Tara samahan niyo ako sa Silong ng Mangga!

11 63
Avatar for ExpertWritter
2 years ago

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang blog ko na ito. Tinatamad ako mag english kaya napagdesisyonan ko nalang na magsulat sa wikang tagalog tutal naman ay buwan padin naman ng Agusto at ang buwan na ito ay buwan ng wika sa aming bansang Pilipinas. Kaway kaway sa mga Pinoy na mambabasa dito! Mabuhay! Kung bago ka lamang sa aking account at nabasa mo ito, nasa iyo na ang desisyon kung isusubcribe mo ba ako o hindi pero bago yan, basahin mo muna ang artikulo na ito at mag comment sa baba kung naenjoy mo ba o hindi na basahin ang blog na ito.

Wala akong maisip na paksa noong nagdaang araw kaya ngayon na lamang ulit ako bumisita sa platform na ito pero wag kayo mag alala dahil nagbabasa naman ako sa mga ibang blogs dito. Pasensya na dahil busy lamang ako sa mga nagdaang-araw dala na din ng sunod-sunod na selebrasyon sa angkan namin.

Ngayong araw naman ay naging busy ako. I mean kami pala. Kaya naisip kong igawan ng blog kung anong kaganapan ngayong araw na ito. Wala lang gusto ko lang ishare at gayahin at maranasan ang mga ginagawa nung katulad ng mga nagtitiktok. Kaya simulan na natin!

Sponsors of ExpertWritter
empty
empty
empty

Maaga kaming nagising kaninang umaga. Kulang pa nga yung tulog ko kasi late na kami nakarating dito sa bahay ng boyfriend ng kapatid ko kahapon tapos late na din ako natulog kasi nanuod pa ako sa NETFLIX.

Sinundo nga pala kami ng boyfriend ng ate ko kahapon at oo tama, kami kasi kasama kong pumunta dito yung dalawa ko na pinsan (pang-anim at pang-walo) sasama daw sila kasi wala pa daw silang ipapangregalo sa gaganapin na okasyon bukas sakto naman daw na susunduin ako para bumili ngayon.

So ayon na nga pagkatapos naming kumain ay nagsiligo at ayos na kami. Tinanong ko nga muna if sino mauuna maliligo ang sabay-sabay pa nilang sagot ay Ako daw ang mauuna dahil mabagal ako maligo.

May pinuntahan muna yung boyfriend ng ate ko kaya nagpasya nalang kaming maglakad muna papuntang Western union para makuha yung pinadala ng Tita namin na pera. Pero dahil napaka init pala, napagdesisyonan na namin na magtricycle nalang. Ayaw ko matustado sa kainitan! Charought.

Pagkadating doon sa western union,

Nag antay kami sa may labas dahil pumasok ang Ate ko sa loob dahil siya ang kukuha ng pera. Ang sakit nga ng paa ko kakatayo, sana all nalang may tumatayo. Charought ulit! Buti nalang nga dumating na yung bf ng ate ko kaya hindi na namin need pa tumayo.

Sakto naman na lumabas ang ate ko kaya't umandar na din ang sasakyan. Papunta nga pala kami ng SM URDANETA doon kasi may parkingan ng sasakyan. Nga pala, favorite ko sumakay dito kasi mahangin, presko walang harang. Okay lang kahit lumang sasakyan ang mahalaga naman ay enjoy sa rides habang nakasakay nagpapamusic pa. Oh diba?

Pagkarating namin sa SM, nag-picture picture na ako. Wala lang, trip ko lang mag-picture para may pang My-Day sana pero wag nalang pala kasi hirap ako ipitin bilbil ko nahiya naman ako. Wag na kayo maconfuse sa height ko kasi oo maliit lang talaga ako sa personal.


Napagod ako kakaikot! Halos inikot ko nga pala buong SM kasi nga naghahanap ako ng pwedeng mairegalo para bukas. Hirap ako talaga kasi laruan nga sana na Teddy Bear ireregalo ko, yung Human size kasi isa ako sa 7th Treasures nya, binanggit ko naman na sainyo yung tungkol dito diba? Pero nga sabi naman ng Magulang nung bata wag daw laruan, kasi di naman niya nalalaro at naka display lang naman daw. Sa isip ko, 'Etsusera yung nanay' baka pera ang gusto, 'di half biro na true lang. Charought ulit!

Napaka problemado naming lahat kasi wala akong mairegalo. Ang budget ko lang nga sana ay Php 500.00 o $10 USD kaso wala namang mura na magandang iregalo sa mga treasures sana ginawa nalang nila akong isa sa mga Gifts kasi doon kahit anong regalo pwede na.

Ang sakit na ng paa ko at gutom na gutom na din kaming lahat kaya napagdesisyonan naming kumain na muna. Ang tanong nanaman ay saan kami kakain? Sabi ng pinsan ko, nagcracrave daw siya ng Chow Fan kaya naman pumunta nalang kaming chowking kaso pala andaming tao. Pero nag hintya padin kaming baka may matapos na agad. Buti nalang meron pero need mo muna tumayo kasi walang upuan dalawa lang. Kaya ako na lang tumayo kasi sabi nila baka daw tumangkad pako. Medyo nahurt ako don pero natawa din sa loob loob ko.

Sweet and sour keme keme nga pala inorder ko. Sawa na ako sa palagi kong inoorder yung chicken nila. Maiba naman tayo. Naubos ko naman agad kaso kulang pero need ko paunti-untihin kakainin ko kasi nga baka masikipan nanaman tong tyan ko sa shorts na gamit ko ngayon hirap ako huminga.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso nanaman kami sa mga shops doon, tingin dito, tingin doon hanggang sa pumunta nalang kami sa kabilang Mall, sa CB.

Wala akong ibang makita na magandang ireregalo. Kaya ang ending bumili nalang ako nitong mga ipit pang bata. Wala akong choice!

Pagkatapos namin magbili ng mga kung ano-ano doon, sumakay nanamam kami ng sasakyan para magpunta naman sa mga Tyange bibili ng mga School supplies ng pinsan naming. Ang tagal naman nila kaya naisipan ko nalang magtingin sa mga naka sale na sapatos pero wala naman akong matipuhan kaya tumambay nalang muna kami ng pinsan kong isa habang nagiisa sa may tapat ng pinagparkingan namin sa sasakyan na gamit namin.

Bigla ako napaisip at narealize ko na wala ako/maihihirapan akong mag isip ng maimemessage sakanya kapag yung ipit ang maireregalo ko. Nahihiya din ako kasi Treasures ako pero ipit naman ang ireregalo ko kaya nagpaalam ako sa pinsan kong kasama ko na pumunta sa Magic Mall, Urdaneta. Malapit lang sa tinatambayan namin. Sabi niya papaiwan nalang daw siya kasi masakit na daw paa niya kaya pumunta nalang ako sa mall mag isa.

Saktong nasa bungaran lang pala yung Unisilver. Yung munting shop ng mga pendants and earrings. Alam niyo ba, nung time na binilhan ako ni Mama ng kwintas at hikaw ko dati nung asa Manila kami, feeling ko ang yaman yaman na namin. Kasi nagagandahan talaga ako sa mga kwentas nila. Mahal na para sakin yung mga ganitong bagay.

Balak ko sana picturan yung mga cute na kwentas na nakita ko kaso bawal nga pala. Gusto ko sana yung Hugis susi na maliit na may tatlong bato doon sa gitna kaso maliit yung kwintasan niya yung sinusuot sa leeg, pang baby lang siya. Kaya naman pinalitan ko nalang buti nalang may nag assist sakin na sales lady, if para daw sa mga debutant na bata, Saktong-sakto daw yung Susi na napili ko ang kaso maliit lang nga yun pang baby lang talaga kaya naman nirecommend niya sakin ito

Medyo mas malaki yung design ng susi sa una kong napili pero okay na din siya. Sakto lang sa edad niya. Wala din siyang bato na silver keme keme pero okay lang. Cute padin naman. Bili ko nga pala dito is Php 489.00. Sakto lang sa presyo niya. Okay na din to kesa sa mga ponytails na binili ko. Ang proproblemahin ko nalang eh yung message ko sakanya kung bakit ito ang regalo ko sakanya.

Tumatawag na pala yung kapatid ko diko napansin kasi andami ko finill-upang kemerot sa tendera. Sabi ko nasa labas na ako ng mall at bumalik pa sa pwesto kung saan sila naka parking! Pero pagpunta ko doon wala na sila. Maiiyak na sana ako kasi nga iniwan nila ako pero nauna na pala sila sa kabilang palengke! Tinawagan ko sila pero di sila sumasagot! Buti nalang talaga alam ko yung daanan pero muntik padin malito sa daanan. Ayan kasi!

Buti nalamg talaga sign yung simbahan doon sa gilid kasi may parkingan ng mga sasakyan kaya alam ko na, na andon sila pero problema ko eh ang pagtawid! Kahit 22 years old na ako diko padin alam pano tumawid. HAHA


Pagkadating namin sa bahay ng bf ng ate ko, Nagpahinga muna kami konti. Tapos, napagpasyahan na nilang mamalengke para sa tindahan nila at magpapagupit din daw pinsan ko. Matagal ko na pinag isipan kung magpapagupit din ba ako pero dahil nga sayang ang oportyunidad ay grinab ko na ang time para magpagupit.

Dito din pala ako sa salon na to nag pa rebond dati magagaling kasi sila talaga.

Eto nga pala yung itsura ko bago ako magpagupit. Tinakpan ko yung bilbil ko kasi nakakahiya. Nga pala may picture na kami ni Coco Martin. Ayan na nga nasa picture na kasama ko na! Buti nalang tapos na yung Ang Probinsyano. Char

Pagkatapos naming magpagupit at namalengke, umuwi na kami. Iyon lang tapos na. Sana nag enjoy kayo mag basa!


My Previous Articles:

Finally, Done Earning BCH for my Cats and Dog!

Trying ibisPaint-X and I bought my own digital pen

The History of bitcoincash donation: I recieved an unexpevted invitation

Look what I got: I bought a new earphones!

If bitcoincash is a Human: What would you like to say to him?

11
$ 2.74
$ 2.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.03 from @mommykim
+ 3
Sponsors of ExpertWritter
empty
empty
empty
Avatar for ExpertWritter
2 years ago

Comments

Ang gnda ng pendant, sakto lang sa price. Nakakamiss mag sm. Soon pa kmi, mga 2 months pa before opening hehe excited me

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda ng gift mo. Kunin din kitang sa 24 treasures ko hahaha

$ 0.00
2 years ago

Pumasyal ka pala mars. Nakaka excite pumunta ng mall mars lalo na pag minsan lang pumupunta. Nakakasawa din kasi pag palagi. Hehe kakaadik yung Netflix mars. Sarap ng food. 🤤

$ 0.00
2 years ago

Ang busy naman this girl hihi sana nagenjoy kayoo

$ 0.00
2 years ago

Yieee ganda yern? Bet ko yung phone case mo so cute!

$ 0.00
2 years ago

Grabe dami palang ganap sa inyo yesterday

$ 0.00
2 years ago

Wahhhh ang cutie ng height mo talaga. Anyways, bat pala pwd mandin tu sa Wednesday Walk bat di mo na sher dun?

And sana lahat nakakapamasyal. Ako gusto ko ding lumabas kaso tamad ako hahahahaha

$ 0.00
2 years ago

Dumugo utak ko ko sandali. Medyu it's been a while since I last reax a tagalog article mareng. Pero mKGawa nga rin ng akin hahaha.

$ 0.00
2 years ago

minsan pala baby gerl nakakadugo din sa ilong ang pure tagalog lahat hihih

$ 0.00
2 years ago

Your height looks good on you po ehehhe. Ang cute. Mukhang naging busy ang araw mo :)

$ 0.00
2 years ago

Wow, I couldn't understand much of the Filipino language, but I could see from the photos how much you enjoyed your ride.

$ 0.00
2 years ago