read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Last thursday night ng magsend ulit si teacher ng top performing students for Week 7. Sobrang nakakahappy at nakakaproud na 'yung dalawa ko is very consistent sa performance nila. Bilang parent plus factor na lang yan at ang aim ko naman talaga is matuto talaga sila. Ayaw kong maging failure as a nanay/teacher nila ngayon. Natakot ako na matapos ang school year na 'to na hindi sila natuto kaya talagang tinutukan ko maigi. 🙏 Kahapon naman nagvisit ako sa school para sa retrieval and distribution ng module and activity sheets nila. Sobrang saya na marinig sa teacher nila na, "Ang gagaling po ng mga anak n'yo." Pumapalakpak ang tenga ko syempre! Sulit yung hirap at pagod ko! Nakakatuwa na naestablished ko na 'yung study habit nila. Hindi gaya ng una na pahirapan sila ayain magstudy. Sa ngayon alam na agad nila, pag tinawag ko "matic" na sila sa pwesto nila. Tamang kwento lang at happy ang ateng n'yo! Saktong pahinga lang at sumilip dito. Kakatapos ko lang kasi maglinis ng cr. 😅👌

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.