read.cash Log in
@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello noisemates, kakahiga ko lang dahil kakatapos ko lang din maglaba. Sana bukas ay umaraw ng matuyo yung mga nilabhan ko at hindi mangamoy kulob. Nakadowny naman pero kapag masyado ng matagal na nakahanger ay nangangamoy din. Gusto ko nga sanang ilabas para mahanginan kaso nag aalangan ako dahil may mga tambay sa labas. Hindi ako komportable magbukas ng pinto kapag may mga tambay. Hindi naman sa pagiging judgemental, mahirap kasing magpakampante sa lugar na wala kang kakilala. Kaya hindi talaga ako basta basta nagbubukas ng pinto lalo na kapag gabi. Sa CR ko nalang muna hinanger bukas ng umaga ko nalang ilalabas. Ay siya ako'y matutulog na mga kaingay, pero mamimigay muna ako. Hehehe

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.