Everyone Starts With Nothing

I know now that everybody in the arts is forever a beginner. Experience counts for a great deal and very little. Every night onstage I feel I am starting from scratch, still not quite sure what I am doing and where I am going, thrown by the simplest thing that goes wrong. - Joan Rivers

Lahat naman tayo nagsisimula sa wala pero syempre lilipas ang panahon at magkakaroon din tayo dahil matututo na tayo.

Ang lahat ng bagay ay nagsisimula sa wala. Ang ibig ko lang sabihin ay lahat tayo ay wala munang alam sa simula pero habang tumatagal ay tsaka lang tayo natuto.

Halimbawa na lang ay dito sa Read.Cash wala talaga akong alam nung una. Kung ano bang meron dito, Kung ano bang ginagawa nila dito, Sino-sino ba ang mga nandito at paano ba ang takbo ng sistema dito. Sumubok akong makisali dito, nag sign-up at nag observe sa mga pwedeng gawin dito. At meron na nga sakin nagturo at sobrang salamat po sa iyo. At iyun na nga natuto na ako. Sa madaling salita wala talaga tayong alam sa una kaya walang masama kung magtanong ka ng magtanong upang ikaw ay matuto. At mas maganda kung may nagtuturo at tumutulong sayo sa mga bagay bagay na kailangan mong malaman.

Kaya naman dapat ay naiintindihan natin ang iba kung nagkakamali sila sa unang beses na sila ay sumubok.

Naisulat ko lang itong article na ito dahil naalala ko lang yung experience ko sa una kong trabaho. May mga hindi magandang bagay akong naranasan, nakakalungkot, alam naman nila na baguhan lang ako at ito ang una kong sabak sa trabaho ibig sabihin ay wala pa akong experience sa pagtatrabaho. May mga pagkakataon na nasisigawan ako, napapagalitan, pinagtatawanan dahil sa aking mga pagkakamali. Para sa akin ay hindi maganda ang ganitong uri ng pagtrato sayo kahit na sabihin pa nila na ganyan talaga sa una pero pag tagal tagal masasanay ka rin at meron pang nagsabi na sa mga sigaw na yan ka matututo. Pero para sa akin ay hindi ito kanais-nais. Alam kong may mga ganitong tao talaga pero hindi dapat nila ginagawa ito sa mga nagsisimula pa lang. Sila rin naman ay nagsimula ng walang alam sa trabaho nila bago sila naging magaling diba? Kaya naman bakit nila ito ginagawa sa mga nag uumpisa pa lamang.

Hindi ko dinamdam ang mga pagpapagalit at pagtawa nila sa akin bagkus hindi ko na lamang ito pinapansin paminsan minsan dahil alam ko naman Ang Tama o Mali. Tumagal ang panahon at natuto ako, nalaman ko ang lahat ng dapat kong malaman tungkol sa aking trabaho. Kaya naman ng tumagal ako sa aking unang trabaho at may iba na rin na dumadating na mga baguhan rin ay tinatrato ko sila ng Tama, tinuturo ko sa kanila lahat ng alam ko at minsan ay pinagtatanggol ko rin sila kapag sila ay napapagalitan dahil alam ko kung anong feeling nito. Pinapalakas ko ang loob nila kapag sila'y pinanghihinaan ng loob at sinasabi ko na pinagdaanan ko rin lahat ng pinagdaan nila.

So gusto ko Lang sabihin na dapat ay itrato natin ng tama nag mga taong nagsisimula pa lamang. At hanggat maaari ay turuan natin sila sa tamang paraan at hindi sa paraan na lalong bababa ang tingin nila sa kanilang mga sarili.

Authors Note:

Gusto ko din pala mag pasalamat sa taong nagturo sa akin dito sa read.cash. Tinuturuan nya ako ng mga bagay na alam nya din tungkol dito at pag may tanong ako ay sinasagot nya parati ito. Thank you Po @mommykim sobrang bait nyo po.

Thanks for reading this.

Stay safe and Godbless everyone.

Don’t forget to Be Nice and Be Good as always.

Bye.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

7
$ 1.25
$ 1.05 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.05 from @Eunoia
+ 2
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

I agree though. Because we all started from nothing. Lahat tayo ay nagsimula sa wala, medyo wala tayong alam, wala tayong knowledge, wala talaga, the isang araw bigla ka nalang sasabak sa ganito tsaka ganyan. Challenges ng buhay lang yan. I agree with you though. Anyways, new subscriberhereeeee.

$ 0.01
3 years ago

Kagaya ko nagsimula din ako sa wala pero ngayon medyo okay na ako dahil sa mga tumulong sakin . Pero dahil nga mahirap talaga na magsimula sa wala kaya tungkulin ko din huwag maging mapagmataas , turuan ang mga taong nangangailangan😊

$ 0.01
3 years ago

Opinyon ko lang naman ito . Yung mga panlalait nila at pagsigaw totoong nakakapagpatigas ito sayoat mahuhubog ka talaga na hindi madali ang sumabak sa laban..hehe. Pero kung ano man ang ginawa nila sayo dati, good thing di mo ginawa sa mga baguhan kasi alam mo ang pakiramdam.

Hahaha salamat naman at bumalik ka dito at nagsulat heheh.

lablab beb keep on writing!

$ 0.01
3 years ago

Yes. Lahat tayo ay nagsimula. Kahit nung baby pa tayo, siyempre wala tayong alam. So sa paglipas ng panaho, mapupunuan yon ng mga aral, mga kaalaman at kung ano ano pa. Gayon din sa trabaho. Nakakalungkot lang kasi may mga ganyang tao na tatawanan yung mga bago e doon din naman sila nagsimula hays. Dapat talaga unawain at turuan hindi kutyain at pagtawanan.

Anyways mabait talaga yang si mama @mommykim 💚

$ 0.02
3 years ago

ang swerte ko naman at nailuwal kita sa mundong ito nak hahaha chorrr!

$ 0.00
3 years ago

Happy to know you, ma! 😘

$ 0.00
3 years ago

hahaha happy to bore you nak hahaha

$ 0.00
3 years ago