Kawalan Nang Paksa π€· Minsan talaga dumarating tayo sa puntong walang wala na, wala nang paksa na maisip. Ay meron pala pero di mo kayang panindigan, parang EX mo lang na pinaibig ka sa una pero sa huli iniwan ka rin pala at pinagpalit sa iba. Danas ko na ito, yung medjo nasa kalahati ka na pero di mo ma arok ang dulo, ang dulo nang iyong artikulo. Wag kang mag isip nang kung ano ano, artikulo lang ang aking punto.
Minsan pigang piga na ang ating utak, pero walang lumalabas kasi naubos na ang katas. Katas nang lawak nang iyong pag-iisip, di yung katas nang iyong ano. Pero pag nakatapos ka nang isang artikulo, ang tuwa ay sadyang parang unang **βfirst bloodβ** mo kasi syempre may mailathala ka na at mag aantay ka na lang kung patok ba ito kay **βrustyβ** ang kaibigan mong maliit, pero malaki ang ano, yung tip nya pag gusto nya ang iyong inilathala.
Ano nga ba ang mga dahilan bakit tayo ay walang maisulat minsan? Maraming dahilan kung bakit tayo ay iniwan, isti walang maisulat minsan dahil masyado nating pinapagod ang ating sarili. Nakalimutan na natin magpakasaya at masyado tayong nakapukos pano kumita. Enjoy enjoy din bes ha? Walang inspirasyon Sa buhay natin sa mundong ibabaw kailangan talaga natin nang inspirasyon, yun ang mag tutulak sayo papunta sa kanya, isti para ikaw ay magpatuloy na magsusumikap. Ang pagsusumikap natin sa lahat nang ating ginagawa ay bunga nang inyong pagmamahalan, ay di pala bunga nang mga inspirasyones natin sa buhay. Kaya ito ay mahalaga upang mapanatili ang nag-aalab na pagnanais sa kanya, isti na makapagsulat. Pinagod mo ang iyong sarili Wag mo kasing pagurin ang iyong sarili, magtira nang lakas para sa ibang bagay. Mahirap magsulat kapag ikaw ay pagod lalo na ang iyong utak, kasi di yan makapagbigay nang tamang detalye na naaayon sa iyong artikulo. Magpahinga ka din pag may time, βcheat dayβ kumbaga. Tinatawag ko itong cheat day kasi niloloko ka lang nya, habang ikaw naman ay asang asa. Pwera biro, cheat day para magpahinga. Mahirap kasi pag lagi kang pagod, di gumagana nang maayos ang iyong kaawa awang utak. Kulang sa determinasyon Ang determinasyon ay parang krudo na siyang magpapatakbo sa makina, makina nang iyong utak. Kung ikaw ay kulang sa determinasyon, mahirapan kang magpatuloy sa iyong nasimulan. Maraming dahilan kung bakit dapat natin kailangan magkaroon nang matibay na determinasyon, dahil hindi araw araw pasko. Minsan may mga araw na olats tayo, wala tayong natatanggap na biyaya kaya minsan nakakapanghina pero kung ikaw ay determinado, kahit may mga pagsubok kayang kaya mo itong lampasan. Tulad nang iyong pagsusulat kailangan mo nang determinasyon para matapos ang iyong nasimulan na artikulo. Kulang ka sa layunin Ang layunin ay mahalaga, kung wala kang layunin ano pat nandito ka? Ano ang iyong layunin bakit ikaw ay nagsusulat? Kailangan mo magkaroon nang layunin sa buhay upang iyong maisaayos ang mga bagay bagay. Sa pagsusulat minsan ang iba may layunin na magkapagsulat nang isang artikulo kada isang araw, yung iba nmn ay tatlo o higit pa sa isang linggo. Mahalaga na may layunin din tayo para mas lalo tayong magpursigi upang makamatin mo ang matamis na oo, isti ang minimithi mong tagumpay. Want to read this in English? Just click that globe button near the EXC badge.
Pangwakas na pahayag Yan ay ilan lamang sa mga nakikita kung dahilan kung bakit minsan tayo ay nawawalan nang maisulat or minsan tinatamad tayo magsulat. Pero parang pakiramdam ko sinulat ko na ito sa English inulit ko lang ata yung iba eh? π Pagpasensyahan nyo na, gusto ko talaga dapat free style lang tong artikulo na ito pero di ko alam bakit ganito na naman ang kinalabasan. Bahala kayo magbasa dyan. Bye!
53 comments
Mad nosebleed tlga ako sa tagalog madam π€£ Infairness may halong ano.. nakalatuwa.. haha.. Pagkatapus mailathala ang isang artikulo.. sasakit na naman ang ating ulo sa kakaisip ng isusunod na isusulat... lol
Hahahaha kaya nga eh mas nosebleed minsan napunta pa ako sa Google translate ππ€¦ Ayun na nga mag.iisip na naman nang ibang isulat hahaha
Ano b yung arok? π€£
Depth in Engling.. haha di mo maabot ang lalim π
Kaya naman pala di ako makausad sa sinusulat ko ngayon kasi kulang sa determinasyon. π
Hahaha baka nga dahil dyan π
Oo π₯Ίπ need ng inspiration char! By the way, magandang araw sa inyo dyan.
Ganyang ganyan ako madalas. Walang inspirasyon sa pagsusulat kaya bihira ako magsulat. At kulang sa layunin. Hindi kasi ako goal oriented person eh.. kya kung ano lang kaya ko dun lang ako. Pero paunti unti binabago ko na yan kasi naisip ko, pano ako uusad sa hirap ng buhay kung wala akong goals. Kaya eto, unti unti ng iipon ng konting pera, konting bch at nag dadraft ng kung ano ano baka sakali someday eh matapos ko. π π βΊοΈβΊοΈπ₯΄π΅π₯΄
Yes, go for the goal tayo ba haha. Maganda din kasi may mga maliliit tayong goals nakaka satisfy pag na achieve natin
True din naman talaga.. lets start small kumbaga and unti unti lumalaki goals natin. Hehehe
Galing nyo po pala magtagalog. I had fun reading it, it's funny :)
Thank you miss Hart π
Iba din pag tagalog lahat...nakaka mangha ...ako nahihirapan minsan sa pag intindi hehehe...galing mo po maam.. God Bless!! Ma try nga rin...sana meron ding puro cebuano lang noh..para ma sulat ko din lenggwahe ko hehe
Pwde ka magsulat kahit anong language yun nga lang limited lang ang audience mo kaya mas better talaga to write in english
yun nga rin eh...
Kapag nawawalan po ako ng maittopicang ginagawa ko po is nagsusulat parin tapos parang automatic na may papasok sa aking topic, kaya lahat ng mga naisulat ko na walang connect sa bagong topic na naisip ko is iddelete ko at iccontinue yung sinusulat haha
Hahaha ayos na techniques yan.. patuloy mo lang minsan ako din dami kung topic pero na delete din kasi di ko natatapos.
Haayy..mapapabuntung hininga nga lng ng madalas, nagmumunimuni at tumitingin tingin sa labas pero wlang wla tlgang lalabas na katas. Siguro ganun tlga minsan kya ilang beses na aqng nagchecheat day pro gnun p din. Kya ppilitin n lng si katawan ksi d pwedeng gnun n lngπ
Hahahaha oo ako din nmn minsan pinilit ko minsan kasi di pwdi na titigil tayo.. sayang din nmn opportunity tsaka parti na nang buhay ko ang magsulat din.
LT to Eyb hahahaha
Hahaha ayos ba? π
Hahhahaha makulay ang iyong inilathang artikulo binibing eyb., may halong kwela, at meron ding kaberdehan. π
Hahaha for entertainment purposes π€£ di ko lang alam natuwa ba mga nagbasa baka ako lang ahhahahahhaa
Nauunawaan kita at talagang nakakadugo ng ilong ang tagalog na artikulo kaysa sa ingles π
HAHAHA mas madugo pa sa first blood ππ
Baka nga, baka nga sobra ko ng oinagod ang aking sarili kaya't nawawalan na ako ng mga paksang pwedeng gawan ng artikulo. Tama ka, siguro bigyan ko rin ng pahinga ang aking utak.
Wag mong pagurin ang iyong sarili kaibigan, magpahinga din nang paminsan minsan π€£
Salamat, asahan mo at iyan ay aking gagawin π€£
Naaliw ako habang binabasa ang iyong gawa miss eyb. Kwela ngunit may katotohanan at mayroong aral na maiiwan sa mga mambabasa. Tama ang lahat ng iyong tinurang dahilan kung bakit tayo ay wala ng maisulat paminsan. Grabe lalim ng ibang tagalog words hehez
Salamat at ikaw ay naaliw akala ko ako lang ang naaliw π€£π€£
Haha you have cheat days?
Hahaha yes!
Sa kawalan ng paksa ay napasulat ka ata ng akdang may kulay. Numero unong berde. π€£
Hahaha masyado bang berde? π€£
Wow π³ this globe this is really helpful β€οΈπ
How was the experience with the globe? Did you understand what I wrote? Haha
Globe changed it in English but it was not accurate though π
Yeah haha I read it too, a lot of mistakes and wrong grammars ahhahahahhaa
Ang chill nung tagalog eh.. Hahaha pero hirap pa din akong basahin. hahaha
Hahaha naintindihan mo nmn ba??
haha aba'y oo naman. :) HIndi lang talaga ako sanay magbasa ng Filipino. Hahahaha sosyal eh. hahhaha
Sana all social hahaha
Habang binabasa ko ito hindi ko alam bakit napapangiti ako hahah hindi naman love story π nakakatuwa lang kasi humuhugot muna. Ganito ako araw araw dahil pagod ako kakaisip kung ano ang gagawin ko sa bahay tapos sa pag apply ng trabaho kaya sa tuwing magsusulat ako ng artikulo hindi ako makaisip ng paksa kaya ang diskarte ko tuwing madalinh araw nalang ako gumagawa para nakapag pahinga ang aking utak. Kasi nakasanayan ko din dati noong nag- aaral pa ako na nag rereview sa madaling araw.
Hahaha Salamat nmn at natuwa ka. At least di puro love story na lang tayo natutuwa π Ayos yang strategy mo working nga ang brain pag madaling araw at nakapag pahinga na
Hahaha yung iba kasi kapag love story puro sana all ang nasa comment kagaya nung sa article ko nag publish ako ng love story puro sila sana all π . Hindi kagaya neto mapapangiti una palang haha .
Opo tapos after magsulat mag kakape then linis ng bahay, mababasa na ng mga article ng iba π
WAHAHAHAHAHAHAHA, ywang katas at malaking ano ni Rusty yan, wahahahaha. Hugot ka ng hugot wala namang nakabaon wahahahaha. Ibaa ang naiisip ko sa first blood, grabi na talaga sa dumi ang utak ko wahahaha. Maganda, malinaw, malinaw pa sa katotohanang hindi magiging kami ng aking sinisinta kelanman, huehue mashaket besh, pash pash nalang wahahaga. Ahahaha ang dami kong tawa tae π€§πππ
HAHAHA yan ang mga gustong gusto mo na topic eh yung pash pash na pag ano nang ano π€£π€£π€£ Haha baka dahil dyan sa first blood na yan di to napunta sa mainpage π
Wahahaha, aba'y enjoy basahin ang ganito, full of greennnn wahahaha. Wahahaha, pero ung sakin din kaya 2 days na di napunta sa main page artikol ko π€§
Okay lang yan, minsan talaga may writer's block. Pero kahit walang paksa, creative parin po kayo. Sana all!
More comments