Natapos na ang maghapong paggawa at sa wakas e makakapagpahinga naman. Super aga ko na naging abala at bumisita ang kapatid ko at hipag kasama ng dalawa nilang nagpopogiang anak. Hehe. Kaya 5 na ngayon ang junakis ko Gusto ng mga bata magbakasyon sa akin kaya hinatid ng mag-asawa at next week na susunduin. Kaya tuwang tuwa din mga anak ko na may kalaro sila. Namiss naman nila ang isa't isa. Mas lalong naging maingay ang dati ng maingay naming tahanan! Birthday ni mister ko bukas at ngayon pa lang e abala na sya at gumagawa ng fruit salad "tinipid version. Mga supply pa naming natira noong new year celebration. Haha! Abala din ako bilang "taste tester". 😅 Namiss ko kayo dito. Ilang araw din pala akong di nakabisita. Magandang gabi sa lahat! 💚
3 comments
Sarap ng fruit salad sis, kahit tipid lang oks na yun. Happy birthday na sa hubby mo sis.
Advance Happy Birthday kay Pare sis.. kahit pa tinipid version yan sureness na masarap yan sis. Makiki kain kami diyan bukas sis.
Tara sis! Dinaan na lang sa dami ng cheese ang salad para masarap.