How's my Monday?
March 7, 2022. Monday.
Hello guys. Kamusta naman kayo? Sana ay okay po kayong lahat, maayos ang inyong mga kalusugan at masaya po kayo palagi. Okay na ako ngayon, bumalik na ako sa dati, yung masiglang ako at masayahin. Natutuwa ako sa sarili ko dahil ilan araw lang ay nalagpasan ko ang pagsubok na kinakaharap ko. At ayaw ko rin kasi talaga malugmok sa kalungkutan, mas mabuti kapag lagi tayong masaya dahil lahat ng nasa paligid natin ay nagiging positibo din.
Anyway kamusta nga ba ang lunes ko? Ayos naman po ang lunes ko, dapat ngayon na ang simula ng klase namin (online class) pero walang prof o instructor ang nagmeet sa amin sa google classroom at google meet kaya wala akong klase ngayon buong maghapon. Nagkaroon tuloy ako ng time para maipahinga ang sarili ko at sa tingin ko ay naging malaking tulong na wala pa kaming klase ngayon dahil nakapag isip isip ako ng mga bagay at nabigyan ko ulit ng oras ang sarili ko para makapag relax. May idea ako kung bakit hindi kami mineet ng mga prof at instructor namin ngayong araw at siguro ang dahilan ay naghahanda sila sa nalalapit na limited face to face classes. Panay post na rin kasi ng University namin sa kanilang Facebook Page ng paghahanda ng aming campus sa pagbabalik muli doon ng mga estudyante, Professor/Instructor, employee at marami pang iba. Siguro ay inaayos nila ng mabuti ang mga dapat gawin para walang maging problema sa pagbabalik ng mga tao doon. Pabor naman sa akin yun kung busy sila ngayon dahil nagkaroon na naman ako ng time makapag pahinga hahhaha, ganun din ang iba kong classmate natuwa din sila pero may iba akong classmate na aral na aral na talaga at gusto na magsimula ng klase para daw hindi na maextend pa ang pasok namin, in short para matapos kami sa takdang oras at huwag mausog ang bakasyon namin. Hahhahha kakatapos lang ng bakasyon namin pero bakasyon na naman ang iinisip namin hahhahhaha. Well ganun talaga kapag estudyante ka pero sabi nga nila ay kapag tapos kana sa pag aaral ay mamimiss mo naman ang panahon na estudyante ka pa lang.
Kung mag face to face class nga pala kami ay hindi na ako tututol pa dahil wala rin naman talaga akong magagawa hahahha. Kanina may isa akong classmate na nagsend sa group chat namin ng “see you soon classmates”, ang kaklase ko na yun ay may katungkulan sa campus o member sya ng CSG ( Campus Student Government) sa madaling salita. Palaging nauuna yun sa balita dahil nga may katungkulan sya at ng magsend sya ng message na yan ay nagtaka na ako, ibig sabihin ay makakasama na nga kami sa face to face classes. At ilang oras lang ang lumipas ay nagpost nga sa Facebook page nila ang University namin na sa April 4, 2022 ay maaring kasama na kami sa limited face to face classes. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ko. Syempre masaya ako na magkikita kita na ulit kami at makakabalik na sa dati naming gawi kung saan sa school talaga kami matuto at hindi na sa kanya kanyang mga bahay lang. Pero syempre kinabahan ako dahil meron pa rin naman Covid at syempre sa gastusin na din, ang mahal na ng mga bilihin ngayon, pati pamasahe at iba pa. Pero ano pa man ang mangyari ay maggo go with the flow na lang ako. Maghahanap na lang din ulit ako ng trabaho yung as in work talaga na kikilos ako o babalik ako sa pagiging service crew katulad noon, pero hindi ko pa rin iiwan ang site/platform na ito dahil malaking tulong din talaga sa akin ito at mahal ko talaga ang read.cash. Kailangan ko lang talaga magtrabaho para mas matustusan ko ang pag aaral ko at iba pang mga pangangailan ko at ng pamilya ko. Sabi nga ng isa kong classmate/friend ay baka yung 300 pesos ngayon ay hindi na kasya sa isang araw at feeling ko tama naman sya doon kaya kailangan talaga ay mayroon kang pinagkukuhanan ng ganun kalaking pera kaya nagpagdesisyunan ko na kung matuloy talaga ang face to face classes namin sa April 4 ay maghahanap ako ng trabaho at magwoworking student ulit ako. Tutal 8 subject na lang naman ang meron ako at meron yung 24 units, sa iba alam kong madami yan dahil ang mga kagaya kong 3rd year college ay kadalasan nasa 5 o 6 na lang ang subject pero para sa amin ay kaonti na yan dahil dati nga noong 1st year pa lang ay 13 ang subject namin. Sa tingin ko ngayon na 8 na lang ang subject ko ay kayang kaya ko ng isingit ang pagtatrabaho, sana lang ay kayanin ng katawan ko na pagsabayin ulit ang dalawang yan. Pero kailangan ko talagang gawin yan dahil kung hindi ay hindi ko alam kung makakasurive ba ako sa face to face classes kung wala akong pera.
At iyan lang po para sa araw na ito. Ibinahagi ko lang po sa inyo ang nangyari sa aking lunes at ilang update na rin sa nalalapit naming limited face to face classes. Sana po ay nag enjoy kayo sa pagbabasa kahit papaano. Maraming Salamat nga din po pala sa patuloy nyong pagbabasa at pagcocomment sa mga article ko, naapreaciate ko po ito ng sobra at malaking tulong po ito para sa akin. Maraming Salamat po muli at Happy Monday sa inyong lahat.
Palagi nyo pong tatandaan na piliin nating maging masaya kahit na marami tayong problema.
Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works. Thank you for your support and trust in me and my articles. Thank you again.
I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous. Please visit and read their articles when you have free time. Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading. And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles. Thank you very much too. And may you all be blessed for your kindness and goodness.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
Lead image source: Unsplash
Good ! so your school is now offering face-to-face classes soon but make sure all are on good terms just like the precautionary measures against covid-19 viruses.