Keep Safe to all of us.

23 60

September 25, 2022. Sunday.

Good Day po sa inyong lahat. Wala sana akong balak magsulat ngayon pero dahil gusto ko lang ishare ang nangyayari sa araw ko ay napagpasyahan ko na rin na magsulat. Kaya nga Tagalog na naman itong article na ito kasi hindi naman planado ang pagsulat ko ngayon.

Kaninang umaga pa lang po ay may bumungad na sa aming masamang balita at yun ay yung mag bagyo nga na parating at ito daw ay sobrang lakas at ito ay may pangalang Bagyong Karding . Hind po kami nakakapanood ng balita sa TV kasi nga po ay wala kaming kuryente. At noong narinig nga namin ang usap usapan sa labasan at sa palengke na malakas ang bagyo ay nagsearch agad ako sa Internet kung totoo nga ang balita. Nagulat ako dahil nasa signal no.2 na ang probinsya namin ng makita. Nagpanic din tuloy yung mga tao dito sa bahay namin kasi natatakot na kami mangyari yung dati, yung binaha din kami tapos hindi kami prepared. Kaya naman ng malaman namin yun ay naghanda na agad kami. Binalot at pinlastic na namin yung mahahalaga naming gamit. Yung mga damit din namin binalot ko na at tinaas ko, sa lugar kung saan sa tingin ko ay hind na maabot ng tubig kung sakali nga na bumaha.

Automatic kasi na kapag inulan ng malaks ang Manila ay babaha talaga sa amin. Napupunta kasi sa amin ang lahat ng tubig na pinapakawala sa mga dam. Kaya kanina kahit wala pa namang ulan ay nag ayos na talaga kami ng mga gamit. Nagsisiguro lang kami at wala namang masama doon.

Nitong mga 1:00 pm na ay nakita ko na nasa signal no.3 na ang probinsya namin. Dyan na namin napagdesisyunan na umalis muna sa bahay namin. Maya maya lang ay may nag aannounce na nga na lumikas na daw lahat ng malapit sa tabing ilog at isa nga kami doon. Nagbababala na sila at gusto lang naman daw nila ay maging ligtas ang lahat.

Ngayon habang nagsusulat ako ay nasa bahay na kami ng isa sa mga tita ko. Mataas ang lugar na ito. Ito rin ang pinuntahan namin noong nakaraan na binaha kami. Ilang oras din bago kami nakarating dito. Malayo ito sa bahay namin kaya inabot din ng ilang oras ang byahe. May mas malapit sana na evacuation area doon sa bahay namin at yun ay sa School pero inaabot din kasi ng tubig yun kapag bumabaha na. Kaya dito ma talaga namin napili na magpalipas ng gabi at magpalipas na rin ng bagyo. May bata din kasi ngayon dito sa pamilya namin, yung baby ng ate ko, kaya inuna talaga namin ang safety ng lahat. Sininop o niligpit naman namin ang mga gamit namin. Mas mahalaga pa rin kasi talaga ang buhay ng tao.

Kung makikita nyo sa mga balita ngayon ay itinaas na nila hanggang signal no.5 ang ibang lugar. So it means ay sobrang lakas talaga ng bagyong ito. Kaya sana ay manalangin tayong lahat na kahit papaano ay pahinain ni Lord ang bagyo bago ito tumama sa Pilipinas. Kawawa na naman kasi ang maraming tao kung sakali ngang ganito kalakas ang bagyo, marami na naman ang mawawalan ng tirahan, ng kabuhayan, ng trabaho, ng makakain at iba pa. Kaya sana ay hindi na magpatuloy pang lumakas ang bagyo at sana ay humina na ito. At sana ay maawa ang satin si Lord at pakinggan nya ang ating mga dasal.

Kayo rin po, mag ingat po kayo at maging alerto at handa. Kung maari ay lumikas na din po yung mga nakatira sa tabing ilog at dagat para safe na po tayong lahat.

And let us all keep praying na sana ay palagi po tayong gabayan ng poong maykapal.

And that's all for today. Maraming Salamat po sa pagbabasa nitong aking article. Happy Sunday. Stay safe and keep safe po sa ating lahat.


I made it in Canva

Lead image source: Bagyong Karding

9
$ 1.13
$ 1.05 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.01 from @kingofreview
+ 2
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

Keep safe kayo dyan bhe. Sobrang lakas nga ni Karding ayon sa balita kaya yung kapatid ng partner ko na nasa Manila, sinabihan na nyang lumikas pag kinakailangan. Pray po tayo na sana di na sya lalakas pa... Kami, kahit nandito kami sa Mindanao, ramdam namin yung si Karding dahil sa malakas na hangin sa labas.

$ 0.00
2 years ago

Opo sabi nga po sa balita sobrang lakas pero buti po ng malapit na sya sa Pilipinas ay humina na po sya. Kaya thankful po talaga na pinakinggan po mga dasal natin.

$ 0.00
2 years ago

Sa amin ate signal number 5 skl haha. Bday ko kasi ngayon tapos dahil sa bagyo, feeling ko tuloy ordinary day lang haha. Nung nasa manila kami ate, di naman kami bahain pero yung isang street rito na malapit sa Sapa laging binabaha. Naalala ko non stranded kami almost tuhod baha para ka lang nasa pool konting ulan pa lang

$ 0.00
2 years ago

I hope safe naman kayong lahat now. And bawi ka na lang siguro next bday mo. Ito kasing bagyo na ito eh ahahha, hindi naman kasi natin mapipigilan yun. Ingat kayo palagi dyan.

$ 0.00
2 years ago

Buti naman sis at nakalikas kayo ng maaga. At salamat na rin na hindi nagtagal at humina ang bagyo.

$ 0.00
2 years ago

Opo mas okay na yung prepared po. Opo buti po talaga humina sya.

$ 0.00
2 years ago

Signal number 4 naman po ang declared dito sa amin, ingat po kayo diyan. Let's pray po.

$ 0.00
2 years ago

Sana po okay na kayo ngayon. Ingat din po palagi.

$ 0.00
2 years ago

Grabe un signal no. 5. Ingat kayo jan.

$ 0.00
2 years ago

Opo may signal no.5 pa buti na lang po humina sya at nadaan po talaga sa prayers.

$ 0.00
2 years ago

Happy Sunday πŸ’–πŸ’πŸ’

$ 0.00
2 years ago

Thank you. Have a blessed day to you.

$ 0.00
2 years ago

Samin naman 4, naku ingt po lahattt

$ 0.00
2 years ago

Okay naman na po kayo ngayon? Samin po hindi naman na naging ganun kalakas po at humina po sya.

$ 0.00
2 years ago

Thank God, ayos naman po, looking forward and praying para sa recovery ng mga affected

$ 0.00
2 years ago

Same po. Sana po ay makaahon sila very soon.

$ 0.00
2 years ago

Saan nga kayo ulit langga na probinsya? Ingat kayo diyan langga buti nag evacuate na kayo kasi delikado talaga pag tataas ang tubig haha langga. Kami din dito nag ready din. Mag pray tayo langga. πŸ™

$ 0.00
2 years ago

Sa Bataan po. Opo mas maganda na po yung maagap kami kesa magsawalang bahala lang po.

$ 0.00
2 years ago

Oo langga. Dapat pag may paparating na bagyo mas mabuti yung evacuate agad kasi di natin alam ang mangyayari. Mas mabuti yung handa.

$ 0.00
2 years ago

Tama po kesa hintayin pa po na pag evacuatin ng mga officials.

$ 0.00
2 years ago

Totoo langga at wag talaga makapante pag sa mga ganung sitwasyon mas mabuti yung advance palagi.

$ 0.00
2 years ago

Keep safe kayu jan ,pray lang . Naalala ko tuloy yung super typhoon odette ,grabe yung pinsalang dulot dito sa amin ,nasira bahay naminπŸ˜₯

$ 0.00
2 years ago

Salamat po. Opo part ng Visayas po yun eh. Ingat din po kayo always.

$ 0.00
2 years ago