Yo-nu-ya; Ang pala-isipang hindi mawari kung ano?

12 47
Avatar for Eunoia
Written by
3 years ago

Bakit parang napakal-labo na ng mundo, ang bawat araw na sumpait ay siyang paalala na ang buhay ay parang isang realidad na lamang na piling tao nalang ang magkakaroon. Sa bawat araw na binabalita ay pahiwatig na ang ating buhay ay hiram lamang maging ang tao'ng nanghiram hindi alam kung kailan at saan itoy babawiin sa kanya.

Ako si Yo-nu-ya ang buhay ko ay puno ng kuro-kuro at kwestunableng paraan ng pamumuhay, ang aking mga mata ay nagbibigay salamin sa bawat taong nakikita nito, and tenga na siyang ginagamit sa pandinig ay hindi lamang loro at mga kulisap sa puno ng magga ang lawak na nakukuha kundi nararating din ang pait, kirot at mga panananghoy ng mga hindi ko naman kilala.

Ang buhay ay isa pading palaisipan sa akin. Bakit ba tayu nabubuhay sa mundong ito? bakit may nawawala at biglang may bagong buhay na darating? bakit ang gustong bumuo ng buhay na bata ay hindi pinagbibigyan, subalit ang taong hindi hinangad ay siyang nabibiyayahan?.

Sa paglipas ng buhay ano ngaba ang susunod? Kamatayan? Ano ba ang kamatayan? Isinasadula ang paghihirap ng tao ay mawawakasan sa kamatayan, ngunit sa ibanghelyo na naniniwalang may purgatoryo na siyang lilipunon sa masasamang gawa ng tao ay papahirapan at siyay magdurusa ng walang hanggan.

Hindi bat ang isang taong nakagawa ng kasalanan minsan dahil sa hirap at pait ng buhay kaya sila'y napiling gawin ang hindi kanais-nais na sitwasyon na imo ba-gang diyablong kumakapit sa kanilang katawan? Kung ganon ay ang kamatayan ay hindi paghilom sa sugat na mayroon sila noong silay nangabuhay kundi ang kamatayan ay siyang kadenang bakal o hindi naman kaya ay ginto na walang sino mang may kakayahang sirain at biksihin.

Ang pala-isipang hindi ko mawari kung ano? Ano ang mangyayari kinabukasan? Kinabukasan ko ba ay makikita pa? O sadyang itoy hindi na ipapakina nang kung sino mang may kakayahang bumukas ng pintuan patungo sa umaga habang ang mundo ng realidad ay madilim at ang patutunguan sa dapit paroon ay hindi alam kung magiging maganda ang katuturan?.

Minsan napapi-sip din ako kung bakit tayu may isip? Kung ang rason kung baket ang utak ay ginawa upang mabuhay, may mga litaw na hayop at halaman na wala nito ngunit sila ay buhay padin? Kung minsan ang kalaban ay hindi ang bagong nilalang na umaatake sa baga ng tao kundi ang nilalang na namumuhay sa loob ng utak ng tao.

Ang lahat ng palaisipan ay gawa ng matatalinong utak, ang ulo na siyang nagtanong at nangangarap nang produktibong kasagutan ay muling mahirap na tanong ang lumabas sa kanyang pagsusulit.

Kung minsan nandiyan na ang katutuhanan ngunit ayaw tanggaping ng matalinong isip at hindi maiwasang magtanong. Totoo bang may buhay sa susunod na kamatayan?

Ganito umi-ikot ang mundo ko, ang kalabang hindi makita ng dalawa kung mata at naninirahan lamang pala sa itaas nila, ang pandinig ko na malinaw na kahit hindi sabihin ay nadadama ko ang bawat emosyon ng tao. Ito ang pala-isipang hindi mawari kung ano? Ang siyang bumubuo sa pala-isipan ng buhay ko, at nang iyu.


Ang pala-isipang hindi mawari kung ano?

Original na likha ni Eunoia

Isinilang akong may sariling pag-iisip,

Ang bawat letra sa salita ay nagpapasilip,

Sa taas at baba ng aking aking pag-idlip,

Dama ko ang kapangyarihan subrang sikip.

Na tila ang dagat at bundok ay buhay,

Ang dalampasigang uma-ampas ng lumbay,

Ang puno ay kanlungan ng tambay,

alam ang estorya ng tao sa kanyang lamay.

Ang isip ng tao hindi basta biro,

Ang ideya ng matalinong may libro,

Kayang baguhin ang katapusan ng liro,

Ang kaisipan ay nagdadala ng sapiro.

Sapiro na galing dragon ng kanluran,

Gawa ng palaisipang may katuturan,

Bigkas ng puso ko ay tila kalakaran,

Ang buhay ko ay isang munting panitikan.


Salamat sa pag-gugol ng iyung oras, ang gawang ito ay biyaya ng ulan sa aking isip, huwag seryusuhin at gagayahin sapagkat itoy gawa lamang ng inyung ginoong lingkod (Halakhak) .

13
$ 8.32
$ 7.90 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Bloghound
+ 9
Sponsors of Eunoia
empty
empty
empty
Avatar for Eunoia
Written by
3 years ago

Comments

Sa bawat letrang iyong isinulat, ako'y napamangha sa aking nababasa sapagkat ikaw pala'y isang magiting na makata.

Char, hahaha

$ 0.00
3 years ago

Ang lalim ng mga katagang ito, di ko mawari ang ibang kahulugan ng aking mga nababasa basta ang mahalaga ang Diyos lang ang may alam ng ating patutunguhan, tayo's magtiwala at manalig lamang sa kanya. Grabeee akala ko sa english lang ako nanonosebleed sa tagalog din pala ang lalim.

$ 0.00
3 years ago

Pwede! Hehe. Basta alam ko pag namatay babalik lang tayo sa dati nating estado, ang maging kaluluwa. :D

$ 0.00
3 years ago

Wala naman purgatoryo e. Hindi naman yon nasusulat sa bibliya . And may utak din naman yung ibang mga hayop kaso mataas nga Lang yung level natin sa kanila.

Pero sa totoo Lang , wala naman talaga may alam ng lahat. Saaakit Lang ulo ko kapag inisip mo ng paulit ulit hanggang sa mapunta kana sa ibat ibang aspeto base sa iyong pagkakaintindi

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Grabe Ginoo napaka-makata mo! Hahahha pati ako po ay nadadamay sa paggamit ng malalalim na salita. Galing nyo po, good job po sa inyo. 👍

$ 0.00
3 years ago

Galing galing naman. I like the poem..

$ 0.00
3 years ago

"Napa isip ako kung bakit tayo may isip", napaisip din po tuloy ako hehe, pero dahil ang Dios ang may likha sa atin kaya package na po.

$ 0.00
3 years ago

Napakalalim na man ng mga salitang ibinahagi mo ngayon, kaibigan. Nawa'y sana ako'y makaahon. Ang isang makatang katulad mo ay karapat-dapat na makilala.

$ 0.00
3 years ago

akala ko dati ito ay yu-no-i-ya, ngunit ako'y nagkamali pala HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Isa kang makata . Ang iyong pagbigkas ay talagang kahanga hanga, mahirap gumawa talaga ng artikulo sa salitang tagalog bagkos sobrang lalim ng ating mga salita. Maraming Palaisipan talaga sa mundo ako ang akin naiisip mga kakaiba na hindi naman dapat natin maisip . Sobrang galing talaga ng diyos dahil binigyan na ng sobrang talino ang mga tao.

$ 0.00
3 years ago

Ang mga palaisipang ito ay tyak naman may kasagutan. Sguro hindi pa natin makikita sa ngayon pero eventually, mahahanap din natin. Di kaya talaga magtagalog ng straight. Haha

$ 0.00
3 years ago

Noon ko pa kaya winawari yan, kabsat. Pati pagbigkas, nahirapan ako nun hehe.

$ 0.00
3 years ago