read.cash Log in
@Garrethgrey07OnNoiseApp

Hello mga kaingay, grabeh sobrang init dito samin. Kaya naman maaga kong sinampay mga nilabhan ko kahapon. Sana lang matuyo lahat. At ito na nga habang nagsasabit ako ng mga hanger ay may bigla namang dumapo na tutubi sa isa kong hanger at hindi talaga siya nalipag kahit nanjan ako malapit sa kanya. Hehehe naalala ko lang nung bata pa ako madalas nanghuhuli kami ng tutubi sa damuhan. Tapos tinatalian namin at pinapalipad. Ngayon narealise ko na mali pala ginawa namin noon, kasi kawawa pala sila. Pero bata pa kami noon eh, ang alam lang namin maglaro. Anyway kumusta po sabado natin jan mga kaingay?

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.