Isa din ito sa mga hindi ko nagawa kagabi dahil nakatulog talaga ako, hahahaha. Kahapon buong maghapon ay piling user lang ang binibigyan ko. Sa tingin ko ay limang user lang nabigyan ko kahapon, kasi gusto ko ay lumaki siya. At ayun nga buong maghapon ay umabot siya ng ganyan kalaki, kaya sabi ko kagabi e distribute ko siya bago ako matulog. Ibalik ko yung mga binigay sakin, total kakaunti lang naman sila dahil siguro napansin nilang hindi ako nagbibigay kaya hindi din nila ako binibigyan hahahaha okay lang naman yun sakin walang problema yun. Kaya kaninang madaling araw, nung nagising ako ng mga 2:30 ay nagbigay na ako. Kaya mag ipon ulit ako ngayong maghapon. Anyway Happy Blessed Sunday mga kaingay. Ingat ang lahat.
No comments yet