Ang Pagbabalik nang Multo ng Kahapon at Nagdaan

10 51
Avatar for Eunoia
Written by
3 years ago

Sa ilalim ng itim na usok, naghihintay ang isang panganid sa dapit hapon. Ang huni ng nagmamakaawang iyak ng bata sa kanyang ina ay rinig ng buong kabahayan, and pighati sa sugat at hapdi ng kanyang nakaraan ay tila isang nobela na muling bumabalik sa pagkaraan ng ilang sandali nang kanyang pagkawala.

Si Leonardo, isang lalaking at ama tanging hangad ang mabigyan ng maganda at kaaya-ayang buhay ang kanyang pamilya ay nanganganid ngayun sapagkat ang multo ay muling lumabas sa lungga, ang pilit niyang binabaong ala-ala ay lumalabas, ang isang nakaraan na wala nang lugar sa kasalukuyan.

Nakahanda na ang lahat, nakangiti at tila ba walang bahid ng anumang pag alinlangang isinuko ni Leonardo ang kanyang dalawang kamay sa tatlong tao na nakasuot ng uniporming pang polisya, and bawat tao sa paligid ay nakatingin lamang sa kasalukuyang gitnang parte ng nobela. Ang pahirapan ang bida, susunod ay ang iba pang eksina.

Sa isang banda ng buhay na tila ba isang pelikula sa sine, isang bata ang nakatanaw wari hindi alam at hindi mawari ang kaganapan. Isang Musmos pa lamang pilit ini-intindi ang mga eksena sa kanyang actual na tilebisyon, ang nakakatandang nanonood, ang dalawa o tatlomg grupo ng nakakatandang kababaihan ay tila ba nagkakaroon ng diskurso sa kung ano ang nangyayari at kung ano ang magiging kahihinatnan.

“Anong nangyayari ina?” Tanong ni Lenardo sa kanyang Ina, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang iho. Ngunit hindi na kailangan pa ng bigkas sa labi ng nag-iiyak na babae upang hindi makuha ng batang Lenardo na kukunin nila ang kanyang Ama.

Ano ang kasalanan niya? Tanong ng bawat sa paligid. Siya ay kilalang tagabungkal ng lupain, pastol at nagpapakain sa alagang hayop ay inakusahang mag-nanakaw. Ano ang ninakaw niya? Hindi mawari ng inaakusahan kung ano, ang tanging alam lamang ng husgado ay ninakawan niya ang mayamang tao. Baket kaya takot manakawan ang magnanakaw?

Sa tunay na kwento.

Nakahawak sa isang piraso ng bakal si Lenardo, nakatingin lamang sa kanya ang isang lalaking pulis. Malaki ang tiyan at katawan, hindi kaaya-aya ang pagtitig niya nito sa noong bata ngayun at binatilyo na. Hinahaplos niya ang tubong bakal, hinihipo na tila may hinahanap. Nagsanhi ito ng kakaibang pagkainis ng warden na nagbabantay sa kanyang balak na silid.

Isang multo ang pagpakita sa kanya, noong panahong ang Ama niya ang nakahawak dito ano kaya ang ini-isip niya? Tanong sa sarili ng binatilyo. Kahit ilang beses siyang sawayin ng bantay ay hindi parin niya kayang iwan ang pagkakahawak sa kanyang kamay, pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Pagsisi at pagtawag sa kapatawara ay wala siya, walang pagsisihi at tanging hangad niya ay hindi makalabas kundi malaman ang katotohanan, Ano ang nangyari sa kanyang Ama pagkatapos? Ano ang mangyayari sa kanya sa susunod na araw?

Sa pag-alis ng kanyang Ama, ay nawalan na siya ng isang bahagi. Ang paglisan ng kanyang Ama ay kasabay ng pagkawala ng ulira ng kanyang Ina. Ano pa ang ina-asahan ng tao sa kanya?

Ang katagang “Kung ano ang puno ay siya ang bunga”. Madalas nilang naririnig ang salitang iyun sa bibig ng ibang tao. Ano sa tingin nantin ang mangyayari kung sa araw-raw ay pinapa-alala ng sosyalidad ang nakaraan ng kanyang puno? Ano ang mangyayari sa bunga kung lagi siyang inihahambing at inakusahang katulad ng pinanggalingan puno?

Tuwid at katutuhanan na ang bunga ng manga ay sisibol ng kaparehong puno, ngunit ito ay ibang-iba na sa pinaggalingan niya, ang porma at taas ay hindi magiging pareho at eksaktong hawig sa pinanggalingan niya, ngunit kung ang batang puno ng magga ay minarkahan na kung ano magiging hawig niya sa pagtanda, tiyak doon ang paparatingan niya.

Ang kwento ay sumasailalim sa katotohanan, ano ang kasalanan ng bunga upang isisi at bigyan siya ng multo ng kasalanan ng magulang nila? Kasalanan ban g musmos kung ano ang ginawa ng mas matanda sa kanila?

Pagbalik sa kwento

“Ano kasalan  mo?” tanong sa kanya ng babaeng tagahukom. Tumitig siya sa naaayun. Ano ba kasalan niya? Hindi niya alam, sapagkat wala siyang alam. Ano ba ang batas? Hindi din niya alam kung para kanino iyun, sa kanya o sa iba. Kung kasalanan niya ay maging mahirap kung ganon, wala na siyang dapat ipaliwanag pa.

Naka-upo siya malapit sa tagapagsalita ng hukom ngunit hindi padin niya maintindihan ang bigkas nila. “Kasalanan nanaman ba ang hindi nakapag-aral?” wala nanaman siyang magagwa kundi tumahimik sapagkat ang ulo niya hindi pareho sa pag-iisip ng karamihan.

Ang paghahatol sa kanya, tanging alam niya ay may nagawa siya, ngunit kung ano hindi alam ang katutuhaan, marahil ganito din ang nangyari sa kanyang Ama, ang malugod na pagtanggap niya sa kasalanan hindi mawari kung tunay o hindi dahil tanging hindi pag-imik ay tanging kaya niyang isambit.

Credit to Karsten Winegeart from Unsplash.com

Napakagulo, ganyan ang buhay ng karamihan hindi alam ang tunay na kasalanan. Walang ideya kung ano ang pinasok at papasukin nila, kaya ikaw datapwat isang nabiyayahan ng pag-iisip at edukasyon.

17
$ 7.54
$ 7.11 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 8
Sponsors of Eunoia
empty
empty
empty
Avatar for Eunoia
Written by
3 years ago

Comments

Minsan ay hindi naman po totoo na kung ano ang puno ay sya rin ang bunga, nasa tao na lang po iyun kung gusto nilang baguhin ang sarili nila. Pero yun po ang mahirap yung wala ka pong pinag aralan kaya wala kang magawa sa sitwasyon mo at hindi mo po maipagtanggol ang sarili mo sa mga mapang-aping tao.

$ 0.00
3 years ago

Yan ang mahirap ei. Kapag wala kang pera kapag mahirap ka kawawa ka. Pera lang mahalaga sa mga taong gahaman. Kung sino pa edukado siya pa ang parang walang utak.

$ 0.00
3 years ago

Dumugo ilong ko pre pakipahiran...minsan naman talaga ang pera na ang nagiging batas at nabubulag na ang mga nasa kinauukulan at di na nila kayang pag hambingin kung sino ang may sala

$ 0.00
3 years ago

Napakalalim naman nito serr. Pero ang naintindihan ko ay kung gaano ka importante and edukasyon kasi maipagtatanggol natin ang ating sarili ng maayos kung alam natin ang proseso ng pakikipaglaban

$ 0.00
3 years ago

Kung ano ang puno, sya rin ang bunga. Isang kasabihan na hindi sa lahat ng panhaon ay tama. Dahil unang una, hindi isang puno ang ang tao. At kahit kambal man ay may pagkakaiba parin. Nakakalungkot na kung minsan ay, nahahatulan tayo ng nga kasalanang hindi natin mawari kung paano natin nagawa.

$ 0.00
3 years ago

napaka lalim ng iyong mga ginagamit na salita, para bang ako'y nalulunod habang binabasa ko itong iyong artikulo HAHAH

$ 0.00
3 years ago

Nangyayari talaga to sa totoong buhay. Nakakalungkot kasi bakit ganito Ang pagtrato ng iba , Hindi makatao.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Napakalalim ng iyong pananalita. Pilit kung unawain ang mga salitang aking nabasa. Ang nakuha ko lang ay ang ama ay napagbintangan at ito ay walang kakayahang ipagtanggol ang sarili sapagkat ito'y walang pinag aralan.

Masaklap nga iyan. Kaya dapat bigyang pansin ang pagpapa aral sa mga anak upang hindi magaya sa mga magulang na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kung hindi man kaya na makapagpatapos ng anak. Kahit na turuan man lang na magbasa at magbilang!

$ 0.00
3 years ago

Mahirap maging mahirap talaga 🤧. Nakakainis yung pulis na malaki ang tiyan, sila itong naturingan na edukado pero ang kaya lang hulihin e yung mga hindi maka laban sa kanila, pero kapag mga mayayaman para silang aso na sunod lang ng sunod sa mga gusto grr... Kainis Kung ano man ang kasalanan ng ama at ina maling ibentang rin ito sa anak, hays sana mabago na yung ganyan. Salitaan ni maretes yan e HAHAHAHA lol.

$ 0.00
3 years ago

Hindi ko lubos maunawaan ang lalim ng mga salita sir pare 😂 Pero alam kong magulo talaga ang buhay kaya magpakatatag lang tayo lagi.

$ 0.00
3 years ago