utak, kaya mag edit ako ngayon para maipublish ko na article ko. Anyway good sa mga gising na at good night sa mga patulog pa lang sweet dreams.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Happy yarn?? So ayan mga kaingay, share ko sa inyo yung hitsura ng anak ko nung nakatakas siya sakin kanina. Pansinin nyo din yung tsinelas nya, hahahaha Actually nilalabas ko naman siya, araw araw, as in araw araw talaga yan. Pero dahil nga sa layas tong batang to, pag nakikita nyang bukas yung pinto, suot agad ng tsinelas yan at takbo. Pagnahuhuli, ayan nagpapacute para lang hindi siya papasokin ng bahay. Lol Kumusta mga kaingay nakapag luto na ba?

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Pareho na kaming nababagot dito sa bahay, kaya naman kapag hindi umulan hanggang mamaya au ipapasyal ko siya dun sa bayan. Ilang linggo na din kaming hindi nakakagala, dahil sa laging naulan at wala kaming pera. Actually wala din naman kaming pera ngayon, pero nakakabaliw na kasi yung lageh nalang kami andto sa loob ng village namin. Wala ng ibang makita kundi mga bahay, nakakabagot na. Wag nyo ng pansinin damit nya, actually tahi lang yan ng mommyla nya. May bulaklak pero nahihiya naman ako na hindi tanggapin, kaya kahit boy siya may bulaklak damit nya. Hahahaha okay lang naman siguro yan kasi andito lang naman kami sa bahay, binibihisan ko naman siya kapag kami nalabas. Hehehe maya kami aalis, sobrang init pa kasi.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello mga kaingay, grabeh sobrang init dito samin. Kaya naman maaga kong sinampay mga nilabhan ko kahapon. Sana lang matuyo lahat. At ito na nga habang nagsasabit ako ng mga hanger ay may bigla namang dumapo na tutubi sa isa kong hanger at hindi talaga siya nalipag kahit nanjan ako malapit sa kanya. Hehehe naalala ko lang nung bata pa ako madalas nanghuhuli kami ng tutubi sa damuhan. Tapos tinatalian namin at pinapalipad. Ngayon narealise ko na mali pala ginawa namin noon, kasi kawawa pala sila. Pero bata pa kami noon eh, ang alam lang namin maglaro. Anyway kumusta po sabado natin jan mga kaingay?

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello noisemates kumusta? Hapon na naman po, napakabilis talaga ng oras noh? Kapag wala kang ginagawa pero madami kang iniisip hindi mo talaga namamalayan ang oras. Pero actually, naglalaba talaga ako ngayon. Umupo lang ako saglit dahil pinalitan ko ng damit ang anak ko, sobrang basa kasi. As usual kapag may toddler ka, asahan mong hindi ka makakapag laba ng walang makikisali, lalo na kung wala kang ibang kasama sa bahay. hahahaha O siya taposin ko muna ng maisampay na. Meryenda na kayo jan mga kaingay.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Masasabi kong napakaswerte ko sa byenan ko. Oo hindi siya perpekto. May pangit din siyang ugali, pero sino ba naman kasi ang perpekto dito sa mundo diba? Wala naman, kaya nagpapasalamat ako na mabait naging byenan ko. Well actually hindi ko pa naman siya legal na byenan kasi nga hindi pa naman kami kasal ng anak nya. Anyway nagmsg siya sakin kasi alam nyang wala akong pera pero sa awa ng DIYOS, at sa tulong ni BCH may pangkain ako. Hehehe wala pa kasi sahod si partner kaya earnings ko na muna panggastos ko ngayon.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

So goodnight everyone. It's time for us to take some as we still have tomorrow to faced. I wish your day was good and productive and I wish right now you're already relaxing with your love ones. Good night and have a sweet dreams.

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello mga kaingay, at ito na nga po hapon na naman po. Bakit kaya ang bilis ng oras kapag wala kang ginagawa? Hehehe Anyway ito naman po ang aking photography. Actually minsan kapag nadadaanan ako ng mga kapitbahay namin habang kumukuha ng litrato ng bulaklak or ng raindrops parang nagtataka sila, hahahahaha parang sa isip nila, bakit kaya kinukuhanan nya ng litrato pati tubig ulan? Hahahaha eh hindi naman kasi makakarelate kasi hindi naman sila sumasali sa blogging at noisecash. Kaya bahala sila magtaka. Hahahaha

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello mga kaingay, kumusta po kayo? Nakakain na po ba ng tanghalian? Ako ay hindi pa, inaantok kasi talaga ako kaya hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakakain. Kaso sa dami ng iniisip ko hindi ako makatulog. Nakapikit lang ako pero gising na gising naman ang aking diwa. Haaaaaayyyy

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Throwback Thursday!! Wala lang namiss ko lang si partner kaya kami na muna. Charrrr Ito yung mga panahon na wala pa kami masyadong away, wala pa kami masyadong stress. Kaya mukha pa kaming mga fresh, but as the years go by, things had changed. Palagi na kaming nag aaway at yung stress namin patong patong na. Hahahahaha kaya tumanda kami ng mga ten years. Ayy hindi ako lang pala. Pero okay lang ang important hanggang ngayon ay okay pa naman kami, lumalaban at patuloy na kumakapit sa kabila ng mga hamon sa buhay. #ThursdayThoughts #ThrowbackPhoto #ownPhoto

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello! Is it me your looking for? Charr, hahaha Anyways, I just remember that I still haven't posted anything here and up until now I still haven't grow my account. Hmmmm it's a little scary that I am being left behind. Lol So wazz up guy's? How's you doing?

@Garrethgrey07OnNoiseApp

Parang hihikain na ako sa sobrang baba ng market, hahahahha. Ano ba kasi self, wag ka na kasing sumilip dun, masasaktan ka lang hindi ka mahal nun. Mag shopee ka nalang kahit wala kang pera, hahahaha . Hayyy naku hindi ko din alam bakit hindi pa ako natutulog eh wala naman akong hinihintay, lol. Cgeh na nga matutulog na ako mga kaingay. Bukas ulit, sweet dreams.