Gabi gabi nalang talaga nagbubunganga itong kapitbahay namin. Actually yung bahay nila ay nasa kabila, I mean isang bahay pa ang pagitan bago bahay namin. Pero maniwala kayo't sa hindi, dinig na dinig ko yung mga sinasabi nya. Nung isang gabi siguro naiirita siya sa binata nyang anak dahil habang abala siya sa pag sasalansan ng mga sinampay nila ay siguro may kausap sa telepono itong anak nya at siguro din(kasi hindi ko naman nakikita) yung kausap ng anak nyang binata ay jowa nya at tinatanong siya kung kumain na ba siya at ang sagot nitong si binata ay hindi pa dahil wala siyang gana. Kaya ang sabi nitong si kapitbahay ay "maypawalang gana gana ka pang nalalaman jan, puro kayo cellphone, bakit hindi nalang kayo magsipag asawa ng malaman nyo anong hirap ng buhay, hindi din naman kayo mapakinabangan dito sa bahay". Tapos ngayong gabi naman ay parang nagtatapon na ng gamit, at naririnig ko naman yung kinagagalit nya ay ang assignment na hindi pa nagagawa. . Hindi ko naman sinasadyang mapakinggan mga sinasabi nya, kaso ang lakas lang talaga. At sa naririnig ko ay hindi ko siya masisi. Kasi ganyan naman yung mga anak ko, matatanda na tapos di manlang kumikilos sa bahay pati assignment kailangan pang ipaalala na gawin, aba'y sasabog din talaga ako sa galit. Lalo na kung pagod din ako sa trabaho. Kaya hindi ko talaga masasabi na yung pagiging bungangera ng ina ay walang dahilan, dahil hindi yan magbubunganga dahil sa gusto nya lang. May dahilan talaga yan. Kaya sa mga anak jan, maging sensitive naman kayo. Gawin nyo yung mga kailangan ninyong gawin na hindi na kayo kailangan bungangaan pa. Yun Lang, at pasensya na. Hahahaha
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Siguro kung ganyan ang biyenan kung babae may alam siguro sa mga gawaing bahay itong mga kapatid ng asawa ko pero sobrang bait niya kasi at iniispoiled mga anak kaya kahit ngayon na matanda na siya parin ang kumikilos sa lahat ng gawaing bahay. Totoo talaga sis may dahilan bakit tayong mga nanay nagtatalak kapag stress kana tapos hindi pa kumikilos mga anak kailangan pang utusan maiinis talaga.
Nako, sobrang thankful ako at never ko narinig magbunganga si mama😅 di rin kasi kamibulakbol, siguro yung bunso pasaway pero di naman ganun. Kaya lang sana medyo iminimize man lang niya po boses niya. Feeling ko pati kayo namomoblema na hehehe. Gandang gabi po🌻