Sakit, Sangkap Ng Buhay at Pag-ibig?

6 34
Avatar for Eya12
Written by
3 years ago
Topics: My life, Love story

Ang Pag-ibig ay parang kumikislap na palamuti, sadyang nakakasilaw ngunit pumupukaw ng interest at damdamin. Kung minsan ito'y nakakabulag na rin ng paningin. (Hindi literal)

Paniwala ka ba na kasama sa mga sangkap ng pag-ibig ang salitang sakit?

Well, kung oo, parehas tayo...

Ako nga pala ang isang simpleng nilalang na nakaranas ding umibig. At ito ang bahagi ng aking kuwento.

Pampito ako sa magkakapatid. Bata pa lang, nagsimula na akong mangarap. Nasalamin ko na kasi ang hirap ng buhay na dinanas at sinapit ng aking mga kapatid nang sila ay magpasiyang mag-asawa sa murang gulang pa lamang. Nagkabunga ng halos sunod-sunod na anak. Mababakas ang hirap ng buhay sa ganitong sitwasyon. May pagkakataon na halos hindi na maibigay ang pangangailangan ng mga anak at hindi na gaanong napagtutuunan ng pansin ang paglaki nila.

Pagkatapos ko ng high school hindi agad ako nakatungtong sa kolehiyo dahil sa problemang pinansyal. Halos nagkasabay-sabay ang suliranin ko noon, nariyang namatayan ako ng kapatid na halos ikaguho ng aking mundo. Sinikap kong bumangon at makarecover. Nang mag-enrol ako sa kolehiyo, half day lamang ang aking pasok sa paaralan kung kaya't nagpasiya akong magtrabaho sa kalahating araw na bakante. Samu't saring trabaho ang aking nasubukan, gaya ng pagtitinda sa palengke ng maruya, pagtatalok o pagtatanim ng palay tuwing panahon ng pagtatanim at pagagapas tuwing anihan, nasubukan ko din ang mag-alaga ng bata at mamasukan sa carenderia. Lahat ng iyan ay aking kinaya alang-alang sa pagkakamit ng inaasam na pangarap sa buhay. Siya pala bago ko malimutan, bahagi rin ng pagsasakripisyo ang aking magulang at ang aking kasintahan noon. Nagawa kong maging working student dahil salat kami sa pera. Ayaw ko namang makitang nagpapakahirap nang husto ang aking magulang para lang ako ay makapag-aral. At ginawa ko lahat ng pagsisikap hindi para sa aking sarili, kundi para sa aking magulang.

Sa awa ng Maykapal, sa kabila ng lahat ng paghihirap ko ito ay nasuklian. Nakapagtapos ako ng kolehiyo, nakapasa sa Board Exam at ngayon ay isang ganap ng Guro. Sa Diyos lahat ng Kapurihan.

Balik naman tayo sa buhay pag-ibig ko

17 years old pa lang ako ng maging kami ng ex. Boyfriend ko. Sabi ko sa kanya, mag-aaral muna ako at kakamtin ko muna ang aking pangarap bago ako sasabak sa buhay may-asawa. Tinanong ko siya kung kaya niyang maghintay. At ayon, nagawa nga niya. 11 years kaming naging magkasintahan, dumaan sa sobrang daming pagsubok at hadlang sa buhay na kung minsan nagdulot ng sakit. Nariyan ang mga taong nakapalibot na tumututol sa aming pagmamahalan, ang mga minsang hindi pagkakaunawaan, ang boring stage ika ng iba, ang pagkakasakit, ang kakapusan at marami pang iba. Kung kami lang ay sadyang mahina baka hindi kami nagtagal at bumigay na dahil sa mga kinakaharap sa buhay. Sa loob ng 11 taon nakaya naming matiis ang hirap at sakit na sadyang kaakibat ng salitang Pag-ibig.

Para sa akin bahagi ng buhay at pag-ibig ang sakit. Kung wala kasing sakit hindi natin magagawang seryusuhin ang mga bagay bagay. Ito yong nagmumulat sa atin sa realidad ng buhay...

Forward...

Ang dati kong boyfriend ngayon ay asawa ko na,makakasama ko sa hirap at ginhawa. May basbas na ng Maykapal ang aming pagsasama. Tinupad ko ang aking pangako, nang makamit ko ang aking pangarap saka ako nagbitaw ng I DO sa kanya.

Ngayon, unti-unti ko ng naiaahon sa hirap ang aking magulang. Masaya ako kasi nakakatulong na ako sa kanila at naibibigay ang kanilang pangangailangan. Babawi ako. This time ako naman...

Hanggang dito na lamang po.

Maraming salamat po sa pagbabasa at hanggang sa muli.

6
$ 0.02
$ 0.02 from @Khing14
Avatar for Eya12
Written by
3 years ago
Topics: My life, Love story

Comments

Good decision na inuna mo muna ang makatapos bago ang i do. And yes, pag nagmamahal ka, dapathanda kang masaktan.. Dahil kung hindi ka nasaktan, ibig sabihin nun wala kang pakialam at pag wala kang pakialam, wala kang pagmamahal

$ 0.01
3 years ago

Opo kailangan pong makapagtapos muna para sa pangarap, saka totoo po ang sabi mo, bahagi na ng pag-ibig ang masaktan.

$ 0.00
3 years ago

nice...:)

$ 0.00
3 years ago

💖💖

$ 0.00
3 years ago

Nice story po maam. Sana ma basa at gayahin nang mga kabataan ngayon ang iyong mga pagsisikap at ang nararating sa buhay na bunga ng pagtitiis noong ika'y estudyante pa lamang. God bless po maam! 🙂

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda po ng story niyo, declaring more years to come, more blessings to enjoy to you and your family. God bless po 😊

$ 0.00
3 years ago