read.cash Log in
@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello noisemates kumusta po ang buong araw nyo ng lunes? Sa akin ay ganun pa din, walang pagbabago kasi nasa bahay lang kami buong maghapon at maulan pa. Anyway, kaninang umaga ay napansin kong may ganito sa noo ng anak ko at meron din sa pisngi nya. Hindi ko alam kung ano yan, hindi ko naman masasabi na bungang araw dahil hindi naman siya mapula. Pinakita ko yan sa byenan ko at ang sabi ay baka daw butlig sa hangin. Hayyy sana ay hindi na lumala, sana mawala agad. Kaninang umaga lang yan, kahapon ay wala talaga yan. Kaya nag alala agad ako.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.