Nung una akala ko hindi ako magkakaanak kasi ilang years na kami ng boyfriend ko siguro mga 12years i think nakalimutan kuna basta . Last 2019 nagwork ako as a cashier sa isang restuar.ktv at night shift ako kasi bagong open na branch nila yun nag observe pa sila if madami bang tao bago sila mag open ng pang umaga hanggang sa dumating yung time na naninibago ang mga katrabaho ko kasi lage ako inuubo at sinisipon at suka ng suka at ako naman wala lang ako paki kasi nga akala ko talaga hindi ako mabubuntis at irreg.pa mens.ko last March 31,2019 birthday ng asawa ng pinsan ko nag absent ako sa work ko sympre paalam ko masakit tiyan ko at sympre nag pa check ako kasi need ang medical cert.khit kaya ako umabsent kasi may bday, pagka check up sakin sinabihan lang ako ng doctor na mag pa urine test at pregnancy test ako naman hindi ako nagpatest kasi ang need ko lang naman is medical cert.bumili nalang ako ng pregnancy test pagdating sa bahay nkipag gala pa ako sa boyfriend ko pumunta kami dun sa bahay ng pinsan ko pgka 12am angsakit ng puson ko na sobrang bigat ng pakiramdam ko na para bang may lalabas nagpabili ako ng beer sa boyfriend ko sa 7/11 pagdating niya iinom na sana ako kaso naisip ko may binili pala akong pt so nag pt muna ako bago sana ako uminom pagka pt ko nag dalawang guhit syempre hindi ako naniwala agad kasi ang akala ko hindi ako mabubuntis so kinaumagahan nagpabili ako ng 4 na pt at ginamit ko lahat at yun positive lahat pati mga family ko ayaw maniwala pati ako so nagpacheck up ako at nagpaultrasound yun totoo nga na buntis ako mga ilang araw nararamdamn kuna yung morning sickness parang diko kaya suka ng suka,mas gustuhin ko pa di kumain ng kung ano ano basta dami ko mga naranasan nung naglilihi ako .October 31 at yun lumabas nadin ang baby boy ko via cs, cs ako kasi breech siya at may cord sa leeg niya . Masakit pala ang cs unang higa ko palang parang ayaw kuna manganak ansakit sa likod tas yung inject sa likod sobrang sakit. Yun na yun at ngayon na stress ako kasi feel ko diko nagagampanan ang pagiging ina panay iyak siya pag ako may hawak sa kanya mas gusto niya pa papa niya. Naiiyak ako minsan kasi parang feel ko ayaw ng baby ko sakin diko alam bakit. Mas gusto niya pa ibang tao kaysa sakin . Na dedepressed ako kakaisip . Yun lang sana walang judgemental. Hehehehe sorry sa post ko parang paikot ikot lang. Sorry hindi kasi ako marunong yung direct to the point. Sorry. Godbless and take care always.
Ang hirap po pala maging mommny hehe, ako po kasi magiging mommy na next month at sobrang excited po ako sa paglabas ng baby boy ko. Mas excited oa nga po ang daddy at lola niya hehe. Sana po hindi ako mahirapan sa paglabas ni baby, sana gabayan ako ni papa god