read.cash Log in

@ElyzzBerttErynn

Joined 6 February 2021 · 3288 posts

120 KT

0 KT · 50¢ received · 0 KT given

Posts

E@ElyzzBerttErynn

Hanggang ngayon ang bunso ko kapag nasosobrahan ng laro e nahihirapan sa pagtulog. Pagising-gising at nananaginip! Magigising na lang ako nagsasalita sya at galit, minsan naman naiyak at nagsusumbong at kung minsan naman natawa. Pati ako natatawa na lang din! Medyo nakakapuyat kapag ganun pero kinakausap ko sya kapag nagsasalita ng tulog at nasagot naman. Haha! Nang magising sya nagsabi na agad na gusto nya manuod ng tv. Erynn: Mama, I want to watch colors. Me: Offering her the tab. Erynn: No, I want on the tv. Me: Okay, go and get the remote. Erynn: You go and get it, please. (atleast may plis 😁) Me: No. Mama is sleeping. (I closed my eyes and pretended to be sleeping 😅) Erynn: (She's tickling me but she's the one laughing hard.) Me: Why are you tickling me? Stop. I am sleeping. (Panggap parin aketch 😅) Erynn: (She's still tickling me while saying..) I want to wake you up and find the remote. Me: Natawa na lang ng tuluyan. At ayun na nga ako na kumuha ng remote at nanunuod na sya ngayon. Sobra talaga sa kulet ang bunso ko na 'to. Sa kalokohan din e nangunguna! Kagabi naririnig ko sya sinasabing "enjoy ate". Dedma lang ako kasi yun pagkakaintindi ko. Narinig ko ulit, " you're an enjoy ate". Isip-isip tuloy ako bakit 'enjoy'? Paulit ulit sya at "onjoy" pala ang sinasabi sa ate nya. Nagtanong na ako sa kanya 'what's onjoy?'. Sagot ba naman e, "ate is a monkey. She's an 'onjoy'. Natawa na lang kaming mag-asawa! Di naman namin sinaway na bad 'yun kasi nagpipretend play silang mag-ate and not to mock her naman. At dahil nagtatawanan kami at kahit kinocorrect na namin sya na " unggoy" dapat e hindi nya binago. Pinanindigan nya ang "onjoy" at sige parin sya sa kakatawa. Good vibes only! Happy morning. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Nakakawow lang! 😍 May ganito pala. Hehe! Got some ayuda from school! Yey! Fresh cow's milk, calamansi juice, banana, milky buns and fortified rice. Wala na sana akong plan na magpunta pa kasi maulan kanina tapos gusto pa sumama ni bunso ko. Mabuti nakisama ang haring araw at tumigil din ang ulan. Sayang naman diba kung di ko makuha. Tamang tama need ko ng fresh milk kasi ubos na ang supply ko para sa cereals ng mga bata. 😁💚

E@ElyzzBerttErynn

Kakatapos ko lang magpapractice writing kay Elyzz at Bertt. Ang bilis lang ng panganay ko tapusin ang pagsusulat ng name nya sa isang buong paper pero si Bertt ko inabot ako ng pagkatagal tagal. 😂 Di ko pwede iwanan dahil lalong walang matatapos. Panay reklamo at sige ang tanong kung di pa ba daw matatapos. Sabi ko naman paano matatapos kung di naman sya susulat. Haha! Lahat na ng pagmomotivate ginawa ko na para matapos lang kami. Usually kasi kapag nagpapasulat ako hanggang 3 lines lang kasi may spacing. Pero dahil ipapasa kay teacher e required na puno ang buong papel. Nahirapan tuloy si Bertt ko pero okay lang at natapos din naman. 💪 Good job kiddos! 🥰

E@ElyzzBerttErynn

Dami kong pagod at gutom. Tara meryenda po tayo! Kauuwi lang naming mag-iina galing sa school. Yung 30mins na schedule ni Bertt ko e inabot ng halos 2 hrs. Pinagsabay-sabay na kasi ang 3 students kaya mas mahaba na ang duration. Tapos si Elyzz e sinali na din so bale naging 4 na sila Okay naman para sa first experienced ni Bertt ko sq actual school. As per his teacher fast learner naman ang anak ko at si Elyzz naman daw ay marunong na. Si Bertt nga lang daw e madaling madestruct. Which is true naman talaga dahil pagdating pa lang namin doon gusto na nya magplay. 😅 Pinag-answer and sign din ako sa survey if willing ba kami as parent sa face-to-face classes. Nag "NO" ako but inexplained ko naman kay teacher na "depende" parin sa magiging set up nila sa classroom saka kung hindi iimplement yang mandatory vaccine. Kayo po ba willing ipavaccine ang mga anak nyong 5 to 11yo? Kami po kasi e hindi. 😁

E@ElyzzBerttErynn

Nastress ako ng pagkaaga! Hahay! Two days ago nag-announce na may meeting sa school today ng 11am to 12nn but last night na-canceled. At instead of meeting may one-on-one schedule mga bata at si Bertt ay nakaschedule ng 9am. Nakaready to go na kaming mag-iina pero buti napasilip pa ako sa gc at namoved daw ang schedule ng 1pm dahil tuloy na naman daw ang meeting ng 11am. Nung Monday dapat si Elyzz may schedule din ng 11:30 tapos namoved ng hapon tapos ending canceled din. Sa ganito talaga ako naii-stress ng sobra kasi nakakasira ng schedule lalo kapag naset mo na sa sarili mo na eto 'yung "to-do list" mo. Nakailang set na ng schedule at laging canceled or mamoved ng oras tapos wala pang napupush maski isa. Imagine n'yo 'yung pagmamadali ko ngayong umaga sa pag-aasikaso ng 3 bata para on time kami sa schedule na yan. Package deal pa etong 3 ko kaya schedule ng isa e schedule ng lahat. 😔 Ngayon 1pm schedule ni Bertt pero may meeting pa ng 11 to 12nn. Kung mag aattend ako need ko na din magprepare ng maaga for our lunch at magbabaon pa. Uuwi pa ba kami nun e sobrang kainitan? May "S" na ako at parang ayaw ko ng mag-attend. Tsk. Nasakto sa period ko kaya malala ang "S". 😤 Sorry na agad ang aga e!

E@ElyzzBerttErynn

Canned tuna sisig for dinner! Di na ako naglagay ng labuyo kasi finger chillies pa lang grabe na sa anghang. I used calamansi flavored century tuna para may asim factor na agad but kanina parang nakulangan pa ako kaya nag-add pa din ako ng calamansi. Dagdag din ng chicharon para crunchy! ☺ May chicken tinola pa from our lunch. Pinasobrahan ko talaga para abot na ng dinner. Reheat na lang at solved na! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Lunch time na! Late na kami nakatapos sa module pero buti at mabilis naman magluto ng tinola. Di parin late sa oras ng pananghalian. Chicken tinola at cheesedogs na tira pa ng breakfast. Kapag nagprito ako lagi akong may pasobra. May times kasi na gusto ni Bertt gawing meryenda yan. ☺ Tara po, kainan na! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Kapag ang activity sa module ni Elyzz ay nagrerequire ng pagko-color e kailangan talaga maglaan ako ng mas mahabang oras. Kahapon 2 activity lang natapos namin sa mahigit isang oras. Isang pagkukulay at isang matching type activity. Grabe sya magcolor bawat detalye sa picture ninanamnam nya. Pinagmamadali ko na nga sabi ko okay na pero ayaw nya di pa daw okay. Haha! 😂 Pinagmamadali ko kasi ang tagal nya at di kami makakarami ng matatapos. Pero naisip ko naman na sa arts nga talaga ang passion nya. Kaya ngayon nakita ko na magkukulay na naman sa activity kaya maaga ko na sya pinagstart. Paniguradong aabutin na naman kami ng tanghali e hindi pa nya tapos. Kapag si Bertt naman ang may coloring activity napakabilis naman! Malingon lang ako pagtingin ko tapos na. Pero goodluck naman sa gawa nya basta may ilang stroke ng color e okay na agad sa kanya. Enebeyen! 😂

E@ElyzzBerttErynn

Nakauwi na si mister. Maaga sya ngayon at opening shift lang sya today. Sumaglit muna kami sa Dali store at kapos na ang aming available stocks at di na aabot pa sa payday. Petsa de peligro is real. Hehe. Dinner time na! Chicken adobo at ginisang ampalaya with pork giniling and egg. Humirit din ako ng sprite at medyo mainit ngayon. 😅 Tara po kainan na! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Nag-announced si teacher na canceled ang one-on-one study session ng mga nakaschedule ng umaga. May faculty meeting and pictorial daw sila. Supposedly 11:20 to 11:40 si Elyzz ko kaya kasama sya sa mga nacancel ang schedule at namoved sa Wednesday afternoon. Okay na okay naman sa akin kasi namroblema nga ako sa oras na yan kasi tanghali at napakainit. Okay lang papunta kasi medyo malapit lang dito sa amin ang sakayan ng trike. Pero kapag pauwi na at galing doon napakalayo ng lalakarin naming mag-iina. Mas natuwa pa nga ako sa bago nyang schedule na 4pm. Di na masyadong kainitan ang pag-uwi namin. At kahit malayo ang lalakarin palabas e maeenjoy na naming mag-iina ang alay-lakad/gala! 😁 Kakatapos lang sa gawain sa kusina. Magkakape muna before magpamodule! Pangdagdag energy yarn! 😆

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang sarap sa pakiramdam na marami tayong naaccomplished sa buong araw natin. Kakatapos ko lang maglaba at nakapagprepare na din ako for our dinner. May natira pa namang sinigang from our lunch kaya reheat na lang. Pero dahil wala ng laman na mackerel kaya nagprito na lang ako ng luncheon meat para dagdag. May ulam na sabaw at meron ding prito, match parin! Eto namang ampalaya e niready ko para bukas ng madaling araw. Maaga kasi pasok ni mister at mahirap na laging rush mas okay na ready na! Igigisa ko with pork giniling and eggs. 😉 Busog pa naman ang mag-aama ko at nagluto ako ng pancake kanina para sa meryenda. Ngayon e masyado din silang busy sa panunuod ng Transformers. Ilang ulit na nilang napanuod yan pero kapag titingnan mo sila parang laging first time. Grabe mga reaction lalo mga anak ko. 😅 Nang umaga nakatapos ako ng reading sessions sa mga bata. Nitong hapon naman nakapagpapractice writing din ako. Sobrang busy pero hinayaan ko parin si mister na maenjoy nya ang kanyang rest day. Dami kong pagod pero nakakahappy lang! 😁 Bukas pala papasok kaming mag-iina sa school. May one-on-one class si Elyzz pero dahil nakapackage deal kaming mag-iina kaya kaming lahat e papasok bukas! Goodluck naman! 😅

E@ElyzzBerttErynn

Mega Mackerel Sinigang! First time ko maitry magluto nito kasi usually ang ginagamit ko 'yung regular sardines na color green tapos talbos din ng kamote nilalagay ko. Ayos na ayos kasi napeke ang mga kids ko na fish sinigang talaga sya. Di kasi sila nakain ng sardines kaya tamang tama na buo pa 'yung mackerel. Nagustuhan nila at dami nilang nakain! Makapagstock na ng marami nito next na maggrocery. 😁 Napakamatipid na recipe! Swak na sa lasa, swak din sa bulsa! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Uy may pa-tsoklet! 😍 Napaaga ang pachocolate ni mister. Naexcite ako sa pag-open ng card pero wala naman palang nakasulat. Haha! Sabi ko sa kanya bakit di man lang sya nag-effort kahit pa-i love you man lang. Sabay sabi sa akin na susulatan na lang daw nya. Naku huwag na, nagtampo na. Joke! Okay lang, tam-es parin naman! Tuwang-tuwa mga kids lalo na ang bunso ko na mahilig din sa matamis. Ang sabi sa akin e, Erynn: You're gonna share it with me, right!? Because we're bestfriends! And, I love you. Oh diba ang sweet din! Muntik ko na ngang ibigay sa kanya ng isang buo e! Ibang level humingi si Erynn ko. Ang tawa ko na lang sa kanya talaga! 😅 Edit: May pahabol na hirit si mister e! Ang pagmamahal daw nya ay "more than words". Kaya ayun sige na abswelto na kahit wala nang pasweet note. 😂

E@ElyzzBerttErynn

Weekend na dapat pahinga ng mga kids pero may reading sessions parin kami. Rest day nila sa module pero sa pagpapabasa ay hindi. Ginawa ko ng daily routine ang pagbabasa namin. Lagi kong isinisingit anytime of the day. Basta may time ako e pauupuin ko lang sa tabi ko at start na ng pagbabasa. Hinahayaan ko sila maglaro at manuod pero kapag tinawag ko na sila para magbasa e sumusunod naman sila. Nakasanayan na din nila pero nung una kasi e panay reklamo pa. 😂 Siguro sa maghapon nakaka-dalawa hanggang tatlong reading sessions kami. Syempre di naman matagal kasi sa age nila masyado pang short ang attention span nila. Kapag nakikita ko naman na nawawalan na ng focus e pahinga na. Si Elyzz ko ay okay na sa mga CVC words at pwede na akong magfocus sa mga sight words. Si Bertt ko naman e kakastart pa lang namin sa CVC words. Nababasa naman nya ng may kabagalan pero ilang sessions pa siguro e bibilis din sya. 👌 #HappyMe 💚

E@ElyzzBerttErynn

Nabusy at nawili! Nawala sa isip ang oras. Hehe! Kakahirit ko sa scissors na pambata e naibili din ako ni mister kagabi. Need kasi magsubmit ng expanded envelop sa school kaya humirit ako ng scissors. Akala ko isa lang bibilhin buti naman at tinatlo nya. Kasi malamang talaga e mag aagawan sila. At ayan na nga naitry na naming mag-iina! First project namin ay lion's head/face. Ewan kung nakuha ba namin ang mukha pero parang mukha din kasing sunflower. Haha! 😅 For beginners dapat pala hindi pacircle yung naisip kong first cutting exercise nila. Sablay ako dun kasi nahirapan sila kaya ako din ang gumawa but yung straight cuts para sa buhok e okay naman. Wala akong straight lines na ginuhit dun so any way nila icut is okay lang. Mukhang naenjoy naman nila. Si Elyzz ko lang ang nagtry magdraw ng face ng lion nya. Yung sa dalawa ako naman ang gumawa. Ayaw naman nila paawat lalo ni Erynn kaya sige parin sya sa pagcut ng paper. Safe naman for her age 'yung scissors na gamit nya. Ewan anong gawa 'yun di ko na nabasa ang carton/box pero not made of metal kaya for paper lang siguro sya. Oh sya ginabi na kami di pa ako nakakaluto nito! 😅 Makapagprepare muna for dinner. Ciao!

E@ElyzzBerttErynn

Napakabilis ng oras, tanghali na! Nakuha ko na mga modules ng mga bata kaninang 9am. After breakfast nakapagstart na ako agad kay Elyzz. Halos kakatapos lang namin sa lessons nya at nakapagreading na din. Si Bertt naman mamayang hapon. Aja! Nailabas ulit ang tripod cp holder para makapagvideo. Required na magsubmit sa gc ng section nila para monitored ni teacher ang paggawa ng mga bata at ang progress nila. Medyo time consuming ngayon dahil nakakabasa na si Elyzz e hinahayaan ko na sya na ang magbasa ng mga panuto. Doble sa time dahil need ko pa ipaliwanag ng husto at translation pa. Sobrang lalalim kasi ng tagalog sa instructions nila. At after nga gamitin for studies ayan ang mag-aama ko. Inubos na space sa cellphone ko sa pictures and videos nila. Basta wacky pics e game na game ang tatlo. Alam na kanino nagmana! 😂

E@ElyzzBerttErynn

Ready na ang breakfast! Luncheon meat and eggs! Kapag sa bunso ko ang tawag dyan ay "lava eggs". Ayaw nila ng well done, gusto nila 'yung nakikita nila 'yung yolk na nagpo-flow tapos ilalagay sa rice. Mamaya pa kami magbibreakfast syempre sasabayan ang mga chikiting. Closing shift si mister kaya ihahatid na nya ko sa school para sa distribution ng module. Para tipid sa pamasahe! Sasamantalahin na tulog pa mga bebes at sana makabalik din kami agad! Magandang buhay! 🤗💚

E@ElyzzBerttErynn

Lunch time na, tara kain na! Pak na pak! Chicken back to back! Tinola at adobo. 😉 Bagong luto ko ang chicken tinola at 'yung chicken adobo naman ay leftovet from yesterday pa. Ang adobo naman habang nirere-heat ay mas sumasarap. Hati ang aking mga chikiting, ang kuya at bunso tinola ang choice. Si panganay stick parin sa adobo. Walang kasawa-sawa kahit simula pa kahapon ng tanghali nya yan ulam. Kaninang breakfast naman e may added boiled eggs naman, maiba lang! Kumain na po ba kayo? Join na! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Gustong gusto ko talaga 'tong mabili para sa mga kids ko pero hanggang "Add to cart" lang ako. Alaws pang budget! Sana naman pls lang tumaas ka naman na ng makakurot naman. 😂 Bet na bet ko yang My First Steps na 12 books. Parang ang gandang gawing family bonding kasi ang daming activities! Let's cut paper, Let's color, Let's fold and Let's sticker and paste. Suitable for ages 2 and up. Tamang tama para maturuan ko na sila gumamit ng scissors. Nakapag add to cart na din ako ng safety scissors. Sa age ng mga anak ko di ko pa napatry magcut ng paper on their own. Takot ako kasi ang tatalas ng gunting ko at ang tulis pa. Syempre gusto ko din yang Math workbook para after sa reading e Math naman ako magfocus. 👍 Wala lang nakwento ko lang. Aga ko kasi sumilip sa lazada kaya napatingin na naman sa mga na-add to cart. Hanggang tingin lang muna! Mabibili din kita! Aja!

E@ElyzzBerttErynn

Nakatapos din sa tupiin! Maayos na magulo. Ano daw? Ahh basta inayos na pero magulo parin. Keribels na daw yan at magugulo din ulit. 😅 Dahil medyo maaga pa naman e another movie time muna. Disney's Descendants na may part 1 to 3 na. Ngayon pa lang mapapanuod ng mga kids kaya simulan na muna syempre sa part 1. Interested ang big two ko sa panunuod pero ang bunso ko naman e iba din ang trip. Gabby's dollhouse naman sa kanya saka mga colors and shape videos. Sabayan na din ng food trip, chicharon and happy 'garlic flavored' nuts. 😉 Magandang gabi sa lahat! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Kagigising lang naming mag-anak! Sulit ang huling araw ng pahinga ni mister. Tara po meryenda na muna tayo, ensaymada at black coffee. Ang mga kids pagkagising nasa gate na agad. Dadalhan na lang doon ng snacks nila. After namin magkape ni mister saka namin palalabasin kahit sandali para makapagplay pa bago dumilim. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Late lunch! Kaunting pagpapalambot pa sa patatas e pwede ng kumain. Nalimutan ko na naman kasing ilabas sa freezer ang chicken kanina. Kaya ayun natagalan na naman bago makaluto. Talagang sign of aging na talaga and isa din daw sa side effects ng panganganak ng CS. Not just once but thrice! Lol! 😂 Nagpameryenda na lang ako ng sandwich sa mga bata kanina para di naman magutuman. Ako ngayon ang nagugutom na. Magsasandwich din sana ako kaya lang mapapadoble na naman ng kain. Bitin kasi sa akin kapag isa lang. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Pagbigyan ang request ng mga kiddos! At dahil natapos na din namin sa wakas ang "All of Us Are Dead" na sobrang bitin e time naman para samahan sa movie night ang mga chikiting. Ang napili nilang movie ay Hotel Transylvania - Transformania. Super fave din talaga nila yan simula part 1 hanggang eto na ngang part 4 na. Napanuod na nila pero yan parin ang trip nila panuorin ngayon. Ready na ang popcorn! Without cheese kasi ayaw ni bunso. Waiting pa sa french fries with cheese naman ang request ng big two ko. Mayroon pang nakasalang si mister at kapag naluto na lahat e pwede ng lagyan ng cheese. Kapag ready na ang foods e pwede ng simulan ang panunuod! Gandang gabi sa lahat! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Medyo nahiya naman ako sa asawa ko na magpapetiks mode ngayon. Kasi nakatapos na ako sa kusina, nakapagreading na kami ng mga bata kanina pang umaga. Tapos tulog na din mga alaga ko. Kaya ayun naglinis na lang ako ng cr! Ibinabad ko muna ang toilet at tiles sa zonrox tile cleaner. Buti na lang talaga effective sya at di masyadong masakit sa ilong. Di ko kasi keri talaga 'yung original na bleach kasi kahit matagal ng nabanlawan ay suffocating parin e. At ayun nga brush dito at brush doon ang ateng nyo! Daig pa ang nagzumba ng 30mins. Para akong naligo sa tindi ng pawis. Gandang workout! Ayan nga at squeaky clean na naman ang cr. Sarap sa mata at okay na okay sa ilong ang bango. 🥰 Pwedeng pwede na akong umawit ng meryenda kay mister. Makapagpalibre! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Madalas na akong kulangin sa mga hanger at sipitan kaya ayan binilhan na ako ni mister ng additional. At ang maganda pa nyan nagvolunteer syang labandero ko ngayon. Parang patapos na nga ata sya. Ang bilis! 👍 Sya ang unang gagamit ng sipitan at hanger na binili nya. Hehe! Mabait naman ako at tinulungan ko syang mag-sort kanina. 😅 Masipag talaga maglaba etong mister ko e pero ang ayaw na ayaw nya ang paghahanger at pagsisipit kaya malamang pala sakin nya ipapagawa yun. Okay lang naman basta sya parin ang magsasampay sa bubong kasi masakit sa braso e masakit pa sa leeg. At saka kahit may pang-sungkit ako e mega tingkayad pa ang ateng nyo. Tangkad ko kasi e mga 4'11". 😂

E@ElyzzBerttErynn

After lunch mas masarap magpalamig. Wala kaming cold water pero meron naman akong sprite, yakult and delight. Gaya-gaya sa napapanuod sa fb ng ways to turn your simple drink to simply-mazing with yakult. Pero ang yakult ko kasi dito e exclusive sa mga chikiting kaya 'yung delight na lang. Magkalasa din naman sila e. Hehe! Presenting my "Sprite Delight". Ang sarap promise! Lalo at nagyeyelo 'yung sprite ko. Aakalain mong may halong soju. Haha! 😁

E@ElyzzBerttErynn

Napa-cheat si mister at nagcrave ang misis sa spicy seafood noodles! Matagal na etong stock ko ng noodles sa aming estante e. Di ko magawang iluto at wala akong makasabay sa pagkain. Medyo malungkot naman kumain nito ng mag-isa. Buti naman at napagbigyan ni mister ngayon. 😁

E@ElyzzBerttErynn

Pahinga si mister ng 5 days sa work. Schedule nya kasi ng booster last Saturday at sabi nila medyo malakas ang booster shot kaya mas kailangan ng rest. Ayun nagfile sya ng leave kasama na rest day nya kaya mahaba haba ang family time. Dahil medyo maluwag na ulit e inaya ko siya isama sa bukid ang mga bata. Marami ding mga bata sa kapitbahay ang sumama sa amin. Akala ko mag eenjoy silang tatlo pero hindi pala masyado, lalo si Elyzz ko! Di ko malaman kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya. Pagdating kasi namin doon halos ayaw nya itungtong paa nya sa bukid, hindi naman sya nakayapak hah. Ang dami kasing nagkalat na mga natuyong dumi ng baka at kalabaw. Takot na takot sya! Nag okay na sana medyo nabusy lang sya sa kakaiwas. Kaya lang 'yung mga kalaro nya na sanay sa bukid e nagbatuhan pa nga. Tapos inilapit sa kanya 'yung 💩. Di naman sadya dahil nagulat sya e napadikit sa kamay nya. Ayun pumalahaw ng iyak. Mukha syang nakakaawa pero nakakatawa. Pero kung iisipin naman talaga e nakakaawa na karamihan sa mga bata e gaya ng anak ko na hindi nasanay sa labas. Samantalang kami noon halos magpagulong gulong na sa bukid. Saan ka pa nasa gitna kami ng bukid e hinahanapan pa ako ng upuan. Sabi ko nga sa lapag lang e. Ayaw ba naman! Di nya talaga keri sumalampak ng upo. Si Elyzz at Erynn lang namab. Buti si Bertt ko nagtry.. ginaya naman nya 'yung ginagawa ng mga kalaro nila. Game naman sya sa ganun! Eto nga at nakauwi na kami. Binigyan ko na lang ng kaunting mamemeryenda yung mga batang sumama sa amin. Salamat sa kanila at may panibagong experienced sa outside world ang mga junakis ko. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Ginataang kalabasa with pork! Ngayon pa lang kami magla-lunch at super late na. Natagalan kasi kami ni mister sa school. Sinamahan nya ako kasi kailangan namin humanap ng halaman at paso. Mabuti na lang din sinama namin si bunso. Pinapagproject ang mga bata at nire-ready na ata ang mga classroom para sa face to face classes. Parehas naman kaming di familiar sa lugar at di namin alam mga bilihan. Nagpalit ng assigned teacher din sa kinder at 'yung dating classroom na pinupuntahan ko for retrieval e hindi na doon. Mayroon palang mga rooms inside the housing area. Kaya naghanap kami ng garden shop at pati bagong classroom nila e hinanap parin namin. Tara po kumain! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang pagod, sobrang daming ganap at promise nai-stress ako maigi ngayong araw na 'to. Sa maghapon ngayon kang ako tuloy nakasilip dito. Kanina maaga pa lang nakapagprepare na ako kasi may worship service na ulit ang mga bata na ang venue e sa kabilang street. 9am 'yun at habang andun nga ang 3 bata e sinamantala namin makapamili ng meat at vegetables. Habang namimili kami may napadaan naman na naglalako ng mga itlog. Sa ganun kasi mas mura e 160php lang ang large size. Sa grocery 170php ang Medium pero mukha namang small. At dahil di na namin madadala pa kung itutuloy ang pamimili kaya naisipan namin ni mister na iuwi na muna 'yung ibang pinamili. After nun umalis ulit kami para bumili. At ng matapos na kami at nakauwi na ulit kinakapa ko sa leeg ko 'yung susi ko ng bahay e WALA. Yung susi ko kasi ng gate nasa air purifier ko. Andun din ang alcohol ko. Everytime nalabas ako talagang nakasukbit sa akin 'yun. Ewan at anong nangyari at nailapag ko pala sa table nung umuwi kami. Naiinis ako sa sarili ko napakamakakalimutin ko na. Nagtry ako manghiram ng lagaring bakal sa kapitbahay para masira ang padlock pero di kakayanin. Buti may nagpapagawa ng bahay 2 blocks away at mayroong grinder. Tinulungan kami ni Manong! Napakabait at di nagdalawang isip na tumulong. Kung hindi di kami talaga makakapasok. Inaabutan ko nga ng pangmeryenda man lang nila pero di tinanggap. Napakathankful ko talaga sa kanila! 🙏 Isa pa lang yan sa nakakastress na pangyayari at mayroon pang mas malala kaya talagang nadrain ng husto ang energy ko. Ayun napabili ako ng ice cream para naman kahit paano may pampa-happy! Gandang gabi sa inyo. 💚