Hindi Nalang Magmamahal

17 94
Avatar for Eirolfeam2
3 years ago

It's been almost a week when I last wrote an article on this platform titled "My The One That Got Away". Now I'm back to write another Tagalog article that will somehow sum up my feelings. Char. 😹

I only write in Tagalog either when I am too happy and in love or when I am too lonely and heartbroken. This time, as I write this piece, I think I am just in between those two emotions. I usually write in Filipino when there is someone who inspired me to write a certain piece or when there is something I want to say to someone but I couldn't tell it directly so I just write it down, just like my previous published works. But in this piece, let's just say that a lot of people's heartbreaks, including mine, inspired me to write this one.


Hindi Nalang Magmamahal

Ni Florie Mae @Eirolfeam2

Sa mahigit dalawang dekadang pamamalagi sa mundo, hindi ko mapigilang mapaisip kung ano nga ba ang pakiramdam ng may taong nagmamahal sa'yo ng buong puso.

Napapaisip din ako kung ano nga ang pakiramdam ng mayroon kang isang taong minamahal na handa kang gawin at ibigay lahat ng meron ka alang-alang sa taong minamahal mo.

Hindi ko sinasabing hindi ko pa nararanasang magmahal dahil lahat naman ng tao ay nabubuhay dahil sa pagmamahal.

Pero bilang isang babaeng madalang lang makaramdam ng 'romantikong pag-ibig' at hindi pa man din pumapasok sa isang 'romantikong relasyon', may tanong na laging tumatakbo sa isipan ko.

Sabi sa isang kanta, "Masarap magmahal 'pag panalo". Ibig bang sabihin nito, hindi na masarap magmahal kapag lagi kang talo?

Pero kailan ba masasabing talo ka sa pag-ibig?

Kapag ba iyong taong gusto mo ay hindi ka makuhang gustuhin pabalik?

Kapag ba iyong taong gusto mo ay imposibleng makuha mo?

Kapag ba iyong taong mahal mo ay hindi ka kayang mahalin pabalik dahil may mahal pa siyang iba o may mahal na siyang iba?

Kapag ba iyong taong mahal na mahal mo ay bigla ka nalang iiwan sa hindi maipaliwanag na dahilan o dahil may nahanap na siyang iba?

Kung Oo ang sagot sa tanong ko, baka lagi lang din akong talo kapag nagmahal na ako.

Kung ganoon, ayoko nalang magmahal. Hindi nalang magmamahal.

Hindi nalang magmamahal kung kahit anong gawin ko ay hindi mo mapapansin ang nararamdaman ko para sa'yo.

Hindi nalang magmamahal kung kahit nagtapat na ako ng pag-ibig ko sa'yo ay balewala parin ako sa mga mata mo.

Hindi nalang magmamahal kung kahit ibigay ko sa'yo lahat ay hindi mo parin makikita ang halaga ko sa'yo.

Hindi nalang magmamahal kung kahit mahalin kita ng tapat ay hindi parin magiging sapat.

Hindi nalang magmamahal kung kahit ako iyong nandito ay siya parin ang hinahanap-hanap mo.

Hindi nalang magmamahal kung kahit gaano kita kamahal ay siya parin ang nilalaman ng puso't isipan mo.

Hindi nalang magmamahal kung gagawin mo lang akong 'waiting shed' at aalis nalang kapag dumating na iyong taong hinihintay mo.

Hindi nalang magmamahal kung iiwan mo lang din ako kapag bumalik na siya sa buhay mo.

Hindi nalang magmamahal kung sa simpleng tampuhan lang ay aayaw ka na.

Hindi nalang magmamahal kung sa kaunting hindi pagkakaunawaan lang ay bibitaw ka na.

Hindi nalang magmamahal kung bigla mo nalang akong iiwan ng wala man lang sinasabing dahilan.

Hindi nalang magmamahal kung sinabi ko lang na napapagod na akong magsakripisyo ay bigla mo nalang akong iiwan ng hindi manlang ipinaglalaban.

Hindi nalang magmamahal kung ipagpapalit mo lang din ang ilang taong samahan para sa taong nakilala mo lang sa loob ng dalawang buwan.

Hindi nalang magmamahal kung ang ipinangakong panghabang-buhay ay magiging panandalian lang.

Sabi nila, kapag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan dahil kaakibat ng pag-ibig ay ang sakit.

Pero hindi ba pwedeng magmahal ng hindi nasasaktan?

Subalit mahirap mabuhay ng hindi nagmamahal, kayat kahit masakit at kahit gaano pa kahaba ang listahan para sabihing Hindi nalang magmamahal ay patuloy paring magmamahal.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi naghihintay ng kapalit kayat patuloy na magmamahal kahit hindi ibalik.

Hindi ka man gusto ng taong gusto mo, o iniwan ka man ng taong pinakamamahal mo, naniniwala parin akong may nakatadhana para sa'yo.


"Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas."


11
$ 25.81
$ 25.63 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @OfficialGamboaLikeUs
$ 0.05 from @Angel_183
+ 4
Avatar for Eirolfeam2
3 years ago

Comments

Wag Po kayo mawalan NG pag asa. May dadating din Po na Tao para sa inyo. Minsan nga Yung di mo pa inaakala ay Yun pa Ang para sayo. Kaya tiwala Lang meron Yan.

$ 0.00
3 years ago

Huwag mawalan ng pag-asa. Sabi mo nga darating din ang taong para sayo. Hindi kasi natin yun mamemeet kung hindi tayo magmamahal ulit.

$ 0.00
3 years ago

Totoo naman po yan. Kayat handang masaktan ng paulit-ulit. 🤧🤣

$ 0.00
3 years ago

Hmm? Meron po talagang isang tao na unexpectedly na mememeet natin at mag iiba ang pananaw natin tungkol dyan Hehehe.

Although, tama ka naman talaga sa mga reasons "hindi nalang magmamahal" ganon din po talaga mga naiisip ko hehe. But as I said po, meron po tayong mamemeet na tao na magiging comportable tayo kahit anu pa mangyari hhehe

$ 0.00
3 years ago

Nabanggit ko din naman yan sa article. Dun sa last part. 😹

$ 0.00
3 years ago

Ateeeeee ganda ng article mo. Kaya nga lang parang ayokong maniwala na hindi ka na magmamahal ulit. Hahaha ikaw pa ba?

$ 0.03
3 years ago

Salamatsu. Hahahaha Siyempre. 😹🤣

$ 0.00
3 years ago

Medyo masaket HAHAHAAH

$ 0.00
3 years ago

Hindi naman. 😹

$ 0.00
3 years ago

May rewards din pala sa tagalog article pambihirang itlog 🤣🤣. I'll publish a tagalog too.

$ 0.00
3 years ago

Meron naman po talaga. 😹

$ 0.00
3 years ago

Kala ko wala rewards sa tagalog kasi noon puro tagalog gawa ko ni kusing waley. 🤣🤣 Thanks sis ma try din gumawa ulit tagalog sana mag ka rewards din.

$ 0.00
3 years ago

Ang pagmamahal ay laging may kaakibat na sakit at Ang akin ay normal Lang din maramdaman kasi buhay ka. Ganda ng article mo. Nangangiti akong tinapos basahin hehe.

$ 0.03
User's avatar Yen
3 years ago

Naalala ko ung ang babaeng walang pakiramdam. Hahaha Salamatsu. 😹

$ 0.00
3 years ago

Dun ko talaga kinuha yon hahahaha. Sa sinabi ni ngongo 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago