Magandang gabi po sa lahat, grabeh gabi na naman, kakain na naman tayo tapos since nagbablog ako, magsusulat muna bago matutulog. Tapos gigising ulit bukas, magnonoise, magbabasa ng articles, magluluto, kakain, magpapaligo ng anak, magpapatulog, kakain ulit, magbabantay sa anak. Ganun lageh ang daily routine ng bahay ko. Umiikot sa pagiging nanay, at pagiging raketera sa online. Minsan nakakabagot, minsan nakakasawa. Pero dahil sa mahirap lang tayo, hindi tayo pwedeng magreklamo dahil kapag tumigil tayo, mas lalo tayong maghihirap. Kaya push lang ng push, baka sa dulo may himala. So ayun wala na akong sasabihin, actually itatanong ko lang naman kung ano ulam nyo, pero ewan at napadami ako ng sabi. Hahahaha. Sorna.
No comments yet