read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Halos kaaalis pa lang ni mister. Double shift sya ngayon, from store opening to closing ang duty nya. Kagabi kahit pagod galing work e pinauna nya akong matulog at sya ang unang bantay kay Bertt. Around 3am naman ako nagising at ako naman ang pumalit sa kanya. 38.3°C ang temperature ni Bertt ng madaling araw at ngayong umaga e bumaba na sa low grade 37.7°C. Sana tuloy tuloy na syang mag-okay. 🙏 Ready na ang almusal pero tulog pa mga bata. Tinapang galunggong at leftover pork adobo ang nakahain. Mamaya pa ako kakain at waiting pa sa mga bata. Magkakape na lang muna at kailangan kong dumaan sa payment center kasi due date na pala ng tubig namin. Kahapon ko lang naalala tapos di naman ako makalabas gawa ng may sakit nga si Bertt. Agahan ko na lang para wala pang gaanong pila. Magandang umaga po! 💚

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.