Tara at mag sagot ng mga katanungan
Magandang Gabi Pilipinas! At magandang Umaga naman sa mga taong naninirahan sa ibang bansa. May nakita si @Zhyne06 kanina sa Feysbuk, isang post na may mga katanungan kaya, nais ko sanang sagutin ang mga iyon ngayon. Pasensya na din kayo, kung ang gamit ko na lenghuahe ay Tagalog sapagkat, ako ay matagal nang hindi nagsusulat dito gamit ang aming sariling wika. Pero bago yan, nais ko munang ipakilala sainyo ang aking mga sponsor, kung gusto ninyong makabasa ng magandang paksa bisitahin natin ang kanilang mga *account* Simulan na natin ang pagsasagot sa anim na Katanungan!
Aaminin ko na merong mga nagkakagusto sakin sa aming paaralan simula Elementarya hanggang Highskul. Hindi naman ako sa nagmamaganda pero sinasabi ko lamang ang katotohanan. Hindi ko din alam kung pano nila ako nagustuhan dahil wala naman akong maipagmamayabang. **Pero hindi pa akong nanghost**. Kung may aamin sakin na may gusto sakin at kung itatanong sakin kung pwede ba niya akong ligawan, dinederetsa ko ang sagot ko sakanila sa madali at ng hindi sila nasasaktan. Ako, Aaminin ko meron na nanghost sakin at iyon yong kauna unahan na ex ko. Nakwento ko na story namin noon at nasa artikulo na ito.
Hindi ko alam kung totoo din ba yung sinasabi ng mga kaibigan namin **DATI**. Pero minsan na nabanggit sakin ng bestfriend ko na may inamin yung crush ko noong mga panahon na magkaybigan palang kami. Na ako din daw yung crush niya noong mga panahon yon kaya malakas sila mang asar saming dalawa. Pero ayokong paniwalaan 'yun kasi ayokong masaktan at umasa.
Syempre naman ano ba kayo? Haha nafall din naman ako at nakailang hulog at nakailang walang salo din. Pero diko babanggitin mga pangalan nila dito kasi di rin lang naman ninyo sila kilala. Baket? Kailangan paba ng rason kung paano ka nafall? Pero sige, ang naalala ko dati nung nga puppy love palang nafall ako sakanila dahil mabait sila sakin, dahil sa itsura nila ganon.
Kasi siguro dahil may mga tao ding takot din silang masaktan. Mas pinapangunahan sila ng mga katanungan, ng mga emahinasyon ganon. Minsan kasi, kahit gustuhin mo mang intindihin yung sitwasyon mas pinipili or nangingibabaw din sa atin yung takot. Kaya kaysa piliing intindihin, mas pinili nalang nilang mang-iwan.
Secret. Charot haha Oo, sa katunayan ay may kachat ako minsan sa *Telegram*. Hindi ko alam kung paano at kailan ako nafall pero kadalasan kasi minsan kapag mag kausap kami, hindi ko alam pero nakakatuwa siyang kausap kahit minsan lang kami mag-usap. Ako unang nag chat sakanya noon. HA-HA
Yung ex ko, relasyon naming dalawa patago lang eh. So, parehas kami tinatago namin yung isa't-isa tapos tinatanggi din namin kada tanong ng ibang tao tungkol saming dalawa. Sa una naman masakit kasi mahirap kasi talaga kapag patago na relasyon e. Pero habang patagal ng patagal parang nasasanay nalang din ako. Pero para sakin, mas masakit yung Tinatanggi ako. Yung madinig mong sagot niya sa ibang tao, *"Ha? Hindi no, bakit ko naman gugustuhin yon? Di ko siya type tsaka, magkaibigan lang naman kami."* Diba? Dagdag katanungan
Mahal ako. Kasi, Masarap mag mahal kapag mahal ka din ng isang tao. Mas maganda kasi magmahal kapag mas lamang yung pagmamahal sayo ng partner mo. I mean, kasi kapag ikaw kapag sobra sobra yung binibigay mo, mas mahihirapan ka at masasaktan ka. Pagtatapos... Hindi ko alam kung nasakot ko nga ba ang mga katanungan ng maayos. Sapagkat ako ay lutang sa ngayon. Haha pasensya na kayo talaga at mukhang hindi maganda ang mga tanong na napili at mga sagot na binigay ko. Kung gusto niyong sagutin ang mga katanungan na ito, maaari po kayong mag komento sa ibaba. Iyon lang tapos na. **My Previous articles:** **Wednesday, Random, Thoughts** https://read.cash/@ExpertWritter/wednesday-random-thoughts-31296b527 **My 1.58 earnings in One month** https://read.cash/@ExpertWritter/my-158-bch-earnings-in-one-month-d6a7d1b5 **Lists of Netflix movies and dramas that I like to watch** https://read.cash/@ExpertWritter/lists-of-netflix-movies-and-dramas-that-i-like-to-watch-7e1721fd **Let me wear something comfortable** https://read.cash/@ExpertWritter/let-me-wear-something-comfortable-1068d2c3 **All of us are dead characters: Which one are you?** https://read.cash/@ExpertWritter/all-of-us-are-dead-characters-which-one-are-you-fdaf9b29
44 comments
Jan sa Ghinost kana ba o ikw ang nang ghost na tanong...? Di sarili ko naisip ang tanong na yan ehh kundi sa Viral na si Yeng Constantino at Ryan bang hahaha sila una sumagi sa isip ko pagkabasa kos mga tanong nayan hahaha.
Ahaha 🤣 sayang talaga sila no? Pero lesson learned na din sakanila yon. May asawa na din naman na si Yeng
Yan nga yung masakit kasi may asawa na si yeng peru ngayun lang nila na clarify ang lahat hhahah, peru yun nga lessn learn nlng magagawa
Ganon talaga haha ang hirap din kasing pagusapan lalo na at nakaraan na.
Hahah hindi namn, for me mas masarap balikan yung nkaraan haha
Ayy iba din hahaha. Galing naman magtagalog nito, sumakit ilong ko. Pero, wengyahh ni ghost ka?? Pero shene ell pa rin kasi marami nangligaw. 😁
Dinaba sanay marengs? Ako den. haha Nisearch ko pa tagalog ng ibang words dyan ha. 🤣 oo nighost ako nung ex ko nikwento ko na dati e. Ay teka nakalimutan ko yung link ng artikol ko ipaste doon sa part na yon. Shhh. 🤣 noon yan. Haha di naman sila sunod sunod. Matagal din distansya ng buwan at taon.
Hahahaha atleast marami pa din hahaha. Nakooo, hoping maka lovelive ka na now marengs 😁
Ahhh.. malabo pa sa tubig kanal pero siguro landi landiang
Yung mga tanong talaga mars. Ma chachallenge ka talaga. Nakuha ako sa last question mars "Mahal mo o Mahal ka" para sakin talaga mars "Mahal ako" kasi dun may assurance ka na talaga na mahal ka ng tao at wala ng mga doubts. Pero kapag nangyari pala in real life mars, ang hirap pala kasi na experience ko. Pinili ko yung mahal ako kasi akala ko matutunan ko din siyang mahalin mars pero hindi pala mas lalong lumala yung situation pero depende parin yan sa tao mars.
Omsim lalo na at february ngayon haha bagay na bagay nga tanungan na yan ngayon. Kaya nga eh kahit ako din naranasan ko na din mamili. Kung yung Mahal ko ba or yung mahal ako... in the end pinili kong piliin yung mahal ako khit di ako sigurado kung mahal ko din ba siya. (Siya ung pang 3 ex ko) HAHA ayon sa huli, ako din lang nagpakawala sakanya kasi diko siya kayang masaktan dahil sakin
Oo mars Valentines na.😁 Oo mars pero mas better kung pipiliin "Mahal ako" kasi safety kana dun kung "Mahal mo" mag aalinlangan ka talaga.
Harujusko nakakanosebleed pala pag purong tagalog. 😁 Isa lang masasabi ko masarap at mahirap magmahal. Madami tayong pag dadaanan pero lahat eh mapagtatagumpayan din. Charot!
HAahaha Dinaba sanay sa tagalog marengs? 🤣 ako den. Haha hirap ako mag type kanina ah. Nisearch ko pa nga yung iba dyan na tagalog words e lol
Oo mare, jusko akala ko english lang ang nakakanosebleed pati rin pala tagalog. Kakapanuod to ng kdrama feeling ko Koreana na din ako😂
Hahaha ayos nang mga tanong.. ghoster ako dati lalo na pag aggressive ang lalaki once na turn off na ako deadma na lang tas hanap namn ibang kalandian hahaha.. pag turn off na naman ako next ulit 😂 sinasabi nang karamihan nga ang landi ko sino sino daw lalaki ko di nila alam pag na turn off ako dahil sa ka manyakan nila hanggang don na lang yun 😂 Yung sa crush naman ..ayoko magka crush pag di ako e crush back 😂😂
Oo nga ate, bakit naman malandi yung ganon? E ano ba pake nila, di naman natin kasalanan kung maganda tayo eh diba? hahaha 🤣 inggit siguro mga yon kasi wala sila nilalandi HAHA Hayy ewan ko ba ate, ang hirap di magkacrush lalo na kapag song kang plus others. 🤣 oppa ba? Haha
bwahahahahaahahahahahahahahahahahahahahahahahha na fall ka na ba sa naka chat mo sa TG oh em geeeeeeee yonong na ba yarn hahahahaah i lalawig ko talaga tong ship nato... bakit ang liit lang nang sinagutan mo baby gerl...siangotan mo sana lahat at nang umagahin tayo sa pagbasa nang artikol mo hahaha
Grabe naman yung tawa na yan noona 🤣 HAHAHA pero mali ka sa part na si yonong yon haha Ayaw ko magtype ng mahaba noona. Wala ako sa mood eh. Haha kaya hanggang 4 minutes read nalang muna.
hahhahaha naku naman...si nata de kudossss din ba yan
Grabe ang iyong pagtatagalog mareng, ngayon nalang ule ako nakabas ng tagalog dito haha. Pero maganda yung mga tanong nasagot mo naman ng maayos.
May mga typo pala ako HAHA 😭🤣 ngayon ko lang napansin. Waaaa ako den naman ngayon nalang ulit always nalang na engols e hehe
Pwede ko din bang sagutan to? Hahaha
Oo naman ate Hehe 😊 nang sa ganon e di lang ako nagiisa HAHA
Mare marami pala tayong biktima ng nainlove sa kachat sa Telegram haha too relatable
Wahhh HAHAHA ngayon lang ako nainlove sa kachat sa telegram 🤣
One time lang nangyare sakin di na naulit naghost ako hahahaha
Parang kilalal ko yung nasa telegram hahaha. Si ano ba yun. Bilis naman ma fall nito haha. About ghosting, gumawa ako noon dummy account sa FB tapos hayun na ghost ko yung iba hahaha. Basta bored ako non hahaha
Boii ang hula ko ikaw yong tinutukoy nya 👀🤣🤣🤣✌️
Hindi uyy, papaturo siya sa akin noon paano sabihin na crush niya na mahal na niya 🤣
Tssss boringgggggf, wala manlang landers landers 🙄🙄. Anyways, baka ikaw na next malay natin 👀🤣✌️
Ha? Hakdog? Kelan ako nagpaturo? 😀 imbento tong yonong na to
Sino sino sino? 🤣 sabihin mo. hahaha di naman sobra, slight lang. Yawa haha 🤣 ano yon pacool kid kalang non?
Me me me me!!! Never na crush back 🙋🤧🤧 alam mo na yon ee 🤧. Pero okay lang, masarap magka crush kahit masakit. Ako nga umulit pa ring magla crush ee hahahaha. Di na nadala nag confess ulit tapos ligwak ganern ulit. Pero sa ngayon, wala na munang crush crush. Ang meron nalang mga Oppa ko 🥳🥰🥰🥰
Okay lang yan ate ropa ang mahalaga naman ay nagpakatotoo ka sa mga kwash mo. Kwash lang naman e diba? Hehe Ako den naman. Wala akong kwash ngayon, nanunuod nalang ako sa netflix.
Oo kwash lang, at nawawala naman sya hahahahaha bilis lang mawala pero nasaktan muna kahit nawala agad, anudaw yon 🤧🤣🤣. Ako naman naga download ng naga download para ma busy ba. Anime and kdrama
Nakakarefresh talaga basahin pag tagalog na hehe.. Interesting yung mga tanong ah .. magawa nga din to😁... Pag iiwan kasi wala na masiyado sagutan ganon ..pero mas maiigi na mapag usapan man lang para ng sa ganon eh walang sakit ng damdamin kinalaunan.
Aigoo! na.experience ko yung hindi magustuhan ng naging crush ko. Pero meron din namang iba na nag-crush back. Hmm.. Mas prefer ko din yung Mahal ako marengs. Iba din nga kasi sa pagkikiramdam yung alam mo'ng mas angat ang pagmamahal na pinaparamdam para sayo..
bayan naka relate ako mostly sa mga sagot mo ah. pero ung di ko makakalimutan dati is ung na fall talaga ako sa ka chat ko tapos LDR per hindi din nagtagal. not a fan of LDR ihh... paano ba yan, nka isip na naman ako ng bagong entry.
Magplano din ako na gumawa ng ganito. Baka mamaya gagawa ako sis.haha Naghost na rin ako noon at di siya nakakatuwa.haha Pero naransan ko na rin naman mangghost.hahah
Na experienced ko ding maiwan ng taong mahal ko. Totoo naman talaga na takot siyang masaktan kaya mas pinili niyang mang-iwan pero okay lang tanggap ko na rin at happy ako to be what I am today. Nice yung mga katanungan mo po ☺️ nasagot mo naman ng wasto eh hehe. Nice meeting you here in read.cash 👋❤️
First time ko yata na makita na nagsulat ka ng tagalod sis, hehe..
Nakakatuwa naman ang mga tanong mareng. Pwede bang maki join dito hahaha. Anyways, nakakamiss nga namang mag basang tagalog hihi. Marami akong naging crush na hindi ako crinushback huhu. Sakit.
Ang sakit naman basahin nung "kasi kapag ikaw sobra yung pagmamahal mo, mas mahihirapan at masasaktan ka." Kaya dapat talaga magtira tayo para sa sarili natin.