Yes, I'm back!
June 7, 2022. Tuesday.
Hello sa inyong lahat. At kamusta na po pala kayong lahat na nandito? Sana ang lahat ay nasa maayos na kalagayan.
Ang tagal ko nawala dito ah, mga 3 days din ata na hindi ako nakapagpublish ng article. Alam nyo naman na siguro ang dahilan, at yun ay ang pagiging busy ko sa aking studies.
Pero hindi naman porket hindi na ako nagpupublish ng article ay inactive na ako kasi araw araw pa rin naman ako nagbabasa ng mga articles nyo at nagcocomment pa rin naman ako sa inyong mga article so hindi naman literal na inactive ako dito sa read cash.
Medyo naging busy lang po talaga. At kung naaalala nyo yung pangalawa sa huli kong article, I think pinublished ko yun noong June 2 sinabi ko at kinuwento ko doon yung tungkol sa research subject namin. Malapit na din kasi yung pasahan nun kaya inaasikaso na namin ng husto, hanggang June 20 na lang yung pasahan so meron na lang kaming 2 weeks para iaccomplish yung mga kulang pa namin. As of now nakagawa na kami ng survey questionnaires at ililipat na lang namin yun sa google forms then distribution na sa mga taong magsasagot ng survey o mga yung mga respondents namin. This week plano namin na matapos na ang pagpapa survey para next Monday ay aayusin na namin ang results.
Anyway tungkol na naman sa pag aaral ko ang usapan hahahha wala akong magawa dahil yun naman talaga ang dahilan ng pagiging busy ko pero hangga't maari nga sana ay ayoko na po pag usapan dito ang studies ko dahil baka nagsasawa na yung mga mambabasa ko dahil tuwing may article ako na ipupublished ay kasama na lang palagi sa usapan ang pag aaral ko hahhaha.
Pero may isa pa rin palang dahilan kung bakit naging busy po ako. Siguro yung mga nandito na kasama din sa Telegram group ng Joystick club ay alam na may naging event sila. And isa din yun sa mga pinagka abalahan ko. Actually hindi naman literal na pinagtutuunan ko ng pansin dahil pampalipas oras ko lang naman po yun. Naglalaro lang naman kasi ako noon tuwing wala akong masyadong ginagawa o naghihintay ako ng update sa research subject namin.
Noong May 30 nagsimula yung event nila pero hindi ko agad nalaman yun kaya hindi muna ako nakapaglaro. Yung event nila ay from May 30 to June 6 which is kakatapos lang kahapon. Sa tingin ko June 2 or 3 na ako nakapag simula maglaro doon dahil yun din yung date na nakabisita ako sa MetaMask tapos nakita ko nga yung event nila na once naglaro ka ng mga arcade games nila from May 30 to June 6 ay madodoble yung rewards na makukuha mo. Ng makita ko yan ay naglaro agad ako at masasabi ko naman na kumita ako sa ilang araw na paglalaro ko doon, sayang nga lang sana mas hinabaan pa nila yung duration ng event hahahha para mas marami sana akong naipon hehehehe joke lang po. At mas maganda sana kung may Joybot din ako kaso wala eh nasell ko na kasi yung JoyBot ko dati pa pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kumita naman ako ng konting halaga sa event nila kahit wala akong JoyBot at the same time nag enjoy din naman ako sa paglalaro ng mga arcade games nila doon especially yung Honey Comb yun talaga yung nilalaro ko palagi dahil madali lang sya tapos matataas pa na rewards yung nakukuha ko.
Sa Noise Cash naging inactive talaga ako ng ilang araw at aminado naman po ako doon. Hindi na ako masyadong nakakapag comment sa mga post at hindi na rin ako mismo nakakapagpost. At wala rin naman pala ako masyadong ipopost dahil kadalasan ay link ng article ko yung shine-share ko doon, tapos minsan yung mga kanakain ko lang hahhaha. Pero kanina ay nakapagpost ulit ako at balak ko na maging active ulit doon.
Medyo nabawasan na din po kasi yung gawain ko since yung research namin ay approved naman na tapos naayos na rin naman yung nga questionnaires na chineck ng prof namin last week, ilalagay na lang sa google forms yung survey and then ayon hihintayin na lang namin yung mga response. Then kapag okay na yung lahat ng mga responses computation na lang ng result and then konting konti na lang. Hahahha pero may defense o colloquium pa pala kami, muntik ko na makalimutan ah!
Sa ibang subjects ko naman po natatapos ko na yung mga gawain na kailangan ipasa kaya nababawasan na yung mga gawain ko. Nito ngang mga nakaraang araw ay ginawa at tinapos ko sila bukod sa research na ginagawa namin.
And that’s all for today. Hindi ko po sure kung makakapagsulat ulit ako ng article bukas, depende kung wala ako masyadong gawain. Salamat po sa inyong pagbabasa sa aking article. Hanggang dito na lang muna. Hanggang sa muli.
Sorry nga po kung Tagalog ito, hehehe medyo tinamad na magsulat in English eh hahhaha.
Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works. Thank you for your support and trust in me and my articles. Thank you again.
I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous. Please visit and read their articles when you have free time. Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading. And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles. Thank you very much too. And may you all be blessed for your kindness and goodness.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
Lead image source: Unsplash
...and you will also help the author collect more tips.
[Removed comment]