read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn more from that month

Preparing na for lunch! Habang nakasalang at pinapalambot ko pa ang pork para sa aking nilaga e pinapatapos ko ang pagsusulat ng names nila sa module. Syempre di mawawala sa klase ang saling ketket na bunso! Never umabsent at never nawala sa eksena mapa-reading or writing pa yan. Kapag tinawag ko na mga kapatid nya nauuna pa yan sa lamesa with matching raised hand at sabing "Me first." Maaga syang natututo at kabisado na nya ang letters and sounds. Feeling ko sa mga susunod na araw pwede ko ng iintroduce ang cvc words sa kanya. Pero di ko sya kailangan madaliin at dapat ang focus ko e sa 2 ko parin. Nakakahappy lang na damay na din sya at mukhang di na ko mahihirapan kapag turn na nya. 👌

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.