Sinundo ang aking mga chikiting kasi may practice pala sila ng kanta. Magrerecord ng awitin na dedicated para sa mga magulang. Magkakaroon kasi ng church event na exclusive sa mga parents kaya siguro may song number ang mga bagets. 😍 Pero dahil ayaw naman natin na maexpose sa crowd ang mga bata kaya ibi-video na lang nila. Kagagaling ko lang doon at nanuod sandali ng practice nila. Malapit lang naman dito bale sa kabilang street lang. Nakakatuwa panoorin ang mga bata! Nakakahappy na nakikitang nag-eenjoy sila. Umuwi na din ako kasi meryenda time na nila. Dinalhan ko din sila ng juice at saka milk ni bunso baka kasi manghingi doon. Ako lang mag-isa sa bahay kaya nakakapanibago ang katahimikan. Di ako sanay! Haha! 😂
6 comments
Ang ganda siguro makapanood diyan sis.. enjoy na enjoy sila eh ou
Enjoy na enjoy si bunso ko sis pero parang iba 'yung kinakanta nya sa kinakanta ng lahat. 😅
Ahaha naiimagine ko nga sis yung ganyan pero hayaan na natin at enjoy naman siya. Hehe Happy sunday sissy ko. Namimiss na kita dito mag chikahan. Super busy kana palagi
Siguro na miss din nila ang paglabas sis, at may mga makasalamuha na iba. Mukhang enjoy naman talaga oh
Enjoy na enjoy sila kasi marami silang kasamang bata. Rehearsal / playtime na din.
Hehe she is so cute just like Barbie Doll 😍❤