Dahilan kung bakit ayaw ko sanang sabihin sa pamilya ko ang mga pinagkakakitaan ko online.
February 22, 2022. Tuesday.
Ng makilala ko ang mga site at platform na kumikita talaga ng pera ay tuwang tuwa talaga ako pero hindi ko kaagad yun sinasabi sa mga pamilya ko dahil noon ay hindi sila naniniwala na kumikita ng pera online at maraming scam online kasi silang nakikita sa balita. Pero nung sinabi ko sa kanila na ako ay legit talaga ang mga pinagkakakitaan kong site at wala naman akong nilalabas na pera sa mga ito at ako pa ang kumikita ay unti unti na silang naniwala.
Noong bago pa ako sa Noise Cash ay natuwa talaga ako ng kumita nga ako ng pera kahit mga maliliit na halaga lang. First time ko din kasing makahanap ng legit na pagkakakitaan online kaya labis talaga ang excitement at saya ko. Dati ay kumikita ako ng hindi bababa 50 pesos kada isang araw sa Noise Cash at naiipon ko yun dahil hindi ko pa rin sinabi sa pamilya ko na may tunay talagang pagkakakitaan ng pera online dahil marami silang tatanungin at kung ano ano pa ang sasabihin nila. Yung mga kinikita ko doon ay ginagamit ko pang load, pangbili ng mga pagkain ko at pang online shopping na rin at kapag tinatanong nila kung saan galing ang pera kong mga pinangbibili ay sinasabi ko na ipon ko ito noon pa.
Pero mas natuwa ako ng makilala ko na ang Read Cash dahil mas malaki talaga ang kitaan dito kumpara sa Noise Cash. At sobrang saya ko na naman ng mapansin na ang article ko ng bot at narewardan na ito at nagsunod sunod na nga iyun. Ng panahon na palagi akong gumagamit ng read cash ay hindi ako nakakapag bukas ng Noise Cash noon dahil may nangyari sa account kaya nagfocus na lang muna ako sa Read.
Ng medyo kumikita na talaga ako sa Read Cash nagsimula na akong makabili ng ibat ibang gamit sa mga online shops at napansin nila na yung iba kong binibili ay mahal na katulad na lang ng mga gamit sa kusina at nakabili pa ako ng sarili kong cellphone kaya nagsimula na silang magtanong kung bakit ang dami ko ng nabibili at hindi daw ba nauubos yung ipon ko. Doon ko na sinabi sa kanila na kumikita ako online sa pamamagitan pagsusulat ng mga article sa read cash. Madami pa silang tinanong pero lahat yun ay sinagot ko at pinaliwanag at naniwala na nga sila sa akin.
Nung time na nalaman na nila na kumikita na ako ng pera ay dun ako nag offer na yung mga grocery na katulad ng kape, de-lata, noodles at mga biscuits ay ako na ang bibili para mabawasana ang gastos nila at pumayag sila, tuwang tuwa pa nga sila eh. At tumagal nga ganun na palagi ang ginagawa ko at minsan ay nagse-share ako sa mga bayaring bills dito sa bahay kapag kulang yung pangbayad nila. At kapag nauubusan sila ng pera ay nanghihiram sila sa akin at syempre pinapahiram ko sila dahil pamilya ko sila at hindi ko na yun pinapabayaran para tulong ko na sa aming pamilya.
Pero habang tumatagal ay parang nasanay na sila na kapag nanghihiram sila sa akin ng pera ay hindi ko na pinapabayaran kaya paulit ulit ng nangyari, pero wala pa ring kaso sa akin yun as long as meron naman akong pera na maipapahiram at ibibigay. At nung tumagal pa parang ang dami na nilang inasa sa akin. Dati ay groceries lang ang nakatoka sa akin at kapag kailangan nila ng pera ay yun lang pero ngayon minsan sakin na rin galing ang pangbili ng bigas at minsan pati ulam. Kung natatandaan nyo yung article ko rin dati na may utang kami sa tubig na kulang 7,000 pesos at nitong mga nakaraang linggo lang ay nakakuha ako ng halagang 5,000 pesos sa mga airdrop na sinalihan ko, sinabi ko sa kanila na magshashare na din ako sa utang namin sa tubig at hinihintay ko lang na makumpleto ko na nga ang kulang 7,000 pesos. Natuwa sila sa narinig nila na yun. Tapos nitong mga nakaraang linggo ay ang bilis bilis maubos ng grocery na binili ko kaya kailangan ko na namang maggrocery ulit. Kaya naman hindi ko makumpleto ang 7,000 hanggang ngayon dahil palaging may kailangang bilihin. Meron naman akong extrang pera pero nakalaan kasi yun para sa pag aaral ko, maliit na halaga lang din naman yun, para kung sakaling may kailangan akong bilin na gamit sa school o mga project ay may mapagkukuhanan agad ako ng panggastos. Ang ilan sa mga subject ko pa naman ay kadalasan pagluluto kaya kailangan ko talaga ng pera palagi para pag may kailangan akong lutuin ay mag pangbili ako ng mga kailangan kong ingredients.
Ang mama ko kasi ay hindi araw araw ang trabaho, hindi katulad ng dati. Ang Ate ko naman ay natanggal sa trabaho nya noong nakaraang buwan pa, ang dahilan nun ay ang kalive-in partner nya. At ang kalive-in partner ng Ate ko ay umalis na, umuwi na sya probinsya nya simula nung nawalan ng trabaho ang Ate ko. At kaya din kinuha muna ng tita ko ang lolo at lola ko para doon muna sa kanila magstay dahil nga nawalan ng trabaho ang mga tao dito sa bahay at si mama ay hindi naman araw araw ang trabaho. Tinuturuan ko ang Ate ko ng Noise Cash at Read Cash pero ang sabi nya ay ako na lang daw ang gumamit nito at wag na sya dahil hindi sya mahilig sa mga post post lalo na sa pagsusulat. Pero ang dahilan talaga ay lagi kasi syang may kachat at ka-call sa cellphone (yung kalive-in partner nya) kaya hindi nya yun maaasikaso. Puro lang sila call, text, chat at video call nung kalive in partner nya pero hindi man lang sya pinapadalahan ng pera kahit alam nung boyfriend/live-in partner ng Ate ko na sya ang dahilan kung bakit natanggal si Ate sa trabaho nya. Gusto ko turuan si Ate para may extra income din sya pero ayaw nya dahil mas gusto nya yung laging may kachat at kavideo call kesa kumita ng pera, hahhahha pag-ibig nga naman!
At ngayon ay nakikita din nila na naglalaro ako ng Pegaxy at nalaman din nila na kumikita din ako dito ng pera dito kahit papaano kaya parang mas umasa talaga sila sa akin. Yung mga napapanood kasi nila sa KMJS na naglalaro ng mga online games at kumikita online ay dumadami yung pera kaya akala nila ganun din ako hays. Kaya yan yung dahilan kung bakit ayaw ko sana sabihin sa kanila na may pinagkakakitaan ako online dahil baka akalain nila ay marami na akong pera at kaya ko ng saluhin ang karamihan ng gastos dito sa bahay. Eh estudyante pa lang naman ako at ako nga mismo ang nagpapaaral sa sarili ko, simula noon pa man kahit wala pang pandemic, kaya marami na talaga akong problema tapos dumadagdag pa mga problema dito sa bahay.
Pero at the end wala pa rin naman akong magawa dahil pamilya ko sila kaya kapag kailangan ay nagbibigay pa rin ako at nagpo-provide ng mga kailangan namin dito sa bahay. Ganun talaga kapag mahal mo ang pamilya mo, gusto ko lang na sana ay hindi nila iasa ng husto ang lahat sa akin, dapat tulungan pa rin kaming lahat. At yan din yung dahilan kung bakit hindi ko maachieved achieve yung 1 BCH eh dahil hindi ako makaipon dahil palagi akong gumagastos dahil kailangan dito sa bahay. Pero kung naiipon ko lang sana ang mga kinikita ko dito sa sa Read at sa Noise ay baka dati ko pa yan naachieve at baka hindi lang 1 BCH ang naachieve ko na sa ngayon. Pero okay lang, para sa pamilya ay gagawin ako ang lahat! Ganyan ko kamahal at ganyan kalahaga ang pamilya ko sa akin. As long as kumikita pa ako at may pera pa ako ay sige lang ng sige.
Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works. Thank you for your support and trust in me and my articles. Thank you again.
I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous. Please visit and read their articles when you have free time. Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading. And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles. Thank you very much too. And may you all be blessed for your kindness and goodness.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
Lead image source: Unsplash
[Removed comment]