A Story In the Middle of the Rain
Lasing na lasing ako, hindi ko na alam kung anong pinag gagagawa ko. Madami akong mga babaeng hinalikan, nahawakan, at ang iba...hindi ko na maalala. Ganyan naman palagi ang routine ko pagkatapos ng klase pupunta sa Bar, Magiinom kasama ang barkada, maghahanap ng pwedeng pang fyesta, at pagkatapos no'n, uuwing lasing pagkagising sa umaga, wala ng maalala.
Ilang sampal sa umaga ang natatanggap ko magkabilang pisngi pa. Magigising pa ako sa umagang may pupunta sa bahay at sasabihan ka nalang na
"Ikaw ang ama ng batang dinadala ko Federico."
At ang mga magulang ko'y napapailing nalamang dahil hindi na sila naniniwala sa mga sinasabi ng mga babaenng pumupunta sa bahay. Sinong hindi? Eh halos hindi ko mabilang ang mga babaeng pumupunta dito at sinasabi bigla-biglang buntis sila tapos pag pina DNA naman ay hindi naman talaga ako ang Ama ng Bata. Jusko! At dahil jan ay siya namang pagsesermon at kurot ng ina ko sa'kin at dahilan para kutusan din ako ng Ama ko. Hindi naman ganon kastrikto ang parents ko dahil nag-eenjoy lang ako at hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Aba! Kahit ganto ako, kayang-kaya ko namang pagsabayin ang Pag-aaral at kaligayahan sa buhay.
Pero nagbago ako ng may makilala akong isang babae. Hindi ko alam kung paano at kung bakit pero isang gabi, habang lasing na lasing ako at hindi ko alam kung na saan ang sasakyan ko, umuulan pa habang hinahanap ko iyon at Wala akong payong na dala ng mainis ako ay naglakad na lamang ako at habang ako'y nag lalakad napatigil ako ng biglang tumigil ang ulan, Ha? Ulan?
Umuulan naman sa kabila. Tumingin ako sa taas at may bahagi ng payong kaya napatingin ako sa likod ko kung sinong nag mamay-ari no'n at nakita ko ang isang babaeng naka eyeglasses, at tumingin din ako sa suot nya siya ay naka-suot ng maluwang-luwang na damit at parang manang kung tignan. Kumunot ang noo ko, kilala ba niya ako? Pero mas nagulat ako sa ginawa niya sa'kin. Hinawakan niya ako sa balikat gamit ang isang kamay niya at dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ko titig na titig at pumikit siya at hinalikan niya ako. 1 2 3 bilang ko segundong magkalapat ang mga labi naming dalawa. Hanggang sa umalis siya sa pagkakahalik sakin at ngumiti saka pinahawak sakin ang payong niya at umalis sa harapan ko ng walang sabi.
Halla! Hindi ako makatulog! Ilang araw ko ng iniisip yun at kahit pati sa pag-tulog, pag-gala, kahit pa lasing ako ay siyang inaalala ko. Hinanap ko siya ng gabing iyon pero hindi ko na siya nahanap pa.
Pero dumating ang pagkakataon at nakita ko siya sa may Restaurant. Kumakain at mag-isa. Kasama ko ang mga tropa ko para sana kumain. Nagpapagpag ako ng damit ko nun dahil umuulan nanaman. Bakit ba kapag nakikita ko siya lagi nalang umuulan?
Sinabihan kong mauna na ang mga Tropa kong maghanap ng mauupuan dahil pupunta pa ako sakanya pero diko sinabing sakanya talaga ang rason ko dahil baka pagtripan ako ng mga mokong kong kaibigan.
Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya at umupo sa may upuan na nasa harapan niya at nilagay ko ang siko ko sa may lamesa at pinatong ko ang baba ko sa kamay ko at pinanuod siyang kumain. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako
"Hi" bati ko sakanya at maya-maya ay umiwas siya ng tingin, at namula 'cute' at ng di siya sumagot ay tinitigan ko nalang ang mukha niya at doon ko nakitang, Ang ganda niya pala. "Ikaw yung humalik sak-" napatigil ako ng hawakan niya ang bibig ko para patigilin sa pagsasalita at sinenyas na tumahimik at inalis niya ang kamay niya sa bibig ko't dahilan para mapatawa ako. Sa ilang taon ko ng ginagawa ang pagpyepyesta sa mga babae, sakanya ko lang naranasan ngumiti ulit ng natural. Pinanuod ko lang siyang kumain at tila naiilang pa siya. Kaya ng di na siya nakapag timpi ay inis niyang tinignan ako
"Hindi kaba kakain?" sa unang pagkakataon ay narinig ko din ang boses niya na tila naging isang musika sa pandinig ko at ngayon lang ako nabighani sa boses ng isang babae.
Ngumisi ako "Bakit susubuan mo ba ako?" dahilan para mapairap siya't mapailing
Oh? Akala ko type niya ako dahil hinalikan niya ako non? Pambihira
"Hindi. Nakakaumay kasi pagmumukha mo. Para kang shunga" sabi niya habang sumubo ulit ng pagkain at natatawa
"Psh." irap ko't napangisi habang sumandal sa sandalan ng inuupan ko "Parang hindi mo ako-" hindi ko na ulit natuloy ang sasabihin ko ng subuan niya ako ng pasta.
"Oh ayan na ayan na ng magtigil kana." irita na sabi niya pero maya-maya pa ay napatigil siya "Busy kaba mamaya?" tanong niya sakin at hindi siya makatingin
Woah! Hindi ko alam na ganon at agad-agad siyang bibigay sakin pero sige na nga "Hindi. Bakit, Edadate mo ako?" pabiro kong sabi sakanya at ngumisi
Sasagot sana siya ng biglang may naglapag ng pagkain sa tapat ko at tumingin ako sa waiter at tinuro niya ang mga kaibigan ko kung nasan sila at tumatawa. Umiiling-iling ako at umalis na din ang waiter
"Kasama mo?" tanong niya habang hawak-hawak ang pizza kong dinampot niya sa plato ko dahilan para mapailing ako't tumango "eh bakit ka nandito?"
"Ayaw mo?" Tanong ko sakanya na siyang nakapag payuko ulit at tumingin sa labas pagkatapos
Makalipas ang ilang Araw, at buwan ay ganon lang ang takbo ng buhay ko. Hindi na ako sumasama sa mga tropa ko at siya na ang kasa-kasama ko palagi. Kahit saan at naging komportable siya sa presensya ko. Hindi na ako nambababae, hindi na ako nag iinom. Wala na ang dating ako.
Nagustuhan ko ang siya. Naiinlove na ata ako sakanya. Kahit manang siya manamit ay iyon na ang paborito kong damit sa mga babae. Kahit naka eyeglasses siya at nerd kung tignan ay wala na akong pakeelam sa sasabihin ng iba.
Gaya ngayon na habang pinaglalaruan niya ang ulan at nakangiti't tumatawa, napakagandang anghel ang aking nakikita oh kay sarap niyang pagmasdan.
"Taya!" sabay sundot niya sa'kin at tumakbo siyang tumatawa dahilan para habulin ko siya
"Ah ganon ha! Huhuliin talaga kita!" natatawang sabi ko't tumakbo din sa gitna ng ulan
Pero isang araw, nangyari ang hindi ko inaasahan. Wala siyang paramdam, wala siyang pasabi kung nasaan, mag-iisang buwan na ang nakalipas ng makita ko siya. Hindi ko alam kung saan ang bahay niya at tanging numero lamang niya ang meron ako. Hindi niya sinasabi sakin ang impormasyon sa buhay niya at kahit pangalan niya ay hindi ko din alam...
Bumalik ako sa dati, Bumalik ako sa pagiging babaero ko, kahit pumunta ako ng paulit-ulit doon ay walang hahalik bigla sa'kin. Pero hindi ko matuloy-tuloy ang paghalik sa iba dahil naalala ko siya.
Hanggang sa isang araw, kailangan kong samahan ang aking ina sa Hospital dahil kailangan niyang magpacheck-up dahil buntis siya 8 months na. Hindi kasi siya masasamahan ng aking Ama dahil nagkataon na nasa work siya.
Naglibot-libot ako dahil sabi ng aking ina ay huwag ko na daw siya samahan sa loob. Kaya naman wala akong magawa kundi ang maglibot. Nag-lalakad ako sa hallway ng may paang nasa tapat ko pero hindi kalayuan kaya naman ay napatingin ako sa pasyente mula paa hanggang paakyat at para makita kung sino ito.
Nagulat ako at ganon din siya at kasabay ng paghulog sa sahig keychain na bigay ko sakanya. Halos manlumo ako sa itsura niya. Ang payat-payat na niya at puti ng bibig. At nakita ko kung paano dumampi sakanyang mga pisngi ang nagpapatakang mga luha mula sa kanyang mga mata't ganon din ako. Hindi ko alam sasabihin ko, hindi ko alam gagawin ko, hindi ko alam...
Lalo na't bigla siyang bumagsak sa sahig at doon na ako lumapit sakanya at nagsilapitan na din ang mga Nurse sakanya.
Nakaupo lamang ako sa tabi at tulala. Umuwi na ang Ina ko kasama ang aking ama. Sinabi ko sakanila ang tungkol dito't pumayag silang magpa-iwan ako. Walang picture ng pamilya niya, o kahit ano sa side table niya at tanging picture lang naming dalawa't dahilan para mapaiyak ako ulit. Hawak-hawak ko ang kamay niya ng magising siya, gabi na at umuulan sa labas.
"F-fe-federico.." sambit niya sa pangalan ko't nahihirapan pa siyang bigkasin ang mga ito "Umuulan ba?" Tanong niya sakin
"Oo. Kaya magpagaling ka para makalaro ulit tayo sa ulan." napayuko ako para itago ang luha ko sakanya
"H-hinanap mo ba ako?" Tanong niya sakin kaya napatingin ako sakanya ng dahan-dahan at nakatingin na pala siya sakin
"Ang daya mo. Bakit hindi mo sinabi sakin?" hindi ko na napigilan ang luha ko "Araw-araw akong naghihintay sayo...hindi mo alam kung paano ako mabaliw kakaisip sayo...tapos ito..." halos hindi ko na maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin sakanya dahil sa pag-iyak at ganon din siya.
"P-pasensya kana, hindi ko ginustong gawin pero hindi ko din gustong makitang mahihirapan ka kapag nalaman mo." nahihirapan at pilit niyang tinatapos ang mga salitang binibigkas niya kaya dinampi ko ang hintuturo ko sa aking bibig para sumenyas na wag niya na piliting magsalita
"Ang importante ngayon ay alam ko na. Andito na ako...hindi kita pababayaan, lalaban tayong gagaling ka ha?" ngumiti ako sakanya at ganon din siya
Naka admit siya sa hospital at may taning na ang buhay niya. Anytime pwede na siyang kunin at halos ikadurog yun ng puso ko ng sabihin yun ng doktor at mas lalong ikadudurog din ng puso ko ng iwan siya ng lahat at wala ng natira sakanya...ako nalang.
Kaya simula non, halos gabi-gabi na akong nagdarasal na sana wag pa, sana wag niya na ituloy, sana bigyan pa siya ng pagkakataon para makasama ko siya, madami pa akong balak, madami pa akong gagawin, gusto ko pa siyang surpresahin, mamasyal sa kung saan-saang magagandang tanawin, gusto ko pa siyang pakasalan at makitang maging ina ng mga anak ko pero...
"Federico..." tawag niya sakin mahina't nahihirapang huminga dahil naka oxygen nalang siya. Tumingin ako sakanya't ngumiti "Pwede mo ba...akong...ipunta sa park kung saan...tayo..naglaro?"
Tumingin ako sa may labas at umuulan nanaman. Tumingin ako sa Doktor niyang nasa loob at tanging ngiti lamang at tango ang sinagot niya. Tututol sana ako pero alam kong iyon ang makakapag-pasaya sakanya kaya sumang-ayon ako.
Tinanggal ng mga nurse ang mga nakakabit sakanya't lumabas ako ng kwarto para makaayos siya.
Tumingin ako sa Doktor niya ng tapikin niya ang balikat ko "Ihanda mo ang sarili mo." malungkot ang tono at alam ko na 'yon. Ayokong maramdaman pero alam ko na ang susunod na mangyayari. Ayokong isipin, ayoko...hindi pa ako handa pero alam kong anytime..
Sumakay kami ng Sasakyan ko at pinagmaneho ko siya patungo sa park kung saan kami naglaro sa gitna ng ulan at pakarating doon ay inalalayan ko siyang bumababa ng sasakyan at habang alalay na alalay ko siya ay siyang pagtingin ko sa mukha niya gulat ang siyang mababakas sa kanyang mukha dahil kahit umuulan ay siyang andoon ang mga magulang ko't kaibigan. Pati na din ang pari
"Hindi naman ako papayag na hindi makasal sa babaeng minamahal ko..." sabi ko sakanya't tanging hikbi naming dalawa ang madidinig "Mahal na mahal kita Rain kaya pakasalan mo ako ha?"
Tumango siya't sumama sakin sa paglalakad patungo sa pari habang hawak ko ang payong sa kabila kong kamay ay siyang hawak ko naman sa kanyang kamay sa kabila at nagtungo kami sa kung nasaan nakatayo ang pari't natural na ngiti ang sinusukli niya sa mga magulang ko, pamilya ko, at mga kaibigan kong ngayon ay nagsisi-iyakan na din.
"...Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and wife. You may now kiss your bride!"
Inalis ko ang hawak na payong sa aking kamay at tinapon yon sa kung saan at hinalikan siya sa gitna ng ulan na siyang pagbagsak niya pagkatapos pero dala padin niya ang ngiti sa labi niya upang ipahiwatig na masaya siya.
Nanghihina, Nahihirapan, at nanlalamig na ang kanyang kamay ng hawakan ko ito
"H-huwag m-mo akong tignan..." Dahan dahan at nahihirapang bumigkas at nakatingin sa langit "P-pumikit ka." kahit hindi ko gustong gawin ay alam kong iyon nalang ang dapat kong gawin dahil iyon ang hiling niya at pumikit ako't yumuko "I love you, Federico." At halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak sa huli kong narinig. Tanging iyak naming lahat ang madidinig sa paligid.
At kasabay ng pagpatak ng ulan...ang siyang pagkawala ng babaeng pinakamamahal ko.
Wakas.
Mga Mambabasa! Ikinalulugod kong inyong binasa ang isang kuwentong hindi ko lubos maisip na aking magagawa. Ngayon lamang ako nagsulat ng isang kuwento at sana ay nagustuhan ninyo. Ako ay humihingi ng pasensya kung hindi ganon kaganda nguni't ako'y nagpapasalamat dahil sa inyong supporta!
My Previous Story:
Waeee??? Ang sama mo kay Frederico! π Ang lungkot naman nito. Ang lungkot talaga lagi ng mga alaala na karugtong ng ulan. :(