read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Done with our dinner! Nagluto ako ng ginataang gulay pero ako, si mister at si Bertt lang ang kumain. Nagprepare naman ako ng fried egg para kay bunso at si Elyzz naman nagpa-open lang ng canned tuna. Ang hirap magprepare ng pagkain kapag picky ang mga bata. Kahit naman pilitin e ganun din. Aasa na lang na paglaki nila e kakain din sila nyan since nakikita naman nila kaming kumakain palagi ng gulay. Kumain na ba kayo? Parang gusto ko ng magkape pangtanggal pagod. Kayo ba nagkakape din bago matulog? 🤔

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.