Naisahan ako ng aking mag-aama! Ang sabi sisilip lang daw sa petshop aba pagkauwi may tatlong supot na ng isda. Silip lang pala yun. Nagbike lang sila akala ko tamang iikot lang sila. Haha! In fairness nakakatuwa naman at ang kukulay nila. Stress reliever sya ni mister! Pagkagaling work at pagkauwi ng bahay ang unang tanong e kung pinakain na ba ang mga alaga nya. Next time ang isasagot ko e "kinain ko na". Lol! Naging tambayan nya yang aquarium nya. Dyan nya feel tumulala habang nagkakape. Kaya dapat talaga suportahan na lang ang hilig nila. Gandang gabi po. π
4 comments
Ano po kaya ang magiging reaksyon nya kapag sinabi nyo yun hahaha. Ang gaganda nga ng kulay sis hihu worth it ang pag silip haha
Lagi ko ngang binibiro na kapag wala akong mailuto e ipiprito ko. Lol!
Another budol sis ah hehe. Si mister ko naman pagkakalapati naman ang hilig. Kaya suportahan na lang talaga. Pagdating yun din anc tanong kung pinakain naba ang mga kalapati haha.
Haha! Same pala sis ng linyahan, ganyan din si pare mo kapag umuwi yan agad ang tanong sakin.